CHAPTER 32: RUSSIA
Alas-nuwebe na ng umaga ngayon at naririto ako sa kotse, nagmamaneho at kaalis lang ng bahay, ang isa kong kamay ay hawak-hawak ang iPhone ko kung saan inaantay na sagutin ng mama ni Montage ang aking tawag
Mahigit apat na ring bago iyon sinagot ni tita
"Hello? Tita Rolanda?" Pangunguna ko
"Oh anak?" Tugon ni tita. "Ba't ka napatawag?"
"Si Montage po? Nasa inyo po ba? Hindi ho kasi sinasagot ang mga tawag ko" I interrogated as I maneuver my car to the highway
"Ayy oo, kaso kakaalis lang eh" bakas ang pag-aalala sa tinig ni tita Rolanda
My forehead instantly creased. "Saan po nagpunta?"
"Anak, alam mo namang simula pagkabata nun eh, hindi nagsasabi kung saan nagpupunta" malumbay na tinig ni tita. "Pero ang sabi niya sa akin kanina ay tatambay lang daw siya sa gilid ng ilog"
"Eh marami namang ilog dito, baka naman sa ilog ng Marikina ang punta nun dahil ayun lang naman ang ilog na kinababaliwan non sa pagkakaalam ko simula pagkabata niya" dagdag pa ni tita patungkol sa kaniyang anak
"Sige po, puntahan ko nalang. Salamat po tita" pagtatapos ko sa usapan bago ibinaba ang tawag. Malalim akong napabuntong-hininga bago binilisan ang pagmamaneho ko papunta sa aking destinasyon
Ipinarke ko ang sasakyan ko sa parking lot ng katabing mall at lumakad nalang papunta sa gilid ng ilog, maraming mga namamasyal sa paligid. May mga bata at mga matatanda, karamihan ay mga magbabarkada at magpapamilya, pero wala akong Montage na nakita
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid, ilang beses akong luminga-linga habang pinapakiramdaman ang hanging sumasalubong sa akin. Nang dumapo ang mga mata ko sa isang tulay na dinadaanan ng mga sasakyan sa itaas ay doon ko natanaw sa gilid ng mahabang barricade ng tulay si Montage
Nung una ay hindi ko nakilala si Montage dahil sa layo ng kinatatayuan ko mula sa tulay. Nakatayo lang siya doon at nakatulala lang sa ilog sa ibaba, hindi ko alam kung balak niya bang tumalon doon kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pang tumakbo paakyat sa dulo ng tulay bago tumakbo papunta sa gitna kung nasaan ang matalik kong kaibigan
Binagalan ko na rin ang takbo ko nang makita si Montage na wala naman yatang balak na tumalon, sadyang nakatulala lang talaga siya sa ilog. Hingal na hingal akong nahinto, ilang dipa ang layo mula sa kaniya
Napahawak ako sa barricade habang naghahabol ng hininga
"Ba't ka naandito?"
Umayos ako ng tayo at pilit na ikinalma ang sarili ko nang marinig ang tila ba'y galit na boses ni Montage
"Eh ikaw?" Balik tanong ko imbes na sagutin ang kaniyang tanong. "Ba't ka naandito?"
Hindi siya umimik, kita ko kung paano kumuyom ang kaniyang mga kamay sa gilid niya
"Alam mo..." I drawl as I gently pulls the invitation out from the black jean jacket I'm wearing, before looking down to the river. "Napansin ko lang na ang hilig mo sa tubig, I mean ang hilig mo laging tumambay sa ganitong lugar na malapit sa mga tubig"
"Kahit noong highschool ay kadalasang pasyalan natin ay ang mga lugar na may yamang-tubig sa tabi-tabi" dagdag ko pa bago ibinalik ang paningin ko kay Montage

BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
General FictionRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...