C H A P T E R 3

1.3K 68 4
                                    



KHASHTON DRIVAS
◈ ━━━━━━━ ⸙ ━━━━━━━ ◈

Dumaan ang mga araw at wala naman akong masyadong ginawa sa bahay. Hindi rin nag paramdam ang apat at ngayon ang ang araw na mag tra-transfer na kami sa Leopardess Academy.

Halo-halo ang emosyon ko ngayon. Masaya, malungkot at kinakabahan. Wala naman talagang dahilan para kabahan ako pero ewan ko ba. Kusa kong nararamdaman eh.

Napa hinto ako sa pag iisip ng tumunog ang cellphone ko

-Luca Calling-

"Hello" bati ko

"Tol nandito na ako, asan na kayo?" Lumuwa naman ang mata ko ng marinig ang mga sinabi nya. Bat parang ang aga naman ata

"Bat ang aga mo!?"

"Tsk ikaw banaman itulak ng parent's mo palabas dahil sa sobrang excitement tsk!" At kwinento ni Luca ang nangyari sakanya

Napa tawa naman ako sa kwento ni Luca lalo na sa part na pinalabas sya sa bahay para maaga syang mag punta

"HAHAHA, sige I'll be right there" ani ko ay binaba ang phone

Kinuha ko ang bag ko pati susi at syempre ang transfer slip. Kaagad akong bumaba ng maka salubong ko nanaman ang aking magaling na kuya

"Hay, excited kana nyan? Sabagay mai-excite kanaman talaga lalo na at yan ang unang maipagmamalaki mo" sarkastikong sabi nya

Tsk!

Nilag pasan ko lang sya at dumiretso sa kotse because a real man doesn't do cat fights with his brother. Mabilis kong pinaandar ang kotse at kalaunan ay narating ko rin ang sinasabi dito sa Google map

Oo, hindi pa ako nakaka-punta dito. Tsk! Sino ba kasi ang pupuntahan ko and besides hindi sila nagpapa-pasok ng outsiders

"Dreee!" Malakas na sigaw ni Luca "your my savior" bwesit ang oa ng isang to

"Dre ang oa mo! Asan na ba sil-" hindi ko pa natapos ang aking sinasabi ng may umurong na dalawang sasakyan sa harap ko at bumungad sina Tristan, Zex at Zev

"Ang aga nyo ah, bat di nyo sinabi kung kelan kayo pupunta edi sana nag ka sabay tayo!" Ani ni Zex, as isual ang dal-dal nya

"Eh ano naman" sabi ko at pumunta sa harap ng gate, medyo malayo kasi ang parking lot nila. May iilang kotse narin ang nandoon kaya sigurado akong may ibang students narin

Pag dating namin sa mismong gate ay may mga naka puting uniform na students ang nag si-pasukan.

Kung i-dedescribe ko sya parang lumang style ang gate pero maganda tignan, pina palibutan din ng brick walls ang buong school. Pag pumasok kanaman ay makikita mo ang mala-palasyong building. Kung tutuusin para itong plasyo sa mga greek myths pero may pag ka modern.

"Hello!" Napatigil ako sa pag tingin-tingin sa paligid ng may babaeng nag salita. Tinignan ko ang kabuuan nya at napansin kong naka black skirt sya ngunit white top na walang coat

"hello" bati ni Zex sakanya

"Kayo ba yung transferee?" Ani nya kaya tumango lang kami at ngumiti naman sya "oo nga pala, dumiretso kayo sa student council office at i pakita nyo ang transfer slip nyo-" napa tigil naman sya ng may apat na limousine.

Ang mga students naman ay nag bulong-bulongan at mukha pang excited.

Tsk sino nanaman yan!

Mula sa isang limousine lumabas ang isang magandang babae ngunit hindi gaya ng sa iba, she's wearing all black uniforms na may hint of silver. Maganda sya at halatang galing sa mayamang pamilya. Huminto sya sandali at tumingin sa parte namin at ngumiti saka dumiretso papasok sa malaking hall

Leopardess Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon