"Happy birthday, Luis!" I greeted him and gave him a warm embrace. Hindi na ako umimik pa kanina nang malaman na si Clight ang pamangkin na lagi ring ikinukuwento sa akin ni Madame Cosima noong nga araw na bumibisita pa ako sa bahay ampunan nila.
"Thank you, Stella. Nako! Bakit kayo ganiyan? Pinapa-iyak niyo naman ako e!" We laughed, we are currently celebrating his special despite of what happened earlier.
Right after I knew Clight was Madame Cosima's nephew just lead me in shocked. Nagpaalam na rin ito na aalis na, pumunta lang daw siya sa infant room dahil may ipapaampon raw na bata, the child was only 3 days old. And I feel bad for that child.
Hindi niya man lang masisilayan ang mukha ng tunay at sarili niyang kadugo.
"Aysus! Utot, tama na iyang drama halina't magsikain na tayo!" Ginger interrupted.
"Ikaw, napaka-kill joy mo talaga kahit kailan. Halika nga rito at nang mahampas kitang epal ka." Aktong hahampasin ni Luis si Ginger kaya naman dali-dali itong pumunta sa likod ko upang ipangharang ako.
"Stella, ipagtanggol mo ako sa hipokritong 'yan!" Hiyaw ni Ginger.
"Hayaan mo na, Ginger. Pagbigyan mo na birthday naman niyan ngayon eh." Sabat ni Emma habang naglalapag ng plato sa lamesa. Kasalukuyan kaming na rooftop dahil iyon ang suggest ni Luis.
Brye went to our direction.
"Oo nga, para talaga kayong aso at pusa. Mamaya, kayo pa magkakatuluyan niyan." Ani naman ni Brye habang nilalapag ang mga plato sa hapag kaninan.
"Iyan? Magugustuhan ko? Tsk, asa! Mas maganda ako sa kaniya duh!" Luis fakely flipped his hair.
"Hoy, hoy, hoy! Anong maganda? Baka ma-fall ka sa akin niyan Hans, sinasabi ko sa 'yo." Pagbabangas naman ni Ginger.
Sabagay, maganda naman talaga si Ginger. She has those cute yet bubbly cheeks, she has thin lips, she had this type of round eyes that gave contrast through her face. Kulay- ginto iyon. May katangkaran, at medyo may kaputian. Mahaba rin ang buhok nito.
Luis on the otherhand, is a type of man who's
Funny yet caring. Siyang yung tipo ng lalaki na kaya 'kang patawanin, at sa panahon ngayon ay ang mga ganitong lalaki ay ang madalas kabighanian ng mga babae. And I agree with that, Luis isn't like the other man out there. Hindi siya bakla, but he can do both just to put a smile on your face.Sadyang hobby niya lang na maging joker sa circle of friend na 'to.
"Brye, paki-kuha nga no'ng candles roon." Utos ni Ate Lilac kay Brye.
"Sige po," aniya naman.
Nakapinta ang mga ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan sila na masayang ginagawa ang paghahanda para sa celebration ng kaarawan ni Luis. They all looked like a proud sibling, Luis is already 20 years old. He's one year older than me.
Napukaw naman ang atensyon ko sa lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang pansinin.
Nahihirapan itong isabit ang birthday design lettering, a smiled escaped through my lips seeing how he scratched his nape while looking at the walls to figure out where to put it.
I took a few steps towards him, marahan 'kong kinuha sa mga kamay nito ang designs at nginitian ito. He glanced at me with his curious face.
"I'll help you," sambit ko.
"T-thanks," utal na wika niya.
Matapos maisabit ay hinintay na lamang namin si Doc Dominic na makarating dito sa taas ng rooftop.
Sa totoo lang ay bawal pumunta rito. But, the hospital director agreed daw for Luis to celebrate his special day on this open place. Pinagtataka ko lang ay paano at sino ang kumausap sa director para rito namin ma-i-celebrate ang birthday ni Luis?
BINABASA MO ANG
A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]
Romance"One day, you'll see a star shining in the sky, and it's me watching you from a far." Stella Emery Bautista was admitted on the hospital since she found out that she has a serious illness that slowly could kill her body. However, despite of being si...