chapter 6

122 21 2
                                    

Xander's POV

"Hahahaha, let's see" Saad ni President at sininyasan si Mia yong queen na nagsabing kanya ang school.

"Ngayon makakaganti na ako lalo na sayo bitch" Saad nito sabay duro kay Sam. Habang si Sam na busy mag tanggal ng balat ng lollipop.

Ngayon ay pinalibutan kami ng alagad kuno ni Raze napansin ko na nandito ang mga kaibigan nong Harold.

"Maigaganti ko na si Harold humanda ka! Papatayin Kita!" Sigaw nong lalaki na may hawak na baseball bat at sinugod ako. Wala siyang ginawa kundi iwasiwas ang hawak niya sa akin habang ako ay iniiwasan lang ang mga ito habang nakapamulsa. Iwinasiwas nito ang hawak na bat at muntikan na akong matamaan sa mukha. Dahil sa bagot ay hindi ko na pinatagal pa ang ginagawa niya. Mabilisan akong yumuko at pumunta sa likuran niya ng di niya namamalayan at saktong pagharap nito ay siyang pagsuntok ko sa kanya dahilan ng pagkawala niya ng malay.

* * *

Someone's POV.

Nagsimula na ngang sumugod ang mga inutusan ni Raze sa mga baguhan. Napansin ni Angel na nandoon din si Hezel na laging nambubully sa kanya at galit na galit naman si Hezel sa kanya kaya't agad siya nitong sinugod.

Sa una ay nagpanggap na mahina si Angel dahilan kaya't nakakatanggap siya ng sipa at suntok dito, at dahil sa tuwa ni Hezel sa pagpapahirap ay kinuha nito ang patalim na nakatago sa likuran niya at ng sasaksakin na sana nito si Angel habang naka upo at nakatalikod sa kanya ay gulat ang expression niya ng mahawakan ni Angel ang kamay nito ng ganon kabilis.

Sinubukan tanggalin ni Hezel ang pagkakahawak ni Angel sa kanya ngunit hindi na magawa at nakaramdan ito ng takot ng mag iba ang aura ni Angel. Sinubukan niya suntukin si Angel gamit ang isa niyang kamay ngunit nahawakan din yon ni Angel at ibinalibag siya nito dahilan para mauntog sa pader at mawalan ng malay.

"Sweet dream Hezel dear, don't worry dadalaw ako sa panaginip mo" Saad nito sa dalagang nakahandusay sa sahig.

Sa kabilang banda ay nakikipaglaban naman si Samantha kay Mia at dahil wala itong ginawa kundi umiwas lang sa mga ataki ni Mia ay mas lalo itong nainis.

"Hanggang iwas kanalang ba? Fine" saad ni Mia at hinagis ang hawak na patalim

"Ohh hayan sumugod kana, tsk" nakangiting Saad ni Mia, habang si Samantha naman at nakayuko.

"Pagbibigyan kita ngayon bitch para naman kahit papaano bago kita tapusin ay naipagtanggol mo pa ang sarili mo" Saad ni Mia dahilan upang mapangisi si Samantha at ng iangat nito ang kanyang ulo ay biglang kinilabutan si Mia sa ngisi na nasa labi nito.

Kumilos si Samantha at dahil sa bilis nito ay hindi na namalayan ni Mia na nasa harapan niya na si Sam. Aatras sana siya ng higitin siya ni Samantha at bumulong dito.

"You mess up with the wrong person dear, now take my palm" bulong ni Sam bago sinampal ang babae dahilan upang mapaub-ub ito sa sahig. At dahil sa gulat ay inabot ng 5 secondo bago ito nakakilos.

"You bitch!" sigaw ni Mia at kinuha ang patalim nito sa sahig bago sumugod. Iniwasan ito ni Sam at tinuhod si Mia dahilan upang mahulog nito ang patalim bago sinuntok sa mukha.

"Opps nasira ko ata ang ilong niya, okay lang fake naman eh, iba talaga kapag may pera, nagagawa lahat tsk." Saad nito sa isipan.

Habang naglalaban si Xandra ay kanina pa umiiwas sa mga ataki ng Lima nitong kalaban.

"Lumaban ka!!"Saad ng isa sa mga lalaki na kaharap nito.

Bagot namang tiningnan lang ito ni Xandra dahil wala pa siyang balak lumaban at natutuwa pa itong paglaruan ang mga kalaban niya. Ngunit sa pagkakataong sumugod ulit ang Lima ay Hindi na siya umiwas pa at gamit ang paa nito ay napatulog niya ang kanina pa niyang pinaglalaruan.

The Demonies TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon