C H A P T E R 42

397 29 0
                                    

IRIS KRISTEN LEWIS

I stared at them while sipping my orange juice. Something is fishy about these four. Aki has been disappearing lately, Brie has been texting non-stop, Adi has been a little emo and Trix is a little weird. "Hey stop staring at us!" Asik ni Brie. I didn't answered and just continued my homework. Another school day has passed and there's bunch of homeworks I need to do.

Kalaunan ay nag si alisan nanaman sila. Ako lang mag isa sa dorm kaya naisip ko na manood nalang not until nasagi ko ang phone ni Aki. Hindi ko ugaling makialam pero —

Wala naman sigurong mawawala.

Kinuha ko ang phone saka ini-on at ganoon nalang ang gulat ko ng makita ko ang lockscreen ng phone nya. It was a photo of her and Khashton — kissing.

"Seriously? Kelan pa naging sila?" That explains it. Bumuntong hininga ako saka lumabas ng dorm. Dala-dala ang mga libro ko ay pumunta ako sa library na kaka-tapos lang i renovate. Pumwesto ako sa malayong sulok. Yung hindi kita ng mga istudyante. Ilang sandali palang ako dun ng marinig ko ang malalakad na mura "Fuck! Brie stop doing that! I already let you court me but please can you behave!?"

Natameme lang ako sa narinig ko, si Brie nililigawan si Luca?

According to some superstition, 2012 is the end of the world. I didn't believe it at first but damn! This is a fucking sign that the world really ended. Brie fucking promised herself that she wont do romance but now —

It's completely fucked up.

Umalis ako ng library kasi ayokong marinig ang nakaka pandiring panliligaw ni Brie.

Naglalakad ako sa may field ng mahagip ng mga mata ko si Trix na naglalaro mag isa.

Buti naman akala ko — putangina lang?

Napa tanga ako ng makita si Zex na papalapit sakanya habang dala-dala ang bote ng mineral water, kasabay non ang pag punas nito sa pawisang si Trix.

Bago ako masuka ay umalis na ako at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko si Adi na pinagmamasdan si Tristan mula sa malayo, kasama ni Tristan ang school journalist na si Heather.

Nilapitan ko si Adi at nag salita "Nag seselos ka?" Her fist clenched "sino ba namang hindi mag-seselos! Ang isang Heather na nakilala nya sa isang araw ay nagka roon ng pagkakataong makasama sya habang ang isang Adriana na nagkaka gusto sakanya sa loob ng isang buwan ay hindi na sya — Iris?" Nagulat sya at napayuko ng mapagtanto na kung ano ano nalang ang lumalabas sa bibig nya. "Ikaw pala"

"Hmm" I hummed saka tinalikuran sya "Asan na yung Adi na hindi sumusuko pag may gusto syang makuha?"

Tuluyan ko syang iniwan saka pumasok sa susunod kong klase which is Science. Palihim akong umupo sa likod. Wala akong ginawa kundi magbasa hanggang sa may isang naglapag ng gamit sa tabi ko. Sasabihin ko na sana na wag sya dun maupo ng makita ko kung sino yun, Isang antok na antok na Zev Olivares lang naman ang tumabi sakin. Hindi ko sya pinansin dahil mukhang matutulog lang naman sya sa buong klase.

"Good morning class" Nabaling ang atensyon ko sa kakapasok lang na lector. "Good morning Ms."

"Since I will be having a leave due to some family emergencies, I want you to answer page 15-108."  The whole class frowned and began to complain  "But Miss, You only have 2 weeks on leave. We can't answer that in only 14 days, in my calculations it would take us approximately 3-4 weeks or 28 days"  Napalunok si maam dahil sa inasta ng kaklase ko. He's a math genius kaya walang laban si maam and besides sinang ayunan rin sya ng mga kaklase ko

"Well then, If you dont want to answer Im just going to give you a project. I want you create you own invention and bring it to life. It doesn't matter what it is the important thing is to impress me..." That one is better "...We are going to do it in pair. You are free to choose you partners"

A girl approached me "Miss Iris tayo nalang ang mag partner" Ngumiti ako sakanya at tinuro si Zev "May partner na kasi ako, sorry" tumango nalang sya at umalis.

Kumuha ako ng sticky note at sumulat. Idinikit ko ito sa noo ni Zev saka umalis na. Sakto namang paglabas ko ay tumunog ang bell and it's time for lunch kaya dumiretso ako sa canteen.

"Hey Iris" Inakbayan ako ni Aki habang ngumingiti-ngiti pa. "Eyoow bunso" inakbayan rin ako ni Brie sa kaliwa. Hindi ko pinansin ang mga ngiti nilang abot langit saka naunang mag lakad.

Yey their inlove

Note the sarcasm.

"Bat ang sungit mo?" Biglang sulpot ni Trix "Kadiri kayo" tanging nasabi ko saka pumuntang counter. "Isang chicken sandwich kuya, large"

"Wait tataba ka nyan! Kuya vegetable sandwich para sa aming lahat" sabi ni Brie

"Since when did you care about getting fat?"  She smiled at me saka kinuha ang order namin. "Oh ayan na pala sila" naglakad si Trix papunta sa kinalalagyan nila Zex actually hindi sya nag lakad, tumakbo talaga sya.

"Kayo lang? Asan si Tristan at si Zev?" Tanong ni Brie. They just shrugged "Dont know, huli namin syang nakita kaninang umaga. Eh asan si Adi?"

"Stalking someone. I saw Zev sleeping on one of his classes" tipid kong sabi at umupo. Nag si upuan din sila ngunit walang imikan. "So do you have anything to say to me?" I asked them

"What do you mean?" Si Aki

"Like kung paano naging kayo ni Khashton?, Anong naisip ni Brie at niligawan nya si Luca? At bakit ang weird mo Trix?" Nag si ubohan naman sila but I stared at them blankly

"Nag kakamali kalang — " hindi ko pinatapos si Aki at nag salita "Nakita ko ang lockscreen mo" She frozed and I just smirked

"Hindi pa naman kami ni Aki, nililigawan ko palang naman sya" Tumatango tango lang ako habang nakikinig kay Khashton  "Sige kunwari naniwala ako, how about you Brie?"

"A-Ah"

"Ahkdog. Ikaw Trix?" She gulped "wala akong love life eh"

"Tsk" Tinuloy ko lang ang pag kain ko sa vegetable sandwich na inorder ni Brie. "Bunso — "

"Hmm"

"Galit ka?" Si Brie

"Hindi" diretsong sabi ko. It's true Im not angry or anything, I just want to see their reaction.

"Tsk kung gusto mo ihahanap kita ng ka blind date" sabi ni Trix ngumiti ng nakakaloko

"I don't need such things"

...

Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon