CHAPTER 36: Secretary at Your Service

231 26 0
                                    

CHAPTER 36: SECRETARY AT YOUR SERVICE

WARNING: This chapter contains sexual scenarios

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Hadasa patungkol kay Montage. Nang malaman ni Hadasa ang lahat-lahat ng mga impormasyong ibinahagi ko galing kay Theo ay talaga namang nabigla siya

Pasado alas-diyes na ng umaga nang makauwi ako sa bahay. Sinalubong ako nina Constella at ng ibang mga kasambahay para tulungan sa pagbubuhat ng sandamakmak na mga pinamili ko

Dumaan ang maraming oras ay hindi pa rin umuuwi si Ken, ni hindi man lang niya magawang sagutin ang mga mensahe ko, maski ang pagtawag. Mukhang busy na busy siguro sa trabaho, nalaman ko kasing pabagsak na ang kompanya ng kaniyang mga magulang na ninakaw ni Martini sa kaniya

Sa mga oras na wala si Ken ay kami-kami ng mga anak ko at si Anna ang nag-bonding. Nasa salas lang kami at nanonood ng mga pelikula habang kumakain ng mga niluluto ni Constella. Nang pumatak ang hapon ay lumabas kami gamit ang sasakyan ni Anna at nagpunta sa parke para mamasyal, doon na rin kami naghapunan bago inihatid ni Anna pabalik sa bahay

Alas-nuwebe na ng gabi pero wala pa rin si Ken

Siguro ay nag-overtime dahil sa sobrang busy

Pero dumaan pa ang ilang oras ay wala pa rin si Ken. Ang mga anak namin ay pinatulog ko na kahit na ilang beses na akong kinukulit kung anong oras uuwi ang papa nila

Nasa kuwarto lang ako namin ni Ken at nililibang ang sarili sa pamamagitan ng panood ng nakakatakot na pelikula sa TV. Mahigit tatlo na yata ang napanood ko

At nang marinig ko na ang makina ng sasakyan niya sa labas at ang pagbukas ng gate ay mabilis kong pinatay ang TV at tumagilid na ng higa, dinampot ko ang comforter at sumuot pailalim

Sinubukan kong maging matiyaga sa pag-aantay na pumasok si Ken sa kuwarto sa abot ng makakaya ko. Ilang minuto ang dumaan ay nanatili lang akong nakatalikod sa pintuan habang nagkukunwaring tulog

Maya-maya'y nangyari na ang kanina ko pang inaasam-asam. Bumukas na ang kuwarto at narinig ko na ang mga mabibigat na paghinga ni Ken na tila ba'y pagod na pagod. Narinig ko ang paghubad niya ng kaniyang blazer bago naupo sa kabilang gilid ng kama

Nakapikit lang ako at nanatiling nasa ganoong posisyon. Muntikan nang kumibot ang katawan ko nang maramdaman ko ang malaki at mainit na kamay ni Ken sa ulo ko, masuyo niyang hinaplos-haplos ang buhok ko paakyat-baba

Hindi na ako nakatiis pa, nagmulat ako at tinanong siya. "Saan ka galing?"

Atsaka ko siya nilingon. Nagtama ang mga mata namin, kahit na mabilis siyang nag-iwas ay kitang-kita ko ang pagkakaiba ng kaniyang hitsura kanina kumpara ngayon. May pasa siya sa pisngi

He taps his right fist to his left fist. He makes an exhausting face as he sticks his both hands together in a form of letter 'F' before creating a circle upward. After that, he rubs his right fist on his chest in a circular motion
(Translations: Work. It's important, sorry)

Bumangon ako't naupo, napaigtad siya ng daklutin ko ang kaniyang panga para suriin ang kaniyang pasa sa kaliwamg bahagi ng mukha niya. "Eh ba't may pasa ka? Saan galing iyan?"

He formed his right hand a letter 'Y', his thumb is place on his right cheek before turning it over, until his pinky touches to his left cheek. Then he made his right hand a fist and bumps it to his left index finger, before placing his flattened right hand on his chest. Afterwards, he drew a circle on top of his face using his right index finger. Overlapped his right hand on his left hand in front before maneuvering a steering wheel
(Translations: Accidentally hit my face on car)

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon