CHAPTER 37: Borja and Montage

236 23 3
                                    

CHAPTER 37: BORJA AND MONTAGE

Ang pagtatrabaho ko bilang sekretarya sa mismong asawa ko ay umabot ng isang linggo lamang, matapos kasi non ay bumalik na ang kaniyang mga orihinal na sekretarya. Nung una ay inaakala kong magiging madali lang ang pagtatrabaho bilang isang sekretarya, basic lang naman nung una, pero nung mga sumunod na araw ay hindi na. Halos minu-minutong may dumarating na mga gawain

Mula sa mga pagsagot ng mga emails at phone calls ng mga inquirers, mga meetings mula sa mga stockholder at kung sino-sino pa, pagpi-print at pagde-deliver ng mga papeles. Bawat araw ay punong-puno ang schedule namin, ni hindi na kami kumakain ni Ken sa tamang oras at hindi na ako masyadong nakakatawag kay Anna para kamustahin sina Reezen at Rancell

Partida dalawa pang kompanya ang mina-manage ni Ken, pero ang kompanya ng kaniyang mga magulang ang pinaglalaanan namin ng maraming oras dahil iyon ang halos muntikan nang bumagsak dahil sa pagpapabaya ni Martini Cimorelli

Speaking of b*tch. Simula nang ma-knocked out ko siya sa bahay ay hindi na kailanman siya nagparamdam ulit, kahit sa phone ni Ken ay hindi na nasundan pa ang kaniyang mga lumang messages

Nang bumalik na ako sa pagiging plain housewife ay nabagot naman ako sa bahay, wala akong ibang ginawa kundi sumingit sa mga gawaing bahay, ayaw naman ng mga kasambahay akong pagtrabahuin pero sa huli ay hinahayaan nalang nila ako, hindi rin naman nila ako matiis

Maliban sa gambalain ang mga kasambahay ay pinopokus ko rin ang atensyon sa mga anak ko, paminsan-minsa'y nakikipaglaro, minsan naman ay tinuturuan ko si Reezen na magbasa ng mga libro, gumuhit at magsulat sa papel. Si Rancell naman ay sinusubukan kong pagbasahin ng mga nursery books at pagpanoorin ng mga nursery rhymes mula sa Cocomelon

Madalas naman ay pinapasyal ko sila sa mga parke at mall kasama ang mga kaibigan kong libre sa mismong araw, lagi-lagi kong binibili ang mga gusto ng mga anak ko, ni hindi ko rin naman sila matanggihan. Kaya't naman itong si Reezen ay masyado ko nang naii-spoil. Minsan bago magpasyal ay dumaraan rin kami sa opisina ni Ken para pagdalhan siya ng meryenda at kamustahin

Paminsan-minsan ay naabutan namin si Ken sa kaniyang opisina, pero madalas naman ay nasa meeting siya o kung kaya't nasa kung saang lupalop ng lugar, kaya naman iniiwan nalang namin ang mga nais naming ibigay sa asawa ko sa kaniyang opisina

Dumaan pa ang ilang nga araw ay wala pa ring pinagbabago sa kaniyang schedule, punong-puno pa rin, lagi-lagi nalang siyang nago-overtime kaya naging routine ko na rin yung pagbibigay ng masahe sa kaniyang katawan tuwing gabi o madaling araw

Naiinis pa ako kay Ken dahil minsan pagkarating niya sa bahay ay iidlip lang siya tapos ay magtatrabaho na naman sa kaniyang maliit na opisina sa bahay ng madaling araw para ipagpatuloy ang mga hindi niya natapos na obligasyon

Talagang desididong-desidido si Ken na hindi puwedeng matapos ang buwan ng Mayo nang hindi kami nakakapunta sa dagat. Balik-eskuwela na rin kasi sila Reezen sa susunod na buwan, kaya't inihahanda ko na rin ang kaniyang mga dokumento para sa page-enroll sa bagong paaralan na malapit sa amin, may kamahalan ang tuition pero parang sentimo lang naman iyon kay Ken, ang mga school supplies naman na kinakailanganin ni Reezen ay sagot na ni Hadasa

Simula nang ikasal kami ni Ken ay pati na rin ang tuition at allowance ng kapatid kong si Rowena ay sinagot na rin niya, kasalukuyang nurse student siya kaya't naman madali ring nagkasundo sila ni Hadasa na isang gynecologist

Sa ngayon ay nasa maayos at magandang estado na ng buhay ang pamilya ko kahit na malayo sila sa akin, si papa ay wala pang balak na huminto sa kaniyang pagta-trabaho bilang isang sekyu, idagdag pa yung pagbabantay niya sa aming tindahan na naroon

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon