C H A P T E R 8

830 45 4
                                    

BRIDGET SAVANNA CHEN ◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BRIDGET SAVANNA CHEN
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Naglalakad ako papuntang canteen ng madaanan ko ang Dean's Office na walang tao kaya naman ay naisip kong halungkatin ang gamit ni Dean.

Noong una ay nag dalawang isip ako pumasok pero kalaunan ay napag desisyonan ko ng pasukin ang office nya.

Hinalungkat ko ang file's, folders at drawers pero wala akong makita

"Sige salamat sa tulong Mr. Quezon" rinig kong pag uusap nila Dean kaya nagmadali akong mag tago sa isang kabinet.

"Walang anuman Dean ang gusto ko lang ay ang parte ko" ani ng Mr. Quezon kuno

Hindi pamilyar sa name nya pero nasisiguro kong may apilyidong quezon sa Finance department

"Makaka-asa ka" ani ni Dean "Ingatan mo ang files Dean, walang pwedeng maka-alam" saad nito at narinig ko naman ang pag sara ng pinto pero nanatili akong naka tago.

Ilang sandali pa ay rinig kong lumabas na si Dean kaya lumabas na rin ako.

San kaya nila tinatago ang files nayun!

Hinalungkat ko ang iba pang files ng ma sagi ko ang isa at nahulog dun ang isang USB. Dali dali ko itong kinuha at lumabas tapos nag lakad papuntang canteen na parang walang nangyari.

Ano kayang laman nito?

"Hoy Ano ba!" Rinig kong sigaw pag pasok ko sa canteen kaya tinignan ko kung saan ito nanggaling

Nakita ko ang limang transferee na nakikipag away kay Tyler Louis anak ng Dean ng school na to.

Nanlilisik ang mata ni Luca habang nakahawak sa pisngi at akmang susuntukin si Tyler kaya mabilis akong lumapit at pinigilan ang kamao nya

"Ano nanaman!" Sigaw nya mismo sa mukha ko "anong ginagawa mo" malamig kong sabi at tinignan ang mata nyang puno ng galit

"HE PUNCHED ME!"  Sigaw nya kaya bumaling ako kay Tyler "Why did you punched him?" Saad ko kaya ngumisi naman sya

"Kasi salot sila sa school na ito" walang gana nyang sabi kaya napa taas ang kilay ko "Pano mo nasabing salot?" Naka ngisi ko ring tugon

"Simple lang, bobo sila! Walang alam at mga mang-mang!" Sigaw nya at kumulo naman ang dugo ko. Naramdaman ko rin ang inis ni Luca dahil pilit nyang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa wrist nya

"Sino ka ba sa tingin mo?" Seryoso kong sabi sakanya habang naka igting ang bagang. Hindi ko alam kung bakit pero nag init lang talaga ang ulo ko. "Kung bobo sila ano ka naman? Hmm basagulero at tambay? Naturingang anak ng Dean pero kung umasta parang tambay sa kanto" akmang susuntukin na nya ako pero nahawakan ko ang kamao nya

"Wag na wag mo akong gagalitin Louis dahil hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko sayo" ani ko at ngumisi naman sya "Bakit mo ba pinoprotektahan ang Giovanni nayan huh? May gusto kaba sakanya Chen?" Nakangising ani nya kaya ngumisi rin ako ng nakakaloko

Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon