chapter 16

73 7 0
                                    

Someone's POV..

Nang makapasok na sa tunnel ang lahat ay nagsimula na nga ang pagsubok nila. Kailangan malampasan nila ang pagsubok dahil kung hindi ay makukulong sila sa illusion na ibinibigay ng gubat.

Nang makapasok si Xander ay biglang nagbago ang paligid nito at napunta sa isang liblib na lugar.

"Where am I?" Tanong nito sa sarili

Nakaramdam ito ng panlalamig at sa dulo ng kakahuyan ay nakita niya ang isang babaeng naka black fitted na damit at naka mask na red.

"It was her" Wala sa sariling saad nito.

"Who are you!" Sigaw niya ngunit hindi siya nito sinagot. Naghanda at mabilis na tumakbo papunta sa kanya ang babaeng naka mask na red at agad siyang sinugod.

Naghanda naman ni Xander at binaliwala ang lamig na naramdaman. Umiwas siya sa mga ataki sa kanya at nang may makitang mahabang bakal ay kinuha niya ito upang gamitin sa pagkikipaglaban.

"You're trembling, are you scared?" Halos malalim ang boses na saad ng naka mask kay Xander.

Maliban sa lamig na nararamdaman nito ay nakaramdam din ng kaba si Xander.

Dinig ang tunog sa tuwing magkakabanggaan ang katana ng naka mask sa hawak na bakal ni Xander.

"You're weak Xander hahahaha, you can't even win, once you'll die I'll kill your Twin next hahaha" malademonyo na saad ng naka mask at sinugod ito.

Dahil sa kawalan ng focus ay nasugatan si Xander sa tagiliran kaya't napaluhod ito. Samantalang tuwang tuwa naman sa kanya ang babaeng naka mask na red.

"Hanggang Jan kana lang ba Xander? Nakakaawa ka!" Sigaw sa kanya ng babae.

Sandaling napapikit si Xander ng marinig ang boses ng kambal.

"It's just an illusion Xander" dinig nito at mukhang natauhan naman siya at naalala na nasa isang pagsubok nga pala silang lahat. Unti-unting naghilom ang sugat niya na ikinagulat ng babae dahilan upang mapangisi siya.

"How di-d" Saad ng babae

"Sorry but it's my turn" nakangising saad ni Xander at hindi na nag aksaya ng oras at mabilis na sinugod ang babae bago itarak ang hawak nitong bakal.

"I knew it your not real, tsk. I'm so stupid to not realize that thing" Saad ni Xander at lumayu sa babaeng nakahandusay na ngayon sa sahig.

"Thanks sis" Saad nito na waring naririnig ng kambal.

"Your welcome" nagulat siya ng ang mag-salita ay ang babaeng nasa lapag na.

Pinagpapawisan itong lumuhod upang alisin ang maskara ng babae. Dahan- dahan niyang inalis ang mask nito at laking gulat na makita ang kambal na wala ng hininga

"L-Lu-ci?" Biglang tumulo ang luha mula sa mata ni Xander at ng pumatak iyon sa bangkay ng kambal ay biglang nagbago ang paligid niya.

Nasa playground siya ngayon at nasa harapan niya ang isang masayang pamilya na naglalaro.

Napansin niya na si Mr. Darwin ang lalaking karga-karga ang anak nitong babae habang ang mama niya naman ay naghahanda ng makakain.

Naguguluhan man siya sa nakikita ngunit nagulat siya ng tawagin siya ni Mr. Darwin

"Xander what are you doing there, come here and play with your twin" nakangiting saad nito sa kanya.

"Papa, Wala ata siya sa mood tayu nalang maglaro" Saad naman nong batang babae. Namukhaan ito ni Xander at napagtantong si Xandra nga iyon.

The Demonies TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon