XTYN'S PETS
08:47 AM
Hi! Sorry nga pala hindi ako nagsabi sa inyo na magpapakasal na kami ni Abbi. It was sudden, I know. Pero sana maintindihan niyo ko.
Nagising na lang ako ng araw na yun na gusto ko na siyang pakasalan.
Right there and then, I picked her up, went to the nearest church and ask for God's blessing.
Weird, alam ko.
We have no one to witness our wedding, just us.
Kahit mga kapatid ko walang alam.
It's like putting Kerren's efforts to waste. Hindi yun ang intensyon ko, I'm sorry.
Lastly, we were just blessed. The priest who officiate our very private wedding asked us to have an official wedding. Sinabi ko na we are actually preparing and was planning to wed this year. He said that he is willing to be our officiating priest. May magkakasal na sa amin. Guests na lang ang kulang.
Alam kong napangunahan ko kayong lahat sa desisyon ko at parang binalewala ko kayo sa pagpapakasal ko ng walang pasabi, pero...
@Grayson Chua @Dax Emmanuel Abusado @Arrow Nikolas Daez @Apol Bayani @Hans Sebastian Villavicencio @Ezekiel Del Mundo @Sean Eros Platero
Hans: Bakit may bigote?
Dax: Lodi ka talaga Sebby mwah!
Apol: Yung emote na emote si Xavi tas sasagutin siya ng, "bakit may bigote?" HAHAHAHAHA
Hans: Ah, tanga. Gets ko na! Must ask pala.
Zeke: Bobo! Mustache.
Hans: Bobo ka rin, grammatically correct sentence construction ang sinasabi ko hindi yung nasa picture.
Payag ka nun kasing bobo ka ni Hans? HAHAHAHAHA
Zeke: Di ako papayag maging bobo pre. Salamat na lang sa lahat
Arrow: I'm in.
Gray: Oo naman, groomsman din kita. Dapat lang na groomsman mo rin ako.
Hoy yung iba! Bakit ayaw niyo magreply?
Sean: Hindi na kasi kailangan itanong.
Dax: Oo nga. Para namang ngayon lang may ikakasal sa atin. Naka-tatlo na nga tayo.
Zeke: Sino yung pangatlo?