Bianca Hernandez
09:44 PM
Bianca: Xavi
Bianca: We've heard what happened.
Bianca: Sorry
Bianca: Maybe it's for the best.
Seen. 09:45 pm
Ano ang best, Bianca?
Ang hiwalayan niya ko ng walang rason?
Seven years, Bianca. Itatapon niya yung pitong taon para lang saan?
Alam mo kung ano mas masakit? Yung wala siyang maibigay na rason sa akin kung bakit kailangan naming maghiwalay.
Ni walang paliwanag. Basta ganun na lang.
Ayaw na niya. Ayaw niya pag-usapan. Tapusin na.
Hindi naman ako papayag sa ganun, Bianca.
It took me seven years to make this day perfect. Simula umpisa, si Abbi na ang gusto kong makasama habang buhay.
Akala ko pag dumating ang araw na to, magiging kami ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero isang salita lang sinabi ni Abbi.
No.
One word and my world shattered. Isang salita pero feeling ko tinarak ng kutsilyo ang dibdib ko. Hindi ako makahinga, namanhid ako, nagdilim ang paningin ko.
Bianca, isang salita lang yung sinabi ni Abbi sakin pero parang hindi ko na kayang mabuhay.
Bianca: Xavi okay lang yan
Bianca: Nandito ako Xavi
Bianca: I'll help you move on from Abbi.
Bianca: I'll make you happy.
Bianca: I'll assure you that you can forget Abbi soon.
Thank you Bianca
Thank you for trying to help me.
Thank you for trying to make me feel better.
Pero sorry, I won't use you... or any girls for this matter.
Aayusin ko to. Mag-uusap kami ni Abbi. We will work this out.
Someday, we will still marry each other. Maybe not now, pero naniniwala ako.
Naniniwala akong darating ang araw na magiging okay ang lahat. Na maaayos namin ni Abbi lahat ng to. Na ikakasal kami, magsasama habang buhay, sa lungkot at saya parating magkasama.
Bubuuin ko pa rin ang pamilyang pinangarap naming dalawa.
Bianca: Pag-isipan mong mabuti yung offer ko Xavi
Bianca: I'll wait for you to recover
Bianca: Maghihintay ako sayo.
Bianca: Promise, I can make you forget Abbi.
Thank you, Bianca.
Pero hindi ko kailangan kalimutan si Abbi. Hindi ko gustong mag-move on at kalimutan si Abbi.
I see no other woman I can spend the rest of my life with.
Si Abbi lang. Mula noon hanggang ngayon, si Abbi lang ang gusto kong makasama habang buhay.
I don't mean to offend you, Bianca.
Mahal na mahal ko si Abbi.
Seen. 10:26 pm
~~~
Matthew Mendoza
10:27 PM
Matthew
Where the fuck are you?
My plan failed!
I can't get hold of Xavi.
Do something. Ilayo mo na si Abbi sa kanya.
Seen. 10:28 pm
Matthew: I'm with Abbi.
Matthew: No, I won't need you and your plan anymore.
Matthew: Kaya ko na makuha si Abbi ngayon ng walang tulong mo.
Matthew: I'll make her happy.
Matthew: She doesn't deserve that fucking Zamorra.
Matthew: And she doesn't deserve you, bitch.
Matthew: Wala kang kwentang kaibigan.
Seen. 10:30 pm