CHAPTER 24: Man in White

380 37 1
                                    

CHAPTER 24: MAN IN WHITE

Pasimple kong pinindot ang earpiece sa'king tainga para magbigay imporma sa katuwang ko. "Anna..." Tawag ko.

"Yes, Rosy-baby?" Tugon ni Anna habang ako ay pormal at galanteng tinatahak ang daan papunta sa nakitang bathroom sa labas. "Nasaan ka na?"

"10 minutes. You know what to do." Imporma ko bago pumasok sa bathroom ng pang babae at humarap sa malaking salamin sa pader.

"Copy." She answered. Hindi na ako nagsalita pa bagkus naglabas ako ng lipstick mula sa clutch bag ko at ipinahid sa pulang labi kong unti-unti ng kumukupas.

"You've got some new friends I see. Good for you."

Natigil ako nang marinig ang isang pamilyar na boses ng babaeng pumasok at tumabi sa akin. Hindi ko siya hinarap o kahit tinignan man lang sa repleksyon ng salamin.

"So what?" Nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng lipstick sa labi ko hanggang sa matapos. "Does that triggers you?"

"No." Tumalikod siya at sumandal sa marble sink, ang kaniyang dalawang siko ay ipinatong niya sa lababo. "Not really."

Umingos ako bago ibinalik sa clutch bag ko ang lipstick. Binuksan ko ang gripo sa lababo at naghugas ng mga kamay.

"Do I still have a place in your heart? Or am I just a cynical to you now?" Basag niya sa katahimikan.

I heaved a deep sigh before raining a liquid soap on my hands and gently massaged and rinse it. "You always have a place in my heart."

Hinarap niya ako, ngunit ako ay dedma lang, pinailalim ko na ang mga kamay kong bagong banlaw sa hand dryer sa gilid.

"You'd really choose that man you've just met for weeks over your best friend for years huh?" She asked in a low tone and straight forward face, she seemed so depressed and miserable by her voice.

Mapakla akong natawa bago siya hinarap. "Tigil-tigilan mo nga ako, Montage! H'wag mo 'kong diktahan. Get a life and stay out of mine! The main reason I cut off our ties is that you've became deranged. Ken matters to me at alam kong alam mo ng may anak ako sa kaniya."

"But, you matters to me." Sinserong tugon niya.

"You matters to me as well, Montage..." Dinampot ko na ang clutch bag ko sa ibabaw ng lababo.

"But it's either you let Hadasa, Liena, and Ken stay out of this anymore or forget about each other. They've done wrong, but that doesn't make them a certain bad people. You choose, Montage." Mariin kong pagbibigay ng pagpipilian.

"If it wasn't for that Constanza, you would still be with me!" Singhal niya na ikinaigtad ko. "I guess I'll stick to my plan to dispatch them away from you and after that you'll be with me again like we used to before!"

"You're being a delusional, Montage! You're fucking insane!" Angil ko pabalik bago siya tinalikuran at lumabas na ng bathroom. Pagkalabas ko ay tinahak ko na ang daan papunta sa lamesa ng dalawang target ko at pinindot ulit ang button sa suot kong earpiece.

"Do it, Anna." Deklara ko para sa planong gagawin namin ngayong gabi.

"Not now, Rosy-baby." Nangangambang responde ni Anna.

Kumunot ang noo ko habang lumilinga-linga sa paligid. "Bakit?"

"Hadasa Constanza just talked to me. Gusto niyang pakantahin ka sa stage mamayang alas-nuwebe."

"A– anong kakantahin ko?" Atungal ko bago sinilip ang orasan sa iPhone ko, malapit ng mag alas-nuwebe.

"I suggested her the song 'Love' by Lana Del Rey." Aniya.

Kiss of Death 2: LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon