Totoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mundo ng mga mayayaman. Ang tanging plano lang naman niya ay ang makapagtapos para makatulong sa kanyang butihing ina na siyang mag-isang nagtaguyod sa kanya. Subalit may ibang plano ang kapalaran. Makikilala niya si Louisse, ang nag-iisang dalagang anak ng may-ari ng prestihiyosong unibersidad na pinapasukan niya. Sa isang idlap ay magbabago ang lahat, hindi lang ang paniniwala ni Tori sa buhay kung hindi ang mismong kapalaran niya na magkakaroon ng panibagong direksyon.