Someone's POV...
Kilabot ang naramdaman ng lahat maski ng mga maglalaban ng marinig ang kakaibang tawa ni X (Xander's codename).
"H-hey X what w-was t-hat?" Nauutal na tanong ni snake ngunit nginisihan lang siya nito.
"Prepare yourself" malamig na saad ni Lucifer (Nix) sa mga kasama nito.
Unti-unting sumugod ang ibang mga rank at halata mo sa mga ito na nagtutulungan upang matalo ang rank 1 at 2. At ang kaninang tahimik na mga nanunuod ay nagsimula nanamang mag hiyawan at mag-ingay
Si Dark Angel (Andrea) na kaharap ang tatlong naglalakihang lalaki na agad sumugod sa kanya. Iwas lang ang ginawa nito sa mga suntok at sipa sa kanya ng mga kalaban at ng makakuha ng tsyempo ay nahawakan niya ang kaliwang paa ng isa sa kalaban niya at ibinalibag ito sa dalawa pang kalaban niya dahilan upang lahat silang tatlo ay mapahiga, at bago pa ulit makatayu ang mga ito ay mabilis siyang lumapit sa Isa sa mga ito para dambahin ng suntok na sakto lang upang mawalan ng malay ang Isa sa kanila. Habang ang dalawa ay sabay sumugod sa kanya at pumailalim ito sa gitna ng dalawa na ikinagulat ng kalaban niya, kinuha naman niya ang pagkakataon na iyon upang sipain sa tagiliran ang isa na namilipit sa sakit, habang ang isa ay nahawakan niya ang kamay bago ibinalibag at sinuntok na nagsulot din ng pagkawala ng malay nito.
Si Snake (Anthony) ay mabilis ang kilos at isa-isang pinatumba ang mga kalaban niya ng walang kahirap-hirap, at sa kanyang laban ay hindi niya namalayan na nakarating siya sa puwesto kung saan naglalaban ang rank 2 na si Blood at hindi inaasahan na umikot patambling si Blood at ngayon ay mag katalikudan na silang dalawa.
"Nice move" Saad ni snake na may ngisi sa labi, ngunit dedma lang siya kay Blood na seryusong nakatitig sa mga kalaban nito.
Labing dalawa ngayon ang naka palibot sa kanilang dalawa at agad silang sinugod, suminyas naman si Blood kay snake na waring nag-uusap sa pamamagitan ng pagtitig.
Hinawakan ni snake ang magkabilang kamay ni Blood at inikot ito, upang pagsisipain ni Blood ang mga sumusugod na kalaban nila dahilan para matumba ang mga ito, hindi pa man naka recover sa sakit na gawa ng pagsipa ni Blood ang kaalaban nila ay isa-isang nilapitan ito ni snake at Blood, bago binigyan ng sipa, tadyak, at sinuntok upang mawalan sila ng malay.
Sigawan naman ang marinig mo sa buong lugar lalo na't hindi nila inaasahan na makikipag team up ang rank 2 nila sa unang pagkakataon.
Sa kabilang banda ay seryuso din si Lucifer na kalabanin ang leader ng rank 3 at ang mga kasama nito. Iniiwasan ni Lucifer ang lahat ng ataki ng mga kalaban niya habang nakapamulsa, nainis naman ang leader kaya sinimulan na din niyang sumugod at sa pagkakataong iyon at sa inip ni Lucifer ay sumugod din ito. Akmang sisipain siya ng kalaban ng iwasan niya ito at tinuhod sa sikmura dahilan upang mamilipit ito sa sakit at hindi na maka tayu, habang ang isa naman ay nahawakan siya mula sa likod na tila niyayakap upang hindi maka kilos ngunit ginamit niya ang ulo niya upang mukhaan ang nasa likod nito upang lumuang ang pagkakakapit sa kanya at akmang susuntukin na siya ng kalaban niya sa harapan ng agad itong naka alis at ang kasamahan ng kalaban nito sa nagpalitan ng suntok.
Sinipa naman niya sa tagiliran ang akmang susuntok sa kanya at sinipa sa mukha kaya't nawalan ito ng malay.
Si Dark (Raze) naman ay marami na ding napatulog na kalaban at ngayon ay kaharap naman niya ang leader ng rank 5 at ang iba nitong kasama. Tumambling si Dark ng sisipain siya ng mga kalaban nito at agad sinangga ang mga suntok na tatama sa kanya gamit ang kamay niya, at ng mahawakan ang isa sa kalaban ay ibinalibag niya ito papunta sa iba pang kasama dahilan upang mawalan ng balanse at malampaso sa sahig. Nainis naman ang leader kaya't sumugod ito sa kanya, puro ilag lang ang ginawa niya sa ataki ng leader na mas lalo nitong ikinainis. Maya-maya ay nakaramdam ito ng matulis na patalim na papalapit sa kanya kaya napa yuko ito upang iwasan ang mga yon.
BINABASA MO ANG
The Demonies Twin
ActionThey might be a Samaritan but a SAMARITAN WITH A HORN OF A DEVIL.... They are ANGELS but an Angel WITHOUT WINGS while HANDS ARE FULL OF STAINS OF BLOODS..... They can be your FRIENDS but can also be your ENEMY..... HOWEVER.... Don't underestimate th...