CHAPTER 21: CHERRY VERMILLIO
Lumipas ang isa't-kalahating taon ay napakalaki na ng pagbabago ng pamumuhay namin ng pamilya ko, napakaganda na kumpara sa nakaraang mga taon. Ang maliit at luma naming bahay ay nilisan na namin at lumipat na kami sa isang moderno at dalawang palapag na bahay rito sa Metro Manila na ibinigay sa amin ng libre ni Annaliese at ng kaniyang kinakasamang lalaki na ngayo'y asawa na niya.
Hindi lang iyon, dahil si Reiner ay naka-graduate na rin ng kolehiyo at nakahanap na kaagad ng trabaho sa isang sikat at malaking kompanya. Si Rowena naman ay nasa kolehiyo na rin at kasalukuyang nasa kursong Nursing, si papa naman ay nanatiling sekyu sa isang bangko.
At ako naman...
Masaya na ako ngayon kasama ang pamilya ko, ni wala na akong hihilingin pang iba dahil nasa akin na ang lahat.
Ayaw na ng pamilya ko na magtrabaho ako, pero dahil matigas ang ulo ko ay hindi ako sumunod, naging isa ako sa mga barista sa isang branch ng 'Halcyon' na coffee shop na pagmamay-ari ng asawa ni Anna, hindi lang iyon dahil pinasok ko rin ang pagiging isang stripper sa isang malaki at kilalang night club para kumita pa ng malaking pera at mapakapag-ipon para sa mga anak ko.
Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang imahe ni Ken sa puso't isipan ko. Aminado akong siya pa rin ang gusto ko, pero sa ngayon ay ayaw ko pang makita siya dahil sa hindi ko inaasahang matutuklasan noon sa kaniyang kuwarto. Basta ang huling balita ko nalang sa kaniya galing kay Hadasa noon ay lumuwas na sila ng bansa, pabalik sa bansang Russia.
Isa't-kalahating taon na rin ang lumipas bago kami hindi nagpansinan ni Montage, wala na akong contact sa kaniya at hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya, hindi na ako magugulat kapag nabalitaan kong nabuang na ang babaeng iyon, kahit na nagkatampuhan kami ay hindi nawawala lagi sa leeg ko ang kuwintas naming dalawa kung saan nakapalawit ang singsing namin noong highschool.
"Rowena!" Pasigaw na pagtawag ko bago pinatay ang kalan at inilipat ang niluto kong ulam sa isang malaking mangkok na inilabas ko kanina.
"Oh?!" Sigaw pabalik ni Rowena mula sa loob ng sarili naming tindahan, sabado ngayon kaya't naman ay narito sa bahay si Rowena, samantalang sina Reiner at papa naman ay nasa trabaho. Ako naman ay mamaya pang gabi.
Inilapag ko na ang mangkok sa gitna ng lamesa, pati na rin ang bagong sinaing. "Maghain ka na sa lamesa!" Utos ko bago umakyat sa itaas at tinalunton ang kuwarto ko, kumatok pa muna ako ng dalawang beses bago pumasok, nakita kong nakahiga si Reezen sa ibabaw ng kama habang nanonood ng cartoons sa TV.
"Reezen, baba na doon at kakain na." Sabi ko bago nilapitan ang puting crib sa gilid ng kama at maingat na binuhat ang limang buwang gulang kong bunsong lalaki na si Rancell na naglalaro.
"M– mama!" Galak na galak na sambit ni Rancell sa akin habang kinakapa ang palawit ng kuwintas ko.
"Wait lang po, mama." Magalang na tugon ni Reezen bago pinatay ang TV at tumalon pababa sa kama. "Ano po ulam? Amoy ko rito, bango."
"Eh di ang paborito niyo ng tito Reiner mo, adobong manok," nakangiti kong nilapitan ang panganay ko at binuhat rin siya. "Hmp! Bumibigat ka na, 'nak!"
Napahiyaw naman si Reezen dahil sa ginawa ko, mabilis na napayakap siya sa leeg ko. "Mama naman po eh! Hindi na ako baby, si Rancell na ang baby!" Nakangusong reklamo niya. Si Rancell naman ay tinawanan lang ang kaniyang kapatid.
"Anong hindi?" Lumakad na ako palabas ng kuwarto. "Eh nasa grade 1 ka pa lang naman, Reezen. Atsaka baby ko kayong dalawa noh!" Hinalik-halikan ko ang dalawa kong anak sa kanilang mga pisngi, aliw na aliw naman ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
Fiction généraleRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...