C H A P T E R 11

651 36 0
                                    

BRIDGET SAVANNA CHEN ◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BRIDGET SAVANNA CHEN
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Matapos ang class ko ay naglakad-lakad ako papuntang canteen para syempre bumili ng pagkain nang mapa-daan ako sa lumang library na wala namang pumupunta.

May kung anong nag-tulak sakin para pumasok doon

Maalikabok ito at mas kokonti ang mga libro ngunit mga makaluma ang mga ito kesa sa bagong library na kasalukuyang under maintenance.

Mapapansin mo ring marupok na ang mga kahoy sa mga shelf nito at—

"Aray!" Malakas na sigaw ko ng may isang librong nahulog diretso sa mukha ko "bwesit! Ang sakit sa ilong!" Inis kong pinatid ang maliit na shelf dahil sa inis at natumba nanaman sakin ito "A-aray" mangiyak-ngiyak kong sabi

Ang bilis ng karma!

"Bwesit kang libro ka!" Itatapon ko na sana ang libro ng makita ko ang cover nito "Uses of Ultraviolet light?" Patanong na sambit ko sa cover. Hindi luma ang libro gaya ng ibang andito kaya napa isip ako kung ano ang ginagawa ng librong ito dito sa abandonadong library

Pumunta ako sa isang mesa malapit sa kinatatayuan ko at umupo sa lumang chair pero— "Aray!" Sigaw ko nanaman ng bumigay ang silyang inuupuan ko "bwesit!" Sigaw ko at padabog na umupo sa sahig at binasa ang ibang bahagi ng libro "Ultraviolet light can be used to kill germs and other bacteria. In the modern days, Ultraviolet light can be used to reveal secret messages that used invisible ink and—" napatigil ako sa pagbabasa at inulit ang sentence nayon "Invisible Ink? That's it!"

Nag madali akong tumayo at dumiretso sa Science Lab para suriin ang USB na dala ko "Uv lamp asan na you" ani ko habang hinahanap ang Uv lamp "Aha!" Dali dali kong sinuot ang safety equipment at inon ang Uv light saka tinapat ang USB "Yes!" Sigaw ko ng masilayan ang mga letra sa USB pero agad ring nabigo dahil di ko alam ang meaning ng mga letters

Uyidsr, Jviiow4

What the hell is this!

"Badtrip!" Inis na sabi ko at lumabas ng Science Lab "Badtrip talaga!" Sigaw ko at pinatid ang mga bato

"ARAY! SINO YUN!?" Rinig kong sigaw ni Luca sa unahan ko

Natamaan sya!

Napa kamot nalang ako at nag piece sign ng nilingon nya ako ng nanlilisik ang mata "Ano bang problema mo a bakit andito kananaman?!" Sigaw nya sa mukha ko kaya napataas ang kilay ko

"Aksidente yun wag kang oa!" Sigaw ko pabalik na mas lalong kinainis nya "Layuan mo nanga ako!" Sigaw nya at nag umalis

Sinong may sabing lumalapit ako sayo dzuh!

Inis akong nag lakad papuntang canteen dahil hindi pa ako kumakain simula pa kanina at parang bulkan na kumukulo na ang tyan ko

"Kuya limang Cheese bread rolls saka dalawang milktea" ani ko na natatakam sa amoy ng buong canteen "here Maam"

"Thanks" tanging nasabi ko at nag madaling umupo sa nag iisang bakanten upuan at kasabay non ang pag upo ni Luca sa harap ko

Ang destiny nga naman

Note the sarcasm

"Ikaw nanaman!" Magkasabay naming sigaw kaya bumaling ang atensyon ng mga tao samin "ano nanamang ginagawa mo dito" inis na tanong nya sakin

"Eh dito ako uupo eh!"

"Alis ako nauna dito" sabi nya at diretsong tumingin sakin kaya inis ko syang tinapunan ng tingin "Eh!—"

"Sir eto napo abg order nyo" putol sakin ng waiter "at kung pwede po paki hinaan ng boses nyo kasi marami pong nabubulabog" dag-dag pa ng waiter at nag madaling umalis

"Tsk hindi ka na ba maka-tiis s magandang mukhang to" naka ngisi kong ani sakanya at tumingin din sya sakin ng naka-ngisi "Anong maganda? Yung kilay mo masyadong makapal tsaka did you know na klaro ang blackheads mo? Yung nose mo pang ordinary lang, at isa pa—" sabi nya at tumingin sa dibdib ko "Flat ka" naka ngising dag dag pa nya kaya napa takip ako sa dibdib ko kaya tumawa sya

Inis ko syang tinignan nang biglang kumulo ang tyan ko "Tsk"

"Bwesit!" Inis na sigaw ko saka kinain ang bread rolls

Hindi na kami nag pansinan at natanaw ko uli ang naka sulat dun sa USB ngunit napa-pikit nalang ako dahil hindi ko talaga alam kung ano ang naka sulat

Dismayado kong nilubog ang mukha ko sa mesa at nag muni-muni

"That's a caesar cipher" biglang salita ni Luca

Sinong Ceasar at anong kinalaman ko dun?

Taka ko syang tinignan "Cipher yan" mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nyang diko maintindihan "naturingang matalino tsk" ani nya at masungit na umalis

Sensya na gutom lang

Mabilis kong kinain ang mga inorder ko saka bumalik sa SCO. Habang nag lalakad ako ay naparaan ako sa classroom ng mga senior

Nag kataon rin na si Sir Quezon ang nag tuturo kaya bago ko linagpasan ang room nila ay pinag aralan ko ang kilos nya

Masiyahin sya at halata sa mukha ng mga students na nag eenjoy sila at hindi naman bakas sa mukha nya na kaya nyang gumawa ng isang bagay na hindi maganda besides teacher sya ng Values  Education

"Oh Brie!" Napa tigil ako ng mapag tanto ko na nasa harap na ako SCO

"A-ah Adi andyan ba si Iris?" Tanong ko "oo andun sa loob" saad nya "thanks" nasabi ko nalang at tuluyan ng pumasok

"Iris I need your help"

"Para saan naman? Bumili ng pagkain? nako wag na busy ako" saad nya kaya napanguso ako "hindi yun!"

"Eh ano?"

"Okay so kanina napa daan ako sa lumang library tas may nag tulak sakin na pumasok dun tas habang tumitingin ako ng libro ay may nahulog na libro diretso sa mukha ko tapos hindi sya gaya ng ibang libro, modern sya tapos about uv light. Nang mabasa ko ang libro ay naka come up ako ng idea ma baka may nakasulat sa USB kaya pumunta ako sa Science Lab tas ayun lumabas yung Uyidsr, Jviiow4 which is hindi ko alam kung anong ibig sabihin tapos ayun nakita ko si Luca tas nakita nya naman yung nakasulat sa USB tas may sinabi sya about sa Caesar cipher or ano pero diko alam ang dahilan at—"

"Kumalma ka dahil wala akong maintindihan" pigil nya sa pag sasalita ko kaya napa face palm nalang ako

"Eto!" Sabi ko at pinakita sakanya ang parang code "Caesar Cipher" dag-dag ko pa

"Much better" Saad nya at kinuha ang papel

"Eto yung words, tas eto yung fixed number" sabi nya at tinuro ang 4 "then abracadabra done" dag dag pa nya kaya napatingin ako dun sa sinulat nya

Quezon, Freeks4?!

◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon