Maria Abi Gail Santos
05:12 PM
Maria Abi Gail: Love
Maria Abi Gail: May pasok ka po?
Seen. 05:43
Yes, love.
Katapos lang ng class ko.
Maria Abi Gail: Ah, okay.
Maria Abi Gail: Masusundo mo ba ko?
Sorry love
Hindi siguro
May klase pa ko na 6 pm.
Kain lang ako mabilis, tas papasok ako sa class ko.
Hanggang 8 pa siguro yun.
Maria Abi Gail: Sige okay lang
Maria Abi Gail: Ingat ka pag-uwi love
Ikaw mag-ingat, ikaw ang pauwi na.
Sorry love hindi kita masundo
Maria Abi Gail: Okay lang love
Maria Abi Gail: Sabay na lang ako kay Bianca, malapit lang naman dito office building niya.
Sige pasabi kay Bianca pasuyo na lang
Every Thursday to love
Okay lang ba?
Maria Abi Gail: Oo naman love
Sorry talaga love
Maria Abi Gail: Okay nga lang love
Maria Abi Gail: Naiintindihan ko naman eh
Wag mo sana isipin na pinapabayaan kita
Maria Abi Gail: Ay ang OA mo
Promise love
2 years lang to!
Wala na extension
Next sem magpapalipat na ko ng mas maagang shift
Pagkatapos araw-araw kitang ihahatid at susunduin
Maria Abi Gail: OO NA! Hahahaha
Maria Abi Gail: Nandito na ko sa building nila Bianca. Hintayin ko lang daw siya bumaba. Mag-out lang daw siya
Okay
Message mo ko pag nandyan na si Bianca.
Seen. 05:53 pm
06:02 PM
Maria Abi Gail: Dito na si Bianca
Maria Abi Gail: Pauwi na kami
Maria Abi Gail: Baka nasa class ka na. Kahit mamaya ka na magreply love
Maria Abi Gail: Aral ka mabuti!
Maria Abi Gail: Love you 💙
Seen. 08:20 pm
08:21 PM
Love, nag-extend yung Prof namin.
May tinanong kasi ako. Nagalit tuloy mga kaklase ko 😂
Maria Abi Gail: Dapat kasi di ka na nagtanong 🤨
Maria Abi Gail: Ano ba tinanong mo?
Paano ba magmahal?
Maria Abi Gail: Boang ka hahahahahahha
Bakit?
Sales kasi usapan.
Kaya tinanong ko paano ba dapat ako magmahal ng product? O di kaya ng service para di siya maging overpricing.
Maria Abi Gail: Alam mo ikaw
Love mo naman ako di ba?
Maria Abi Gail: Yes love
I love you.
Maria Abi Gail: I love you too 💙
Tulog lang ako love ha?
Sobrang pagod eh.
Maria Abi Gail: Sige lang love
Seen. 09:35 pm