ADRIANA BRITH MARTINEZ
Nilingon ko ang mga tao sa paligid, baka sakaling makita ko uli si Tristan. Madalang lang namin syang nakakasama dahil lagi din nyang kasama ang babaeng journalists. Sakto naman ang pag tingin ko sa isang sulok ng makita ko syang mag isa.
NabQ sa soda na dala ko saka nakangiting lumapit sakanya. Hindi paman ako nakakalapit ay nawala na agad ang ngiti ko dahil nakita ko yung babae na may dala-dalang soda para sakanilang dalawa. Nakangiti nya itong tinanggap kaya napa yuko naman ako. Isang beses ko lang nakita ang mga ngiti nayon kaya napapaisip ako
"Anong meron sakanya at palaging nakangiti si Tristan tuwing kasama sya"
Napakanta nalang ako ng I wish I was Heather saka nag lakad palayo. May kaunting kirot sa puso ko na ayaw mawala kaya napa upo lang ako sa isang kahoy malapit sa campus habang naka yakap sa tuhod ko.
Parang nangyari na ito nuon. Nung makita kong may kasamang iba ang unang lalaking minahal ko. Deja vu lang?
Para ata akong isinumpa ni lord at hindi ako nagugustuhan ng mga taong gusto ko.
Bumuntong hininga nalang ako saka ininom ang soda. Ilang sandaling pag e-emote ang naganap ng dalhin ako ng aking mga paa sa likod ng school.
Narinig ako ng mga yapak palapit sakin kaya nag tago muna ako. Napalunok ako ng makita kung sino yun. "Be careful Heather" Sabi ni Tristan habang tinutulungan syang umakyat. Sumunod si Tristan sakanya at eto naman ako na nawalan na ng ganang tumakas pero sadyang matigas ang katawan ko at may sariling isip dahil natagpuan ko nalang ang sarili ko na naka tayo sa kabilang parte ng pader.
Tutal andito nanaman ako ay nag lakad ako kung saan saan. Lutang na lutang ang isip ko kakaisip ng mga bagay-bagay.
Nang makabalik ako sa realidad ay nakita ko si Tristan na nakatayo sa labas ng isang coffee shop. Naka tingin sya sa libro nya habang patawid. May isang humaharurot na kotse sa dinadaanan at kaunti nalang ay ma bubundol na sya. Mahina akong napamura saka dali daling lumapit para hilahin sya.
Noong una ay nag tataka pa sya habang tinitignan ako at nakita ko naman na naka earpods pala sya kaya hindi nya marinig. Kinuha ko yun saka tinuro ang kotse na ngayon ay pumreno at tinignan kami ng driver ng masama "Sa susunod mag ingat kayo! Hindi lang kayo ang tao dito sa kalye na ito!"
"Pasensya na kuya" Umalis ito kaya nabaling ang tingin ko sakanya na napakamot pa sa batok nya "Sa susunod wag kang tatanga-tanga" Malamig na sabi ko sakanya saka tinalikuran sya. Wala syang sinabi at nakatingin lang sakin.
Hindi ko inexpect na masasabi ko yun sa pag mumukha nya pero parang kinain narin ako ng pag aalala kaya ko nasabi yun.
Sino ba kasing tanga ang tatawid na parang nasa buwan? Simple lang ang sagot, T.R.I.S.T.A.N
Tsk hindi siguro sya inaalagaan ng babaeng yun, kung ako sakanya ako nalang, hindi pa sya mapapahamak "Putangina!" Biglang sigaw ko kaya napatingin ang mga tao na dumadaan sakin. Narinig ko ang pagtawa ng kung sino sa likod ko kaya tinignan ko at napa hiya akong yumuko ng makita ko si Tristan na tumatawa. I gathered all my senses and looked at him coldly.
"What are you doing here" Nakita ko ang pag kunot ng noo nya pero agad din naman itong nawala at naging seryoso "I haven't seen you for weeks"
BINABASA MO ANG
Leopardess Academy
Teen FictionLeopardess Academy is a prestigious school where you can find the smartest and richest students. Here Intelligence is power and IQ is important. But in every aspect there's always one person or should i say five who is much more superior than the ot...