Xavier Ybarra Zamorra
12:01 PM
Love, may tanong ako.
Seen. 12:03 pm
Xavier Ybarra: Ano yun?
Kapag nagkamali ba tayo, patatawarin natin ang isa't-isa?
Xavier Ybarra: Oo naman.
Hindi tayo magda-dalawang isip na patawarin yung nagkamali?
Paano kung may nagawa akong makakasakit sayo?
Xavier Ybarra: Oo, patatawarin pa rin kita. Kahit masakit. Kahit sobrang sakit.
Ibig sabihin kahit ikaw yung nagkamali ganun pa din gagawin ko?? Patatawarin kita kasi patatawarin mo ko kung ako nagkamali eh.
Xavier Ybarra: Kung ako yung nagkamali sayo, sasabihin ko agad sayo.
Xavier Ybarra: Kahit alam kong masasaktan kita, hindi ko itatago sayo. Sasabihin ko sayo kasi deserve mong malaman yung totoo.
Xavier Ybarra: Kahit pagsisimulan yun ng hindi natin pagkakaintindihan, dapat sabihin pa rin natin sa isa't-isa. Dahil kapag tinago natin, naglolokohan na lang tayo. Kapag di natin sasabihin ang totoo, para na rin tayong walang tiwala sa isa't-isa.
Pipiliin mo pa rin pagkatiwalaan ako kahit nagkasala ako sayo?
Xavier Ybarra: Oo, Maria Abi Gail. Pipiliin ko pa ring pagkatiwalaan ka kasi mahal kita. Kilala kita at alam kong hindi ka gagawa ng kahit anong makakasakit sa akin. At ganun din ako sayo, love.
Paano kung dumating yung araw na mag-aaway tayo tas mauungkat yung pagkakamali na ginawa natin?
Magsusumbatan tayo pag nangyari yun.
Xavier Ybarra: Kaya nga, love.
Xavier Ybarra: Kaya nga dapat natin sabihin ang totoo sa isa't-isa. Para hindi mawala yung tiwala natin. Para hindi tayo makagawa ng mas malalim na sugat dahil sa pagkakamali natin.
Xavier Ybarra: Hangga't maaari, kung magkaka-tampuhan tayo, pag-uusapan natin agad para hindi dumating sa punto na kailangan nating mag-away at magsumbatan.
Xavier Ybarra: Mas masakit ang binibitawang salita kaysa sa pamimisikal. Ang sakit sa katawan, pwedeng gamutin. Ang sakit sa mga salitang mabibitawan, walang gamot na kayang magpagaling.
Love, kapag nagkamali ba tayo masasabi mong tayo pa rin hanggang dulo?
Xavier Ybarra: Bakit mo ba sinasabi yan, Abbi?
Xavier Ybarra: May nagawa ka ba sakin?
Seen. 12:15 pm