CHAPTER 26: Delightful Date

406 34 3
                                    

CHAPTER 26: DELIGHTFUL DATE

"Kitakits ulit bukas, mga bhie!" Paalam ni Harvea nang matapos na siyang makapagpalit ng damit at lumabas na. Narito ako ngayon ulit sa dressing room kasama ang ibang mga katrabaho ko na naghahanda na rin pauwi.

"Ingat kayong lahat sa pag-uwi!" Paalam ko sa lahat nang maisara na ang locker ko, nakasuot na ako ngayon ng uniporme ko sa cafe na kulay puting long sleeve na pinatungan ng itim na necktie, abong vest, kulay kayumangging palda na abot hanggang tuhod, at kulay itim na stockings at sandals.

"Byeee!" Balik paalam ni Jelaira habang nagpapalit ng suot bago ako makalabas sa backdoor kung saan pagkalabas ay parking lot na.

Papunta na sana ako sa'king kotse nang may mahagip ang mga mata ko sa hindi kalayuan.

"Shit!" Mura ko nang matanaw si Harvea na kausap sina Theo at Ken sa gilid ng kalsada, nakatalikod naman sa akin ang dalawang lalaki kaya't napanatag ako. Nakita ako ni Harvea ngunit hindi nagtagal ay ibinalik rin niya ang tingin sa dalawa.

Kanina kasi nang kunin ako ni Kris sa harapan ni Ken para mai-table ay bigla nalang hinila ni Ken si Kris at sinuntok sa mukha. He was fuming mad as hell. At hindi lang natapos doon.

Gumawa siya ng eskandalo sa club habang si Theo naman ay tinatawanan lang ang binubugbog ni Ken na si Kris. Sa sobrang galit ko kanina kay Ken ay nasipa ko siya sa kaniyang pagkalalaki dahil ayaw niyang makinig sa mga pinagsisigaw ko.

Pinalabas silang dalawa ni Theo ng mga bouncer sa club at matapos iyon ay matiwasay na akong nagpatuloy sa pagtra-trabaho, hindi ko na sila inabala pa, mahigit ilang oras rin iyon kaya't naman nagulat ako nang madatnan sila sa labas dahil buong akala ko ay umuwi na silang dalawa.

Nakatanaw lang ako sa tatlo habang lumalakad papunta sa sasakyan ko. Bago sumakay ay nag-vibrate ang iPhone ko at isang message ang lumabas galing kay Harvea mismo.

Harvea:

"Lumayas ka na bhie, baka mahuli ka pa nila!!!"

Mabilis kong ibinulsa ang iPhone ko't sumakay na sa kotse ko, laking pasasalamat ko dahil maluwag ngayon ang kalsada kaya't mabilis akong nakarating sa cafe. Pagkarating ay pumunta na muna ako sa locker area para itirintas ang buhok ko at suotin ang kulay berde kong apron.

"Chika naman diyan, gorl?" Ungot ni Glory sa tabihan ko habang nagble-blender ako ng tatlong bagong order.

"Oo nga. Inaantok na ako eh." Ani Ingrid na nasa counter bago humikab.

"Wala namang masyadong magandang nangyari ngayong araw." I answered nonchalantly before transferring the drink in the clean cups and twirl some cream, crumbles, and syrup above on it.

"Eh yung asawa mo?" Panibagong tanong ni Ingrid, siguro kung hindi ko lang sa kanila ikinuwento ang buhay ko noon ay hindi sila naggaganito.

"Koreksyon..." Hinarap ko si Ingrid. "Ex. Saka kasal lang naman kami sa papel, force marriage. Ewan ko ba kung seryoso ba yung naging relasyon namin."

Sumimangot silang dalawa. Nanghihinayang kasi sila sa'min ni Ken. Lalo't pa na may anak ako sa kaniya. Pero kahit wala siya ay kaya ko namang buhayin ang mga anak ko.

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon