CHAPTER 22: MASQUERADE BALL
"Gorl!"
Ibigay ko na muna ang ginawa kong dalawang mainit na kape kay Ingrid na aming cashier bago nilingon si Glory na kakalabas lang sa kusina, may bitbit itong parihabang karton. Ala-una y medya na ng madaling araw pero napakarami pa ring mga customer na dumadayo.
Apat kaming night shift worker dito sa cafe, tatlo kaming babae nina Ingrid at Glory at isang lalaki naman na si Dhenzel. Ako ang pinakamatanda at silang tatlo ay pare-parehong nasa kolehiyo pa lamang.
Nilapitan ko si Glory sa gilid. "Bakit?"
"May package ka, galing sa exclusive na customer kanina bago ka dumating. Nalimutan ko i-abot sa'yo kanina. Sana all!" Aniya bago inilahad sa akin ang parihabang karton.
"Sino?" Inilapag ko ang karton sa malinis na area saka kumuha ng gunting at ipinangguhit ang talim sa packing tape.
"Si Reagan Vendiola. Knows mo?" Tugon niya nang tumabi siya sa akin, saktong pagbukas ko ng karton ay bumungad na sa amin ang napakaraming mga BTS merch. Akala ko nung una ay galing kay Ken, pero napaka-impossible naman dahil hindi naman niya alam kung ano ang mga pinagkaka-abalahan ko sa buhay.
"Wow..." Namamanghang giit ni Ingrid na tumabi sa kabilang gilid ko. "Sana all!"
Hindi ako nakaimik dahil sa napakarami at patong-patong na merch sa loob, may mga ilang postcards, posters, albums, isang set ng BT21 plush dolls, at new version ng army bomb, partida may isa pang set ng BT21 Vice Cosmetics na nasa pinaka ibaba ng lalagyanan.
"Patignan kami, gorl! Ang mamahal ng mga nito ah?" Namamanghang paghingi ng pahintulot ni Glory.
"Teka. Kunin ko lang ito." Dinampot ko ang nakita kong isang kulay lila na sobre sa gilid bago dumistansya sa dalawa at pinaubaya na sa kanila ang karton.
Pagkabukas ko ng sobre ay walang pag-aalinlangan kong binasa ang mga salitang nakasulat sa loob.
'I miss you, Rosean! It took me a year to find where you are after I heard from Resetti that you and Heineken got separated. Uncontacted din ang socmed mo. Anyways, bought these BTS merches for you after I took a short vacation at South Korea. It was actually pretty boring, I want you to accompany me next time. Add my number on your phone and text me right away after you read this! 💜'
At sa ibaba ng mensahe ay doon nakalagay ang kaniyang numero. Hinugot ko na ang iPhone ko para sana i-text ang numero ni Reagan, kaso saktong pagbukas ko ay nag-vibrate iyon at bumulaga ang numero at mukha ni Annaliese.
"Hmm?" Bungad ko nang sagutin ang tawag. "Ba't ka napatawag? Madaling-araw na ah?"
"This is crucial, Rosy-baby..." She blew a breath. "Nagpadala ng dalawang imbitasyon ang pamilyang Constanza sa asawa ko para sa kanilang Masquerade Ball na magaganap bukas ng gabi."
"Oh tapos?" Inipit ko sa pagitan ng tainga at balikat ko ang iPhone para tupi-tupiin ang sulat ni Reagan pabalik sa sobre at ibinulsa sa suot kong apron.
"Sabi ng asawa ko ay sa'yo nalang daw ang kaniyang invitation ta's sa akin yung isa."
"Ayaw kong pumunta. Busy ako." Kaagad na tanggi ko.
BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
Fiksi UmumRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...