CHAPTER 28: RESTLESS DAY
WARNING: This chapter contains sexual scenario.
Nagmulat ako ng mga mata nang may napansin akong kakaiba. Nag-iisa akong nakahiga sa malaki at itim na kama, sa kuwarto ni Ken habang yakap-yakap ang isang malaking unan at nakapailalim sa comforter, kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata bago nagpasyang bumangon. Kagabi lamang ay nasa salas kami ni Ken at basta nalang akong nakatulog dahil sa labis na kapaguran sa ginawa namin sa sofa.
Pansin kong medyo madilim pa ang paligid at hindi pa gaanong lumilitaw ang araw, saka suot-suot ko na rin ang buong cami pajamas ko. May kaunting kirot pa akong nararamdaman sa pagkababae ko pero binalewala ko nalang iyon, inayos-ayos ko pa muna ang higaan bago naligo saka nagpalit ng damit sa kuwarto ko kung nasaan ang mga anak kong natutulog ng mahimbing.
Alas-cinco y medya palang ng umaga nang makita ko ang digital clock sa ibabaw ng drawer sa gilid at bandang mga alas-siyete pa sila nagigising.
Mabilisan akong pumili ng maisusuot dahil ayaw kong maabala ang tulog ng mga anak ko, black dolphin shorts atsaka button up fitted blue na crop top shirt lang ang tanging naisuot ko. Pagkatapos ay walang ingay na akong lumabas ng kuwarto ko, lalamya-lamya pa rin ako kung lumakad.
Nahinto lang ako saglit nang may marinig akong tugtog mula sa isang kuwarto dito sa pasilyo, paniguradong naandon si Ken.
Sinundan ko ang tugtog at nakarating ako sa isang kuwarto, sa dulo ng pasilyo, malawak na nakabukas ang pintuan kaya't madali kong nakita ang kabuoan ng loob, isang mini gym iyon. Nanatili ako sa entrada at sumandal doon nang matanaw si Ken.
Nakahiga siya sa bench at nagbubuhat ng isang malaking barbell. Nakatagilid siya ng anggulo, kaya hindi niya ako basta-basta mapapansin.
Dahil naka-sweatpants lang at walang pang-itaas si Ken ay tanaw na tanaw ko ang kaniyang magandang katawan na pinagpapawisan. Bawat buhat niya sa barbell ay nagsisipaglitawan ang kaniyang mga ugat sa parehong braso, ang kaniyang mga abs at dibdib ay tila ba'y nagniningning na para bang mga bituin sa kaniyang mga tumatagaktak na pawis.
Bago ako matulala sa katawan ni Ken nang husto ay ipinilig ko ang ulo ko atsaka pinagmasdan ang bawat sulok ng kuwarto, lahat na ng mga kagamitan sa pang-eehersisyo ay nasa paligid. Parang gym na rin kung tutuusin ang kuwartong ito, kahit maliit ay kumpleto.
Napangisi ako nang may makita akong dance pole sa tabihan ng kinaroroonan ni Ken. Kaya imbes na antayin na makita ako ni Ken sa entrada ay kusa nalang akong magpapakita. Tumakbo na ako papasok, papunta sa dance pole.
Lumundag ako doon at kumapit ng mahigpit sa tore, pumaikot-ikot saka bumaligtad habang sinasabayan ang magandang tugtog na nagmumula sa speaker ni Ken sa sulok. Narinig ko pa ang malalim na pag-igik ni Ken at ang kalantsing ng barbel na inilagay niya sa ibabaw ng dalawang posteng hinihigaan niya.
Nakita kong tumayo na siya at lumapit sa akin habang nagpupunas ng bimpo sa katawan, kaya't naman ay bumitaw na ako sa dance pole. Nagitla nalang ako nang bago pa ako bumagsak sa sahig ay mabilis akong sinalo ni Ken atsaka maingat na ibinaba.
"Bakit?" Kuryos kong tanong nang salubungin ko ang kaniyang tingin na tila ba'y may isang malaking tandang pananong doon.
Itinapon niya ang bimpo sa sahig at nginuso niya ang maliit na benda sa tagiliran ko.
"It's fine. Hindi naman na masyadong masakit pa." Kaswal na tugon ko bago siya tinalikuran at pumunta sa kulay itim na pull up bar sa kabilang gilid ng kuwarto na nakadikit sa dalawang matayog na bakal na poste.
"Kanina ka pa ba nandito? Aga mong gumising, hindi ka ba napagod kagabi?" Tanong ko bago lumundag para abutin ang bakal. Hirap na hirap akong buhatin ang sarili ko kaya't naman naka-isang hila lang ako sa sarili ko bago bumaba.

BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
Ficción GeneralRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...