C H A P T E R 44

362 29 0
                                    

ADRIANA BRITH MARTINEZ

I was about to left the classroom when I saw Tristan hanging out with the Journalist girl.  Aaminin ko I've been stalking him for weeks now. Nalaman ko rin na nagliligawan na pala yung anim sa barkada namin. Kainggit

Sinundan ko sila at pumwesto malapit sakanila para kitang kita. Kaunti nalang ay maniniwala na ako sa katagang 'wag mag salita ng tapos'. I've been confident that I can tell him my feelings directly but I was wrong, now that I can see him talking to her and doing things that he hasn't been doing when he's with me and somehow I felt insecure.

She can make him smile and I cant. I know he smiled when he was with me but when he was with her — it's different.

Everytime he's with her, a smile automatically appeared and it's something I couldn't do. I sighed at the thought and just continued to look at them. Ilang sandali pa ay umalis narin sila, may klase ata.

Pumunta ako sa inupuan nila kanina. Sunod-sunod ang buntong hininga ko habang iniisip ang mga ngiti nya tuwing kasama ang babaeng yon. Ng bumagsak ang mga kamay ko sa gilid ng upuan ay may nakapa ako and when I turned to look what it is, I saw Tristans tablet.

Sa pag kaka-alala ko Math ang susunod nilang subject at sa pagkaka-alam ko ay terror ang punyetang teacher nila. Mapapagalitan yun panigurado.

Hindi ako nag alinlangang kuhanin ang tablet saka palihim na pinuntahan ang classroom nila. Habang papunta ako dun ay nakita ko silang masayang nag uusap kaya mas minabuti kong mauna para hindi nila ako maabutan.  "Pst Zai!" Tawag ko sa Class President nila "Yes Ms. Adi?"

"Pakilagay naman to sa upuan ni Tristan at wag mong sasabihin sakanya na ako ang nagbigay, sabihin mo nalang na andyan nayan bago pa kayo dumating..." Kahit nagtataka ay tumango lamang sya "... at isa pa pala, wag mo na akong tawaging miss. Just call me Adi" Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagmadali na akong umalis.

BRIDGET SAVANNA CHEN

"Hey babe eat this" sabi ko at inabot sakanya ang apple "Ayoko" tipid nyang sabi habang naka tuon parin ang atensyon sa libro nya. Kaunti nalang talaga ay magiging sya na si Iris 2.0.

I let out a sigh. Umupo ako sa upuan na kaharap nya saka tinitigan sya. Bigla kong naalala nung sinabi kong liligawan ko sya.

Matapos ang party ay inaya ko syang mag lakad pauwi. "Wala na ang parents mo, pwede naba akong maging ako?"

"Anong ibig mong sabihin? Ikaw naman talaga si Bridget Savanna Chen" napatawa lang ako. Ang dating mainit na panahon ay kalaunang napalitan ng mahangin at maulap na kapaligiran. At sa hindi inaasahan, bumuhos ang malakas na ulan "Aish! Dapat hindi na tayo nag lakad! Halika nga dito!"

Tumatakbo sya sa silungan pero hindi ako sumunod at nanatili sa kinatatayian ko. "Gusto kong maging ako" sabi ko kaya kumunot ang noo nya

"Aish anong ibig mong sabihin?! Pumunta kana nga dito Per favore!" Imbis na sundin sya ay binigyan ko sya ng malapad na ngiti. Hindi ko nagugustuhan ang mga sasabihin ko pag nagtagal pa to pero — gusto ko ng sabihin sakanya ang totoo.

"Luca pwede ba kitang ligawan!" At ayun sa wakas na sabi ko na. "Naparami ba ang inom mo ha?!" Lumapit sya sakin at hinila ako papunta sa shed "Kahit naman naparami ang inom ko magsasabi naman ako ng totoo. Sabi nga nila diba, hindi nagsisinungaling ang lasing"

"Ano bang pinagsasabi mo? Please wag mo na akong pag tripan" at doon ako sumeryoso "sino bang nag sabing pinag-t-tripan kita?"

"Hindi magsisinungaling ang isang Bridget Savanna Chen sa taong mahal nya" He stood still while looking at me. So cute.

"Sabihin mo ng oo" sabi ko pero hindi sya nag salita. Mahina akong natawa ng maisip ang isang great idea "Luca do you hate Felicity?"

He was about to answer ng sabayan ko sya "Yes/Pwede ba kitang ligawan?" Namilog ang mata nya ng mag sink in sakanya ang sinabi ko "Ang daya!"

"It's a yes then!" Nakangiti kong sabi saka tinanggal ang stilettos. "MAHAL KITA LUCA"

My god Brie, what happened to 'hindi muna ngayon'

Although, alam ko namang mapapasagot ko sya.

Hindi ko keri ang confidence mo teh!

A part of me said and I just chuckled "What's funny?" Seryosong sabi ni Luca kaya ngumiti ako saka ini-stretch ang pisngi nya para magmukhang smiley face. "Oi little muffin, smile for me" agad nyang inalis ang kamay ko kaya napasimangot ako "Stop calling me things okay? Let me focus, we have an exam"

I pouted. Hindi ko na sya kinulit dahil alam kong wala akong mapapala. Kinuha ko ang cheese bread rolls sa bag ko. Im frustrated as fuck.

Kinain ko ng buo ang isang roll.

Bakit ganito ang trato nya sakin? Hindi ko sya nakausap ng matino...

Simula nung umamin ako.

Siguro nabigla ko sya. Maybe he doesn't like me. Kinain ko uli ang isang buong bread rolls at gaya kanina, I ate it whole.

"Ganyan kaba ka gutom?" Masama ko syang tinignan "Im frustrated as hell" kinuha ko sakanya ang libro nya at akamang magsasalita na sya pero inunahan ko ito "You don't need to fucking memorize this whole motherfucking book. Just remember what you fucking understand. Memorizing everything will be worse as fuck. Now tell me what you dont fucking understand and I'll help you fucking study" Mahinahon ngunit madiing saad ko. His face was in shock and I am too. How many times did I say the word fuck?

"Go eat, kanina kapa hindi kumakain" hindi sya nag salita at sunod-sunod ang lunok nya. Did I scare him?

"Eat now. I don't want to starve my little muffin" I tried to soften my voice and let out a fake smile. Hindi ko sya tinignan at iginaya ang pansin ko sa libro na binabasa ko

"How can she be scary but caring at the same time?" That made me smile.

I have a good sense of hearing after all


Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon