CHAPTER 40: I MISS YOU, DARLING
Unti-unti akong nagmulat nang makaramdam ako ng lamig sa paligid, hindi ko matukoy ang amoy ng lugar kung nasaan ako, nakahiga ang buong katawan ko sa isang malambot na higaan at ni isang parte ng katawan ko ay wala akong maigalaw. Wala akong marinig na iba kundi ang hanging lumalabas lang sa aircon at ang tunog sa gilid na sinasabayan ng bawat pagpintig ng puso ko
Dahan-dahan akong nagmulat. Malabo ang naging paningin ko, kumurap-kurap ako hanggang sa unti-unting lumilinaw ang paningin ko. Nung una ay akala ko sumakabilang buhay na ako dahil sa puting kulay at liwanag na bumungad sa mga mata ko, pero yun pala'y kisame iyon at liwanag ng ilaw
Naging pamilyar na rin sa akin ang amoy ng kinaroroonan ko. Amoy gamot
Nasa ospital ako
Binuka ko ang bibig ko at sinubukang magbitiw ng kahit anong salita pero mabigat na daing lang ang lumabas sa bibig ko
Hindi ko maikilos ang mga braso ko, masyado akong mahina para itaas ang mga iyon. May mga kung ano-ano ring nakasaksak sa kamay ko na mga tubo. Para akong nabaldado
Sinikap kong itinungkod ang mga siko ko sa higaan at pinilit na ibinangon ang sarili ko para makaupo
Huminto ako sa paggalaw nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang ginang
"Hey, hey..." mabilis akong inalalayan ni Hadasa paupo. Inayos-ayos nito ang comforter na nakapulupot sa katawan ko
"H– Hadasa... Nasaan ako?" Balisa kong tanong, alam ko namang nasa ospital ako pero hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang iyon nasabi
May kung ano siyang pinindot sa gilid ng kama ko dahilan para tumaas iyon hanggang sa makasandal ako at hindi mangawit sa pag-upo
"Nasa ospital ka, Rosean" aniya bago inayos ang unan sa likuran ko
"Yung... Mga anak ko?"
"Nasa bahay sila, binabantayan ni Constella" malamyang tugon ni Hadasa bago naupo sa upuang nasa tabihan ng kama ko
Napahugot muna ako saglit ng hininga bago iyon pinakawalan sa ere. "Eh yung dalawa ko pang mga anak?"
Itinaas niya ang comforter na nakabalot sa kalahating katawan ko para maipakita sa akin ang tiyan ko. "They're fine and healthy"
Namilog ang mga mata ko nang makita kong may umbok na ang tiyan ko
My jaw dropped before touching my baby bump if it's real. And the baby bump was indeed real after I touched it. Sa kalikutan ko ay hindi sadiyang lumantad ang buhok ko na ang haba ay umaabot na sa tiyan ko, kamakailan lamang ay hanggang dibdib ko lang iyon
"Anong nangyari? B– ba't may bukol na ako sa tiyan?!" Gilalas ko, hindi mapakali ang mga kamay ko sa sarili ko
Hinuli ni Hadasa ang mga kamay ko para pigilan. Napabuntong-hininga pa muna siya bago sumagot. "Na-comatose ka ng dalawang buwan. It's July 9, darling" mahihimigan ang lungkot sa boses ni Hadasa
Wala sa sarili kong binaklas ang comforter sa akin at sinubukang bumaba ng kama, pero mabilis akong hinila pabalik ni Hadasa
"Teka, Rosean!" Nag-aalalang pigil niya. "H'wag ka na munang maglikot-likot, baka mapaano ka, baka mapaano ang mga baby mo"
"Si Ken?!" Binaklas ko ang kaniyang mga kamay sa akin, nanubig ang mga mata kong nakatingin sa ginang. "Kailangan kong makita ang asawa ko?! N– nasaan siya, Hadasa?!"
"Rosean please! Stop!" Hadasa exclaimed as she tries to stop me from moving
Ngunit hindi ako nakinig, nagpatuloy ako sa paglilikot-likot habang sinusubukang bumaba ng kama. Nagulat na lamang ako nang mariin akong hinawakan ni Hadasa sa magkabilang balikat ko at inaalog-alog

BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
Fiction généraleRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...