CHAPTER 34: MONTAGE AND ARCHIMEDES
Montage:
'Yes'
Sa iisang salitang ini-reply ni Montage ay tila ba'y gusto kong magtatalon sa kinatatayuan ko dahil sa tuwa. Sa ilang mga buwang nagdaan ay ito ang unang beses na sumagot siya sa akin
'See you there' I replied with a wide smile plastered on my lips. Sa sobrang tuwa ko ay late na akong nakatulog sa gabi, napakababaw ng dahilan kaya't si Ken tuloy ay nawi-weirduhan sa akin kanina, ultimong ako ay hindi maintindihan ang mismong sarili
Ilang araw ang nagdaan hanggang sa dumating ang araw na sabado ay walang nangyaring makabuluhan, nagdesisyon na rin ako nung mga nakaraang araw na mag-resign na sa mga trabaho ko sa strip club ni Mother Candy at sa cafe ng asawa ni Annaliese
Nalungkot pa ang mga kaibigan ko, pero kahit na nag-resign ako ay sinisiguro kong hindi mapuputol ang mga koneksyon namin sa isa't-isa, patuloy pa rin ang pagkakaibigan naming lahat-lahat. Kinakailangan ko lang na gawin iyon dahil sa utos ni Ken, napansin niya kasing tumatamlay ang pangangatawan ko dulot ng kulang sa pahinga at pag-aalaga kina Rancell at Reezen
Kahit gusto kong humanap ng trabaho ulit ay pinagbabawalan na ako ni Ken, siya nalang daw ang magta-trabaho para sa amin tutal ay malaki at sobra-sobra pa nga daw ang kaniyang kinikita
Nag-away pa kami nung una dahil tutol ako sa kaniyang desisyon. Sa sobrang irita ko sa kaniya noong gabing pinagsasabihan niya ako ay pinatayan ko siya ng ilaw para hindi ko makita ang kaniyang mga hand signs, alam kong mali ang ginawa ko pero siya rin naman ang nauna dahil habang pinagpipilitan ko ang desisyon ko sa kaniya noong araw na iyon ay palihim naman niyang tinanggal ang kaniyang hearing aid para hindi ako marinig
Pero bago ako makatulog sa gabing iyon ay hindi niya ako pinatulog dahil sa paghingi niya ng pasensya sa pamamagitan ng mga pagngangawa niya. Kaya pinatawad ko na rin dahil baka pa mabulabog ang mga anak naming natutulog dahil sa kaniya
Nang makarating ako sa venue ng reunion naming mga magkaklase noong 4th year sa isang malaking restaurant ay sari-saring mga papuri ang bumungad sa akin
"Congratulations nga pala sa kasal mo sa ibang bansa!"
"Ganda naman ng glow-up ni girl!"
"Hindi kita nakilala, Rosean!"
"Mag mga anak ka na ba?!"
"Naol may napangasawang mayaman at pogi!"
Ang mga plastik at siraulo kong mga kaklase ay hindi pa rin nagbabagong buhay, tila ba'y mas lalo lang nag-level-up. Tanging ngiti, salamat at tipid lang na sagot ang isinasagot ko sa kanila. Ang mga mata ko kasi ay lumilinga-linga sa paligid at hinahanap sina Marc at Montage, napakarami rin kasing mga tao, halos kumpleto yata kaming buong animnapu't apat na magkaklase dito
May mga kaniya-kaniyang lamesa, pero ang iba ay nakatayo't nakikipag-tsismisan sa gilid-gilid. Ilang saglit pa ay natanaw ko na sina Montage at Marc na nasa iisang lamesa. Sila lang ang naandon at seryosong-seryoso si Marc kung kausapin niya si Montage na walang emosyong nakaharap sa kaniya
Gumuhit ang ngiti sa labi ko, mukhang umaamin na si Marc sa kaniyang nararamdaman kay Montage, pero bago ko pa lapitan ang dalawa ay awtomatiko akong nahinto nang bigla nalang tumayo si Montage atsaka malakas na sinampal si Marc
![](https://img.wattpad.com/cover/237684193-288-k711149.jpg)
BINABASA MO ANG
Kiss of Death 2: Love
General FictionRosean Borja-Constanza's life changes after separating from her mute Russian mobster husband in a contract and getting kicked off from Seigi. After a year and a half passed, their paths crossed again. Rosean never wishes to see Heineken again after...