SPECIAL CHAPTER 2: RED HANDED (TRAVEISHA)
"Fuck you!" Napupuyos sa galit kong bulyaw habang walang habas na sinasaksak ang lalaking hindi ko kilalang nagtangkang galawin ako.
Ang malapot at kulay pulang likido na nagmumula sa katawan ng lalaki ay unti-unti nang kumakalat sa sahig. Ang suot-suot kong dress na kulay asul ay nahahaluan na rin ng pula.
"Go to hell! Die you fucking asshole!" Bahagya pa akong sumampa sa lalaking nakamulagat habang tuloy-tuloy sa pagsasaksak sa kaniyang dibdib. Ang sigaw ko ay nasasabayan ng nakakabinging tugtog.
"DIE!" I yelled from the top of my lungs as I raised the knife I'm holding and stab it on the man's chest.
"Ahhhhh!"
Nanigas ako sa aking puwesto nang marinig ko ang isang umaalingawngaw na tili ng babaeng nasa entrada ng silid, kasabay non ay ang tunog ng pagbasag ng babasaging nahulog sa sahig.
My heart race as I look back to the woman who's shouting and tremble in fear.
Nagtuloy-tuloy ang babae sa pagtili. Tumayo ako dahilan para umatras siya.
"I– It's not what you think—" naputol ang pagdadahilan ko nang sunod-sunod na ang mga taong nagsipagsulputan.
"Oh my god!" Hiyaw ng kararating lang ng babae nang makita ako.
Kinabahan ako, hindi ko na alam kung anong gagawin. Napako ang tingin ko sa aking mga kamay na nanginig sa takot.
My hands are covered in blood. I just realized that I am still holding the knife I used to stabbed on the dead man lying on the cold marble floor.
Suddenly the entire place became quiet, all I could hear is the people's cry. They are all pointing at me with fear in their eyes as they threw hurtful words at me.
Hindi ko rin namang inaasahang hahantong ang lahat sa ganitong eksena. Sa sobrang takot ko lang naman kanina na magahasa ng lalaki ay nawindang ako, hindi ko alam ang gagawin ko para maprotektahan ang sarili ko.
Gayung wala sa tabihan ko si Theo na tutulong sa akin, basta't nawala na ako bigla sa tamang pag-iisip dahil sa kung ano-ano nalang ang pumasok sa isipan ko.
I wa fuming mad. I was really out of my mind and now here I am, facing the consequences of what I've done.
Sa sobrang takot at nginig ko sa mga nakakabinging salitang narinig ko ay nabitawan ko ang kutsilyo na nagsanhi ng kalantsing sa sahig.
"Call the police!"
"Lumayo kayo sa kaniya!"
"Tumawag na kayo ng mga awtoridad dahil baka kung ano pang magawa niya!"
"She killed my husband!"
"She's a psycho!"
"Oh my god!"
"N– no..." Todo iling ako habang isa-isang tinitignan ang mga tao. "It is not what you think!"
My eyes started to get blurry from the tears that are about to fall off.
"He tried to hurt me..." I sobbed. The tears finally falls underneath my eyes as I tried to defend myself. Kaso parang bingi ang mga tao, may kaniya-kaniya silang sinasabi.
Itinakip ko ang mga palad ko sa tainga at napaupo sa basang sahig habang walang patid na humagulgol.
Naulit na naman...
Naulit na naman sa akin ang makaranas ng ganitong pakiramdam na parang binabangunot ako. Kung ano-anong salita nalang ang lumabas sa bibig ko habang lumuluha.
Kaso mukhang kahit anong pagdedepensa sa sarili ko ay sa huli sy ako pa rin ang dehado.
"Veisha!"
Isang mainit na yakap ang bumalot sa aking katawang naninigas. His heavenly scent made me feel less worried.
"Theo..." Lumuluhang sambit ko nang magmulat ako at makita ang unang lalaking minahal ko ng sobra-sobra sa buhay.
Bumalik lang ako sa huwisyo nang mapagtanto kong buhat-buhat na niya ako at itinatakbo papapunta sa kung saan. Ang daming mga taong sinisigaw ang pangalan ni Theo at pumipigil sa amin pero mukhang wala siyang balak na bigyan sila ng kahit kaunting atensyon, maski ako ay tila yata nabingi sa paligid.
All I could hear is my heart beating so fast.
"I'll get you out here, Veisha. So don't worry."
Umawang ang labi ko sa humahangos na sabi ni Theo. Mas lalo tuloy akong nakaramdam ng sakit sa looban ko, ilang butil ng luha ang muling gumuhit pababa sa pisngi ko.
I unintentionally killed someone and yet here's my boyfriend, saving me from what I did. I loathe myself, I feel dirty and a freak.
Sumiksik ako sa dibdib ni Theo habang impit na umiiyak. Gusto ko mang lumayo sa kaniya dahil nadudumihan ko ang kaniyang sarili pero hindi ko magawa dahil para akong isang yelong nalulusaw sa kaniya.
Ilang saglit pa ay nakalabas na kami sa mansyon ng pamilya ni Theo. Malamig ng paligid, tahimik na ngayon kumpara sa kanina na sobrang ingay. Tanging kuliglig lang ang naririnig ko.
Ibinaba na niya ako kalsada sa tabi ng isang itim na kotseng nakaparke sa gilid bago binunot ang kaniyang susi sa bulsa. "Kailangan mo nang umalis dito, Veisha. Take my keys."
Nanginginig kong tinanggap iyon habang walang tigil pa rin sa pag-iyak. "Look, I didn't mean to kill anybody."
"Hey, hey..."
Akmang hahawakan ako nito sa magkabilang balikat ko gaya ng madalas niyang ginagawa nang bigla nalang akong umatras sa takot. "Don't touch me!"
"Veisha—"
"He tried to rape me, Theo!" I cried hysterically. "Believe me he did!"
He sighed before snatching his car keys from me and open the door himself. "Veisha, let's talk about this tomorrow."
"N– no..." Umiling ako habang sapo-sapo ang mukha ko. "Ayokong makulong... Ayaw ko."
"He touched me and tried to rape me, Theo..." Hagulgol ko saka tinignan ang nobyo ko na puno ng pag-asang sasang-ayon siya. "You believe me right?"
Napayuko siya't naihilamos ang kaniyanh palad sa mukha.
"Right?" Nilapitan ko siya at sinapo ang kaniyang magkabilang pisngi. He looks so bothered. "Answer me, Theo!"
"Veisha, calm down please—"
Marahas ko siyang binitiwan at umatras ulit. "You don't believe me, do you?"
"Veisha, it's not like that."
"Are you going to put me in jail?"
"Veisha—"
"Are you on my side or what? I thought you love me, because if you do, you suppose to believe me, Theo!"
"Traveisha!" Singhal niya na ikinaigtad ko. Sa pagtataas niya ng boses sa akin ay para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig.
The only man that I shared everything I have, that I cherish, that I wanted to marry and be with as long as I am breathing here in this hellish world doubts on me.
"Theo..." A tear escape from my swollen eyes.
"I– I'm sorry, I didn't mean to—"
Hindi ko na siya pinatapos pa. Kinuha ko na sa kaniya ang susi saka nagkukumahog na pumasok sa kaniyang sasakyan. I immediately lock the door and started the engine.
Narinig ko pa ang kaniyang pagsusumamo sa labas na buksan ang pintuan habang kinakatoo ang bintana pero nagbingi-bingihan nalang ako.
I manevered the car away. Halos lumagpas na ako sa speed limit nang magmaneho ako pauwi sa bahay habang umiiyak, nagsisigaw at pinagsusuntok ang sarili hanggang sa makuntento.
Gusto ko pa sanang tawagan ang nag-iisa kong kaibigan para maibsan ang sakit sa puso ko pero nang maisip kong h'wag ko nalang siyang abalahin pa.
I heave a deep sigh.
I am starting to hate men again.

BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
General FictionRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...