C H A P T E R 1

5.3K 105 22
                                    

KHASHTON DRIVAS
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈
  
Intelligence..... is something I never had, in fact me and my friends are just ordinary high school students. We live our high school life the way we wanted.

Meaning— no rules, cutting classes, absents, low grades.

In short, we dont care.

But everything change when we were transferred to a prestigious school named.......

Leopardess Academy... 

Home of the Intelligents.

———
It all started when........

"Tabi! Woooh!" Nag si-tabihan ang mga istudyante ng marinig ang malakas na sigaw ko mula sa malayo.

"Tsk..Tsk..Tsk.."  Rinig kong bulong ng karamihan  sa kadahilanang parating nanaman ang pinaka walang silbing istudyante sa buong Aristotle Private School.

Yun ang sabi niya

"Bilisan nyo! Ayan na si Ms. Tabachoy!" Sigaw ko para inisin ang guro naming si Ms. Mendez na nakilala nilang lahat na Ms. Tabachoy. Ako si Khashton Drivas, ang pasimuno ng lahat ng kaguluhan sa buong school. Kilala ako sa aking pagiging bully, walang modo, hambog at walang laman ang utak. Oo, aminado ako dun.

Pero sa kabila ng aking kawalan ng kaalaman ay ma-pera naman ako. Matunog ang pangalang Drivas sa larangan ng negosyo kaya wala akong pakialam sa sasabihin ng iba... ang importante PERA.

"HA HA HA Come here Ms. Tabachoy na apat ang mata!" At yan, iyan ang bestfriend kong si Luca Giovanni, kilala bilang heartthrob ng campus ngunit sa kabila ng perpekto nyang mukha ay mala demonyo nyang ugali. Mata-pobre, walang pake, mapang-husga at gaya ko, hayok sa pera. Sa larangan ng sining ay tanyag ang pamilya ni Luca ngunit nakakapag taka lang ay hindi nya namana ang talento ng mga magulang at ninuno nya.

"BUMALIK KAYONG DALAWA DITO!" Malakas na sigaw ni Ms. Mendez na ngayon ay kilalang Ms. Tabachoy dahil narin sa kalokohan ng mga istudyante nya. Pinag-tritripan sya ng kanyang mga istudyante dahil sa itsura nya. Morena at mataba si Ms. Mendez kaya sya tinatawag na Ms. Tabachoy at idagdag mo pa yang salamin nyang sing kapal ng  plywood.

Hindi kami nakinig at nag patuloy sa pag takbo hanggang sa marating nila ang mismong gate ng iskwelahan. "Sir bawal po kayong lumabas" harang ng security guard samin kaya napa ngisi naman  ako
"Oh eto! Sampong libo para makalabas kami dito!" Malakas na sigaw ko kaya napa lunok naman ang security guard at halatang takot.

"Tanggapin nyo na tutal hampaslupa kanaman" ani naman ni Luca at hinampas ang pera sa mukha ng security kaya napilitan itong pag buksan sila.

"Tol bilisan mo, mahuhuli nanaman tayo ng tabachoy nayu—oi! Si Tristan yun diba" sabi ko ng mapansing nag lalakad si Tristan. Opposite to me and Luca,  Tristan is much more nicer. Ang problema lang ay hindi sya madaling lapitan, its like there are walls built-in around him. Hindi rin sya friendly at mas lalong hindi sya approachable. Sa kawalan ng paki-alam ay hindi nya na pinapansin ang nasa paligid nya. Maski oras hindi nya pansin kaya palagi syang late

"Good morning Tristan!" Naka ngiting bati namin ngunit blangko lang ito kung tumingin

"Oh nakatakas agad kayo?" sarkastikong sabi nya "kami pa! at ikaw naman ay ganoon parin, late parin HAHAHA" at nag tawanan kami maliban kay Tristan, nanatilo lang syang walang emosyon "wala namang pinag-bago"

Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon