Casa Bilarmino #4 Sa mundong walang katiyakan ang lahat ng bagay. Nabuhay si Mharissa Chole Bilarmino Saler na walang ibang ginawa kundi ang patunayan ang mga bagay na kaya niya. Para siyang eroplanong papel sa ere, hindi alam kung saan lalanding. Walang tiyak na lugar. Mula sa magulo niyang mundo, ay umusbong ang nag iisang tao na kayang patunayan na hindi niya kailangang magpaka perpekto para lang mahalin ng lahat. Na kailangan ding mag pahinga sa oras na nakakaramdam na ng pagod at pagsuko. Pero paano kung dito rin siya sumuko? Tatanggapin pa rin ba niya ang kamay nito? Sa kabila ng sakit na kaniyang naramdaman? Kakayanin kaya niyang mabuhay sa mundong ito?