CHAPTER 29: Surprise

345 33 4
                                    

CHAPTER 29: SURPRISE

Bago umalis ay sinigurado naming nakakandado ang bahay dahil bukas pa ang pagbabalik trabaho ng mga tauhan ni Ken, tinawagan ko na rin si Rowena na hindi kami makakauwi ngayon sa bahay, si Annaliese naman ay wala pang balita tungkol sa natitira kong target na si Rudolfo Fuentez.

Ngayon ay nasa iisa kaming mahaba at paikot na upuan ni Ken kung saan katapat namin ang palaruang pinasukan ni Reezen kasama ang ibang mga bata na libang na libang sa mga kalaro nila.

"Ahh—" Napasinghap ako nang pumatong ang mainit na palad ni Ken sa ibabaw ng hita ko, naka-pula akong turtle neck long sleeve na pinatungan ng maikling checkered black fitted strap dress. I cleared out my throat and casually pushes his hand away from my bare thigh. "Kamay mo, a– ano ba? Nasa public place tayo."

Napangisi siya habang isinasayaw-sayaw si Rancell sa kaniyang kandungan.

"Ngiti mo," kinurot ko ang kaniyang tagiliran dahilan para tumabingi ang kaniyang katawan at matawa siya. "Anong iniisip mo?"

Nakangisi niya akong binalingan at nagkibit-balikat. Napamaang ako bago ko kinurot ang kaniyang braso. "Ikaw talaga, ang halay mo sa akin."

"Di' ba noh, Rancell?" Pinisil ko ang pisngi ng bunso ko, humagikhik siya at tumalon-talon sa kandungan ni Ken.

Ilang sandali ay sumandal sa balikat ko si Ken nang hindi naalis ang kaniyang mga mata sa akin. "Hmm..." Nagpapalambing niyang tinig.

"Nagugutom ako dahil sa biyahe," marahan kong inalis ang ulo ni Ken sa balikat ko atsaka tumayo. "Ikaw ba?"

He made a tiring face and nodded.

"Bibili ako saglit," nakangiti kong ginulo-gulo ang kaniyang naka-bun na buhok, napanguso siya. "Ikaw na muna ang bahala sa mga anak natin."

Tumango-tango siya na nakanguso pa rin. Saglit akong natawa bago ko kinurot ang kaniyang nguso at umalis papunta sa mga hile-hilerang stalls na malapit sa lugar namin.

Inuna ko na munang puntahan ang stall ng milk tea dahil iyon ang malapit, iisang galanteng ginang lang ang nakapila doon kaya sumunod na ako sa kaniya. Saktong pag-alis ng ginang bitbit ang dalawa niyang order ay nalimutan naman niyang kumuha ng straw sa lalagyan.

"A– ano, yung straw niyo po!" Kuha ko sa atensyon ng ginang bago kumuha ng dalawang straw sa lalagyanan. Hahabulin ko na sana ang ginang nang makita kong nakatayo lang siya't nakaharap na sa akin.

"Rosean..." Sambit ng ginang na ikinabilis ng bawat pintig ng puso ko. Napaawang ang labi ko at hindi nakapagsalita sa hindi inaasahang pangyayari.

"May I take your order miss?" Pukaw sa atensyon ko ng tindera sa stall, napabaling ako sa kaniya at umaktong kaswal. I gulped and cleared out my throat.

"Uhm, yung dalawang best selling niyo, medium size. Pasupot na rin. Salamat."

Tumango ang tindera bago kumilos, samantalang ako ay pilit na ikinalma ang sarili, malalim pa muna akong huminga bago hinarap ulit ang ginang na ngayo'y ilang dangkal nalang ang layo sa akin.

She looks so surprised as much as I do. But there's a genuine smile on her lips that I couldn't imitate.

"M– mama..." Napalunok ako. "Ba't ka narito?"

"Anong 'Ba't ka narito'?" Natawa siya bago niya ako sinalubong ng napakahigpit na yakap, gusto ko man humiwalay at lumayo dahil sa mga hindi magandang ginawa niya sa amin nina papa at ng mga kapatid ko noon, pero hindi ko magawa.

Kay tagal ko na rin siyang hindi nakikita at nahahawakan.

Humiwalay si mama at nakangiting pinagmasdan ang kabuoan ko. "Kamusta ka na? Ang ganda-ganda mo na ngayon. May nobyo ka na ba? Asawa? Anak?"

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon