three

51 2 0
                                    

CHAPTER THREE : SHE'S MY TOMBOY

Kasama ko ang mga tropa sa bar ulit , nagka ayaan kami eh . Wala naman pinagbago ako nanaman ang nauna , at dito padin kami nakaupo sa dati naming puwesto .

Nakakatatlong alak na ako , pero wala padin sila . Mga hangal talaga ang mga iyon. Ang lalakas mag aya ngunit laging late.

Ches ," Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko . Pinasadahan ko siya ng tingin .

Max , teka what are you doing here?," Tanong ko dito , umupo naman siya sa katabing upuan ko .

Duhh , kasali din kaya ako dito ,"

Wala kaming imikan ni max habang hinihintay ang dalawang bakulaw . Napatingin ako sa gawi ng kabilang lugar , Napansin ko nanaman yung lalaki na kung makatingin saakin eh wagas . Nakatingin ulit saakin ito.

Kilala mo ba yan ches , ingat ka diyan ," bulong saakin ni max .

Hindi pero lagi ko napapansin na nakatingin siya saakin ," Nakita ko naman na ngumiti si max at umiling.

Yow ,"

hey maxii ,hey ches,"

Tinitigan ko lang sila ng masama at naki upo na din sila.

busy kami sa pag kukwentuhan ng may mga chickababes na nagsidatingan . Napukaw ng paningin ko yung blonde. Kaya pa sekreto ko ito kinindatan .

My gosh , im so out of place here pa nga ," Maarteng reklamo ni max , na ikinatawa namin .

Let's go outside ," Malanding bulong ng kalandian ko. nginitian ko siya at hinalikan sa tenga'ng ibabaw niya .

Mga hangal , labas lang kami . Papahangin ba ," kunot noo akong tinignan ni max , samantalang yung dalawa eh napailing nalang at nang asar pa.

Papahangin ba talaga ches ,"

Hindi ko nalang sila pinansin at hinila na palabas ang blonde'ng babaeng to .

sasakay na sana kami sa kotse niya ng may humigit saakin . Sht! .Hindi naman siguro isa sa mga kuya ko ito.

ethan,"  Tinignan ko yung ethan na tinawag ni blonde , halos lumuwa ang mata ko . Yung lalaki sa bar , nakatayo sa harap ko habang hawak hawak ang kamay ko .

Pare yung kamay ko pakibitawan ,"  Sabi ko dito ngunit tinignan niya lang ako . Chickababes niya ba itong blondinang ito! .

Tinignan niya ako sa mata at tsaka binitawan ang kamay ko , at sabay hila kay blonde girl at pumasok sa bar. What the hell! . Hinayaan ko nalang yung lalaking weird na iyon at pumasok sa bar . Tinignan ako nung tatlo at nagtataka ang mga mukha nila , Nag kibit balikat nalang ako at uminom muli .

Nakita ko si blonde girl na nag eenjoy sa pa haplos haplos ng lalaking iyon. Taragis sakit sa mata

Tinungga ko ang alak ko at tumayo na .

Hoy ches san ka pupunta?,"

Uwi na ako jas , lasing na eh ,"

Maduga ka ches, inom pa tayo please ,"

ou nga ches ," 

Ang kukulit talaga ng mga ito , ewan ko ba hindi naman ako lasing nawalan lang ako ng gan.

Next time nalang mga hangal ,"

wala na sila nagawa ng lumabas na ako ng bar . Bakit nga ba ako nawalan ng gana ? dati naman hindi naman ganto ah? .

Maglalakad lang ako ngayon , nakalimutan ko kasi wallet ko sa bahay . Sa lahat ng maiiwan ko cellphone at wallet ko pa talaga .

Naglalakad ako sa dilim ng may bumusina sa likod ko.

ibinaba nito ang salamin ng kotse niya at ngumiti.

Bro gabi na makisabay kana saakin ,"

Tinignan ko yung nagsalita , Mukha namang matino ito kaya sumakay na ako sa loob nito .

Kanina pa kita nakikita sa bar ,"  sabi nito habang nakatingin saakin . Pag kami nabangga kokotongan ko ito.

Tumingin ka nga sa daan hangal ," Nakita ko naman na ngumiti ito .

Bakit ang aga mo yata umuwi ngayon?,"

Kasi hindi late ,"

Pilosopo , Bakit ka nag tomboy?,"

Bakit ang daldal mo , bakla kaba ,"   walang ganang tanong ko dito pabalik.

Haha. hindi noh , nagtatanong lang eh ,"

Inirapan ko nalang ito at tinignan ang nadadaanan namin . Ngayon lang ako umuwi ng maaga kapag nag babar kami .

Lagi kita nakikita sa bar , alam mo ba yun?,"

hindi, wala akong paki ,"

Ang astig mo , naiinggit nga ako sayo , kasi wala kapa ginagawa ang dami ng chix na lumalapit sa iyo,"

Ganyan talaga pag gwapo . Babae na ang lumalapit sa katulad ko ,"

Nandito na kami sa labas ng subdivision namin , hindi ko na siya pinapasok sa loob masyadong pribado dito .

Salamat pre ," Tumango lang ito at bumusina bago umalis.

Ang aga mo yata ches,"  tanong ni manong guard , ganun ba talaga ako kaaga at lahat nakakapansin .

Lasing na ako manong eh ,"  sabi ko dito at nagsimula na maglakad papasok , napansin ko nanaman yung kotse nayun . Sino kaya pinupuntahan niyan dito .

tinignan ko muli ang kotse na iyon bago tuluyang pumasok sa bahay. 

Bakit kaya ang tahimik? , ang aga naman nila magsitulog .

Naka upo ako sa kama ko at inaalala kung bakit ako nawalan kanina. Nagseselos ba ako ? kanino sa blonde na iyon ba? malabo .

habang nag mumuni-muni ako eh pumasok sa loob si kuya chase , kasama si ate sam .

Oh kayo po pala ," 

bunso mukhang problemado ka ah? ,"

Nginitian ko lang si ate at tumabi sila sa kama ko .

Kaya pala ang aga may ilaw nitong bahay naunahan mo pa kami ,"  sabi nito habang nakamot sa kanyang ulo . May kuto yata .

Saan po ba kayo galing?,"  kaya pala ang tahimik ng bahay eh .

Kami ng ate sam mo , galing kami sa bahay ampunan , si kuya at papa naman eh galing sa events si mama hindi ko alam ,"  Malamang galing nanaman si mama sa mga tupperware . Lalo't buy one get one .

Bunso kumain kana ba? ,"

May dala kaming pagkain ,"

Umiling nalang ako at sinabing matutulog na ako , nagpaalam na sila at parehas humalik sa noo ko .

Hindi kita maintindihan ches ano bang problema mo!.

______________________

An/ Chapter 3 is now up ! enjoy reading .

Sino kaya yung tao sa kotse? Hahaha

Namiss niyo ba si Chescka at Ethan hahahaha

She's my tomboy (COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon