BRIDGET SAVANNA CHEN
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈"Papasok na kami" biglang tayo ni Khashton na sinundan naman ni Luca saka yung mga kasama nya
"Sure" ani ni Aki na seryososng-seryoso ang mukha
Pag-ka alis ng lima ay agad kong tinignan si Aki "Why did you let them stay?" I asked and she just shrugged
"Tsk so what's the plan?" Ani ni Iris "Susundan natin yung dalawang Quezon" ani ni Aki
"Hanapin mo nga ang bahay ng isang Quezon, yung nasa finance department" saad ko kay Iris at tinanguan nya lang ako
"Yung full name nya is Dom Quezon at nakatira sya dalawang liko lang sa kabilang kanto malapit sa school" ani nya "san mo nakita yan?" Tanong naman ni Trix "sa info nya, hina-hack ko parin ang computer ni Dean. Just incase" seryosong saad ni Iris habang nakatingin sa loptop
"Tingin nyo? Sino ang may gawa nito?" Tanong ni Adi "Panigurado yung nasa finance department" sagot ko
"Pwede rin namang yung lec ng senior na Quezon din. Parang sa mga movie lang, kung sino pang inosente sya pa ang culprit" ani rin ni Trix
"How about a bet?" Saad din ni Adi "at nagawa nyo pa talagang pag pustahan ang suspect, Tangina lang" mahinahon ngunit sarkastikong sabi ni Aki.
"Peace" saad ni Adi "Tss nagkakatuwaan lang eh! Tignan nyo nga itsura nyo ni Iris! Mukhang walang tulog at stressed na stressed" nakangusong saad ko sakanya ngunit inirapan nya lang ako
Red days ata!
"So kelan nyo to balak sundan tong dalawang to?" Tanong ni Trix
"Pwedeng lumabas ang mga students pag weekends kaya may chance tayo" saad ni Aki "kami ni Brie ang susunod sa Quezon ng finance department kayo naman dun sa lector ng mga senior" dag-dag pa nya
Napatingin ako sa USB na nakuha ko. Impossibleng yun lang ang laman non. Kinuha ko ito at napa-tingin naman sila sakin.
Sinuri ko ang ibat-ibang parte ng USB pero wala akong makita
Badtrip!
"Ano ba kasing tinitignan mo!" Biglang sigaw ni Iris kaya nabalik ako sa katinuan
"Ewan ko" ani ko at tumingin sila sakin ng Wtf-look
"Tsk!" Singhal ni Trix kaya napa peace sign nalang ako
"Gagamitin nyo pa to?" Tanong ko sakanila "hindi na, na copy ko narin ang laman nyan eh "akin na to
"Guys nag text si Maam hindi daw tayo excused sa afternoon class natin" biglang sabat ni Adi
Badtrip talaga!
ZEX OLIVARES
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈"Guys bat hindi kayo nag stay? May itatanong pa ako eh" nakangusong ani ko
"It's none of our business" Malamig na sabi ni Tristan kaya mas napa-nguso ako
"Stop pouting Zex!" Sigaw ni kambs
Kambs: kambal
"Tsk kambs naman eh! Yung tungkol sa late bloomer ang itatanong ko at business naman natin yun" inis na saad ko sakanya
"First of all tigil-tigilan mo ako sa pagtawag mo ng kambs kasi baduy at parang bakla, second tingin mo magsasabi sila eh tuwing nag tatanong tayo ang sagot nila ay 'malalaman nyo rin' Tsk!" Panggagaya nya sa sinabi ni Brie
"Manahimik nga kayo, masakit ulo ko" saad ni Khashton
"Hmp!" Singhal ko sakanila saka pumasok sa classroom.
"Wag kang sumimangot dyan mukha kang tae" sabi ni Luca saka tumabi sakin "bat ba laging trip moko inisin! Eh yung kakambal ko exact copy lang naman ang muha namin ah!" Sigaw ko sakanya ngunit tumawa lang sya
"Okay today were gonna learn about linear and non linear equations" bored na sabi ng math teacher namin
Sya ang type na teacher na walang gana mag turo at makakatulog ka talaga kahit sa boses palang.
Ilang sandali pa ay unti unting bumibigat ang pilikmata ko at tuluyan na akong nakaidlip
Zzzzz....
"MISTER OLIVARES!" Rinig kong sigaw kaya kalmado akong bumangon at nag lakad papuntang harapan habang nakapikit pa. Ilang segundo ang nakalipas ay narinig ko ang mahinang tawanan ng mga kaklase ko kaya minulat ko ang aking mata at tumambad sakin ang nag-aalburutong si teacher namin sa math kaya sunod-sunod ang lunok ko
"SINONG MAY SABI SAYO NA MATULOG KA SA KLASE KO!" Malakas at madiin nyang sabi ultimo yung nasa labas ng classroom ay napatingin sakin
"Yung boses nyo po este wala po" kinakabahan kong sabi na mas nakapag-palala ng galit nya
Im a dead meat!
"YOU! GET OUT!" sabi nya at hinila ang tenga ko "Aray sir! Aray!" Sigaw ko kaya napa tawa ang mga kaklase ko lalo na si Luca na kulang nalang mag pagulong -gulong sa kakatawa
"Sadista ka sir!" Malakas na sigaw ko kaya tinignan nya ako ng masama at akmang lalapit na sakin pero nakatakbo ako mula second floor papuntang first floor
"Tsk! Masakit yun ah!" Singhal ko habang hinahaplos ang part na hinila nya "Nyare sayo" biglang sulpot ni Trix kaya napa-talon ako habang sya nagpipigil ng tawa
"Tsk wag ka ngang nang-gugulat!" Singhal ko sakanya saka sya tinalikuran at naglakad palayo "bat ang init ng ulo mo?" Inosenteng tanong nya habang sumusunod sakin kaya nakaramdam ako ng inis
"Bat mo ba ako sinusundan!?"
TRIXIE LEE VILLAREAL
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈"Bat mo ba ako sinusundan!?" Bahagya akong nagulat sa sigaw nya ngunit napalitan iyon ng pagpipigil ng tawa.
May regla ata sya
"Dito yung room ko" sabi ko at nginuso sakanya yung room ko na isang dipa nalang ang layo. Mag sasalita na sana uli ako ng bigla nya akong inirapan at nag-matsa papa layo
Bago ako pumasok ay palihim muna akong natawa "nyare sakanya" nabanggit ko saka tuluyan ng pumasok sa history class ko
"Ms. Villareal can you stand up and answer my question" ani ni miss na sinunod ko naman "yes miss"
"Can you tell me what is Africa's first great civilization and when it emerged?" Ani nya
Easy!
"Ancient Egypt was Africa's first great civilization and it emerged in c. 3400 BC. It is an Ancient civilization, based on River Nile, Egypt which emerged around 5,000 years ago" sagot ko sakanya
"Very good Ms. Villareal, and since Ms. Villareal was able to answer my question I will give you extra assignments hihihi I know that there's something deep inside you that wants extra assignments that's why Im giving it to you, you're welcome and class dismissed" ani ni Miss at umalis
"Baliktad yung utak ni Miss" sabi ng isang kaklase ko at napakamot nalang kaming lahat
Tsk!
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
BINABASA MO ANG
Leopardess Academy
Teen FictionLeopardess Academy is a prestigious school where you can find the smartest and richest students. Here Intelligence is power and IQ is important. But in every aspect there's always one person or should i say five who is much more superior than the ot...