CHAPTER 38: Dark Paradise

238 20 1
                                    

CHAPTER 38: DARK PARADISE

WARNING: This chapter contains sexual scenarios

Paniguradong nakapaghapunan na ang mag-ama ko dahil alas-otso y medya na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Napatagal ako dahil kung saan-saan pa ako pumunta para lang mapawi ang kalungkutan ko, dumagdag pa ang mabigat na trapiko

Parang lantang gulay akong pumasok ng bahay habang bitbit ang bag ko

"Good evening, mrs. Constanza. You're just right in time"

Napaigtad ako nang bumungad sa akin si Constella, kasama nito ang kaniyang kanang kamay na si Leila, kinuha nila sa akin ang bag ko

Natameme ako sa kanilang mga malalapad na ngiti. "Right in time for what?"

"Follow us, mrs. Constanza" giit ni Leila na animo'y kinikilig, siniko pa muna siya ni Constella bago ako tinalikuran at lumakad paalis. Hindi ako nakaimik, gusto kong magtanong pero tinatamad ang dila ko. Sinundan ko lang sila hanggang sa makarating kami sa backyard na napupuno ng mga hile-hilerang lampara na kulay kahel

Napangiti ako sa nakita ko sa pinakadulo ng mga lampara. Napakagandang tanawin

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin nang lumakad ako sa daang patungo sa dulo kung nasaan may isang bilog na lamesa na may mga plato't pagkain, ang gitna niyon ay isang candle light. Dadalawa lamang ang upuan na naandon, at ang isa doon ay naroon ang asawa kong bigla nalang tumayo nang makita ako

He's holding a bouquet of red roses

"P– para saan ito?" Sumakit ang magkabilang pisngi ko sa kakapigil na mapangiti ng todo

Ken chuckled softly before he greeted me with a passionate kiss in my lips. Sa isang mapusok niyang halik ay tila nawala lahat ng mga pinag-aalala ko kanina. Inabot niya sa akin ang isang bungkos ng rosas nang matapos maghiwalay ang mga labi namin

Ken lay his open hand in front of me with an adorable smile on his luscious lips

"Nawala lang ako ng ilang oras, kung ano-ano na ang naiisip mo ah?" Nanunudyo kong inilapat ang kamay ko sa kaniyang nakalahad na kamay. Tumawa siya bago ako iginiya paupo sa tapat niya

He pointed himself with a sweet smile, then he presents me his both claw-shaped palms before pulling it towards to him. He pinched his thumb and index finger above his baby blue eyes and enlarge it as he makes a surprising face, then points at me
(Translations: I just want to surprise you)

"Sus!" Dinampot ko ang milk tea sa gilid, magkaparehas ang flavor ng aming inumin, at iyon ay yung binili namin noong unang beses kaming mag-date ni Ken sa isang mall na nauwi rin sa pakikipagbarilan sa kalsada sa kanilang kalaban

"Dapat naghahanda na tayo para sa lakad nating mamayang madaling araw" dagdag ko bago itinarak ang makapal na straw, gayundin ang ginawa niya

"Cheers?"

Tumango-tango siya bago namin ipinagbangga ang aming inumin

"Yung mga anak nga pala natin?" Kuryos kong tanong matapos humigop at sinimulan nang damputin ang mga utensils para kainin ang steak sa plato na napapalibutan ng mga gulay

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon