CHAPTER 39: Playtime's Over

205 23 0
                                    

CHAPTER 39: PLAYTIME'S OVER

Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising sa umaga. Pero nakakapagtaka dahil ang sakit ng braso ko, para bang may matulis na itinarak ng sagad na sagad roon

Hinimas-himas ko na muna ang parteng iyon bago kinusot-kusot ang aking mga mata, wala si Ken sa tabihan ko. Mukhang maaga yatang nagising dahil kagabi ay mas maaga pa siyang nakatulog kaysa sa akin

Bumaba na ako ng kama at hihikab-hikab na lumabas, pakiramdam ko ngayon ay kulang na kulang pa rin ako sa tulog, kaso ayaw ko namang sayangin ang araw na ito dahil pumunta kami rito ng asawa't mga anak ko para magsaya

Sinuklay-suklay ko ang mahabang buhok ko bago kumatok at pumasok sa kuwarto nina Reezen at Rancell. Kaso nagtaka ako nang makitang blanko iyon, partida ang oras ay ala-una na ng tanghali nang makita ko ang orasan sa dingding

Saan kaya sila nagpunta? Hindi man lang ako ginising

Impossible namang aalis sila ng hindi ako kasama. Paatras akong humakbang palabas ng kuwarto at isinara iyon

"Morning"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran ko

Nilingon ko kung saan iyon nagmula at nadatnan ko si Montage na prenteng nakaupo sa sofa, sa harapan nito ay ang lamesa na maraming nakapatong na kung ano-anong gadgets kabilang na ang kaniyang asul na laptop

"Nasaan si Ken?" Iginala ko ang paningin ko sa kabuoan ng kuwarto. Kaso wala akong nakitang ni isa sa miyembro ng pamilya ko. "Ang mga anak ko? At ba't ka narito?"

Nagsimula na akong mangamba dahil sa suot-suot ni Montage na ang aming uniporme sa organisasyon na pinamumunuan ni mr. Monteiro

Possible kayang narito rin sina mr. Monteiro at ang iba kong dating mga katrabaho?

Sana naman ay nasa ligtas na lugar ang pamilya ko. Napakatahimik ng lugar bago nagsalita si Montage, ngayon ko lang napansin ang isang baril na pinaglalaruan ng kaniyang isang kamay

Napalunok ako dulot ng kaba, wala pa naman kasi akong armas na puwedeng gamitin laban sa kaniya. Nasa kuwarto pa kasi namin ni Ken ang maleta ko kung saan nakatago ang isang baril na dinala ko

"Your kiddos are safe, pinahatid na sila ni mr. Monteiro gamit ang chopper pauwi sa inyo"

"A- ano?" Nanginig ang labi ko dahil sa kaniyang itinugon. "Si Ken? Ang asawa ko?"

Pumikit si Montage bago sumandal sa kaniyang kinauupuan. Bumilis ang tibok ng puso ko nang halakhak na parang isang baliw ang kaniyang itinugon. Palakas iyon ng palakas hanggang sa hindi ko na napigilang sigawan siya

"Montage!" Napa-praning na ako, hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Malabong mangyari na hindi ako barilin ni Montage kapag nagtangka akong tumakbo palabas ng kuwarto

"Geez!" Sinampal niya ang armrest ng sofa. "Borja, no need to shout! Damn!"

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Where the f*ck is my husband?!"

She just gave me a bored stare before her lips turned into a creepy smirk. Later on, her other hand slowly grabs the remote of the TV on the table and open the electronic on the wall

The TV shown a black and white static and a earsplitting noise. Not until Montage presses something on her laptop that shows a alot of CCTV footages of different angle and rooms. Hindi ko tuloy alam kung saan titingin

Ang ibang mga footages ay nakatutok sa hallway ng hotel na kinaroronan namin kung saan naandon nakabantay ang mga dating katrabaho ko sa organisasyon

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon