CHAPTER 35: Escape of Wrath

240 24 0
                                    

CHAPTER 35: ESCAPE OF WRATH

"But despite of everything. I still love her..." Ani Theo matapos niyang ibahagi sa amin ang ibang mga bagay na hindi ko alam patungkol sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Montage

Narito kami ngayon sa opisina ni Ken sa bahay. Nasa sofa si Theo at kaming dalawa naman ni Ken ay nasa kaniyang harapan, nakaupo sa kaniya-kaniyang upuan na kinuha namin

Tuliro lang ako kay Theo habang siya'y nagpapahayag, nanlumo ako at tila ba'y binabagabag ako ng mga nakakapanindig-balahibong impormasyon tungkol kay Montage. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mismo kay Theo, napaka-hirap i-sink in sa utak ko yung mga ginawa ni Montage

Aksidente man ang nangyari ay hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Siguro nga ay tama si Theo sa sinabi niya kanina na kaya siguro nakakagawa ng mga ganoong bagay si Montage ay may depresyon siya o kaya naman ay may sakit sa utak

Nung una palang ay alam kong hindi na normal si Montage sa kabila ng mga hindi pangkaraniwang ginagawa niya noong nagtatrabaho pa ako bilang isang sikretong ahente sa organisasyon ni mr. Monteiro

"I already found a place where my mother could not find me and Veisha..." Theo smiled, pain is visible on it, especially in his eyes. "And believe it or not. I also planned to marry Veisha before I could get forced to be married to a woman I don't f*cking know!"

Napaigtad ako nang malutong na nagmura si Theo, bahagya niya pang sinabunutan ang kaniyang sarili. Ang mga daliri ko sa kamay ay nanginginig at hindi mapakali sa kandungan ko. Naramdaman ko nalang maya't-maya sa kamay ko ang isang kamay ni Ken na lumapat sa akin at pinisil-pisil

Ken look at me with full of pity towards to Theo and Montage. I let out a sigh before standing up. "Magpahinga na tayo, mag-aalas-diyes na ng gabi. Susubukan kong tawagan si tita Rolanda ngayon"

Matapos kong magsalita ay lumabas na ako ng opisina at nagtungo sa kuwarto namin ni Ken. Hindi ko maiwasang mag-alala ng sobra kay Montage, maari niyang saktan ang kaniyang sarili na puwedeng magdulot ng kaniyang kamatayan. At ayaw kong mangyari iyon

Naupo ako sa gilid ng kama nang matapos akong nagpalit ng damit, hawak-hawak ko ang iPhone ko't inaabangan na sagutin ni tita Rolanda ang tawag ko

"Tita Rolanda!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses nang sa wakas ay sinagot na ni tita ang tawag ko

"Oh Rosean?!" Hiyaw rin ni tita Rolanda pabalik. "Anak! Bakit ka nalang biglang sumisigaw?! Okay ka lang ba?!"

Malalim akong bumuntong-hininga. "Pasensya na po tita Rolanda. Masama lang ang pakiramdam ko" pagsisinungaling ko

"Hmm..." She hummed suspiciously. "Balita ko kinasal ka na, nagtatampo ako sa anak ko dahil tinanggihan ka niya. Baka buntis ka na naman kaya ka naggaganiyan?"

Nagitla ako, sinapo tuloy ng kanang palad ko ang tiyan ko. "E– eh?"

Bago pa magsalita si tita Rolanda ay ipinilig ko ang ulo ko't iniba ang usapan. "Pero tita! Tungkol po kay Montage, nasaan po siya ngayon?"

Ilang segundo pa ng katahimikan ang namutawi bago ko marinig ang buntong-hininga ni tita Rolanda. "Pasensya ka na anak ah? Hindi ko talaga alam kung saan nagpupunta si Traveisha eh, kagabi lamang narito siya, kaso bigla na namang naglaho ngayong umaga"

"Sige po... Salamat—" akmang papatayin ko na sana ang tawag nang may pahabol si tita Rolanda

"Pero anak!"

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon