C H A P T E R 24

492 31 0
                                    

IRIS KRISTEN LEWIS
━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Eight o'clock na ng maka uwi ang mga lalaki habang kami naman ay nag handa para matulog. "Good luck bukas Iris" nginitian ko si Brie na tinapik ako "Salamat"

"Talunin mo ah" kindat ni Adi "Good luck" niyakap ako ni Trix saka hinalikan sa pisngi. Normal na samin ito dahil narin sa ako ang pinaka bata. Hindi man halata pero ako talaga ang pinaka bata. Months lang ang gap namin pero hindi parin mababago nun na ako ang pinaka bata

"Bunso bilisan mo jan!" Inis kong tinignan si Brie dahil andyan nanaman ang tawag nyang bunso.

"Tsk Tanda" bulong ko at halata namang narinig iyon ni Brie dahil umasim ang mukha nya. Sya ang pinaka matanda samin tas sumunod naman si Aki na pinanganak one month after syang pinanganak. After two months naman ay pinanganak si Adi tas ilang buwan pa ay pinanganak rin si Trix at sumunod naman ako.

"Months lang naman ang gap natin wag kayong oa" irap ni Trix "Oo nga ang oa nyo tsk"

"That doesn't change the fact that Im the fucking oldest!" Napa irap ako sa reklamo ni Brie "Come on! Get over it!"

Nag lakad ako papuntang banyo habang hawak-hawak ang libro ko. Hindi dahil sa natatakot akong matalo o kaya wala akong tiwala sa sarili ko it's just that Im working for another project and I think this book will help.

Ilang sandali pa ay pumunta na ako sa kwarto ko at doon itinuloy ang pag babasa. Bahagya ko ring binuksan ang bintana para ma preskohan ako.

Matapos kong basahin ang kalahati ng libro ay nauhaw ako at kumuha ng tubig malapit sa may bintana ng may biglang pumasok mula sa bintana at tinapat sa mukha ko ang isang panyo na amoy kemikal. Hindi rin ako makapag salita o maka laban man sakanya dahil malakas sya.

Nakita ko ang bracelet nya sa wrist nya kaya kinuha ko ito. Mukha namang hindi nya namalayan dahil patuloy parin ang pag hila nya sakin.

Ilang segundo pa ay naramdaman ko ang pagkahilo at tuluyan ng na walan ng malay.

...

Nagising ako sa isang madilim na lugar. Walang tao at hindi ko alam kung nasaan ako. Kinuha ko sa bulsa ko ang bracelet na nakuha ko mula sa kamay ng tumangay sakin. Pamilyar sakin ang bracelet na to na parang nakita ko sya ilang oras lang bago ako matangay.

Naghanap ako ng paraan para makalabas pero wala akong pwedeng gamitin para masira ang malaking kahon na kinalalagyan ko.

Nag tago ako sa dilim nang marinig ko ang malakas na pag ka wasak ng kahon "Anyone here?" Kilala ko ang boses nayun. Si Zev

"Zev!" Tumakbo ako papalapit sakanya at hindi napigilang mapa yakap  dahil sa tuwa "I-Iris?"

"Nasaan tayo?" Bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at tumingin sa labas "malayo-layo to sa school"

"Anong oras naba?" Tanong ko sakanya "mga 6 am na, teka sinong nag dala sayo dito?" Kunot noongtanong nya

"I was reading then someone came in at tinutok sa mukha ko ang panyo na amoy kemikal saka hinila ako palabas, yun lang ang naalala ko"

"What's this?" Hinawakan nya ang wrist ko para makita ang bracelet na pag mamay-ari ng suspect "I got this from the kidnapper. Pano ka nakapunta dito?"

Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon