Special Chapter: All Four One, One For All

75 5 6
                                    

"Andrei, Xandro, Xammie bilisan niyo na mag-ayos dyan. Tayo na lang hinihintay nila dad." Bilang panganay sa apat na lalaki ng mga Zamorra, parte na yata ng pagkatao ni Alex ang utusan at pasunurin ang mga kapatid niya. Mabuti na lang at matitino ang mga kapatid niya. Kahit na nga ba ipinanganak silang apat sa iisang araw, kuya pa rin ang trato ng mga ito sa kanya.

Sa kanilang magkakapatid, si Xammie ang pinakamalapit sa mommy nilang si Abbi. Ito rin ang pinakamalambing sa kanilang apat. Siguro dahil din ito ang bunso sa kanilang apat kaya ito ang na-baby ng husto ng kanilang ina. Samantala, si Andrei naman ang malapit kay Xavi.

"Saan ba tayo pupunta, Kuya?" tanong ni Xandro.

"Mag-out of town daw. Anniversary kasi nila daddy at mommy. Magpupunta yata tayong Batanes."

"Kasama sila Ate Pau?" biglang natigilan si Alex sa sinabi ni Xammie. Sigurado siyang kasama ang mga kinakapatid niya sa out of town nila dahil hindi naman sila nagkakaroon ng sari-sarili nilang lakad.

"Sigurado 'yan. Tuwing may out of town naman tayo kasama lagi sila Ate Pau at sila Ninong. Ganoon din naman kapag sila 'yong may out of town, kasama rin tayong lahat." sabi naman ni Andrei.

"Ah, oo nga. Sandali lang, hintayin niyo ko. May kukunin lang ako." binitawan ni Xammie ang bag niya at natatarantang tumakbo palabas ng kwarto.

"Paalis na tayo, Xammie." pasigaw na sita naman ni Alex sa kapatid.

"Wait! Kukunin ko lang 'yong ibibigay ko kay Ate Pau."

Hindi na nakita ni Alex ang kapatid paglingon niyang muli dito. Mukhang dumeretso na ito palabas matapos magpaalam sa kanila.

Ano kayang ibibigay niya kay Pau? Bakit hindi niya sinabi sa amin?

"Thank you, Xammie." napasimangot si Alex ng marinig ang boses ng mga kinakapatid nilang babae na nagpapasalamat kay Xammie. Ang kaninang inaakala niyang ibibigay nito kay Pau ay ibibigay pala nito sa lahat ng kinakapatid nila. Tuwang-tuwa naman ang mga ito kaya mas lalong hindi makakibo si Alex.

"Ang sweet talaga ni Xammie. Every month ka talaga may regalo sa amin, 'no?" tanong ni Via sa kapatid niya.

"Syempre naman, ate Via. Lagi niyo rin naman ako pinadadalhan ng chocolate kay daddy ni Ate Deville."

"Oo nga, Ate 'Ville! Bakit si Xammie lang lagi may chocolate?" kunwari ay nagtatampong tanong ni Andrei.

"Of course, Xammie. Baby ka kaya namin nila Ate Via." maarteng sagot ni Deville. "Ewan ko sa 'yo, 'Drei! Nagpapaalalay nga lang ako sa 'yo noong isang araw dahil ang dami kong dalang libro pero nilampasan mo lang ako? Hello! Frossard 'tong ini-ignore mo."

"May mas baby pa kaya kay Xammie." natatawang sabi ni Xandro, "hindi naman si Xammie bunso sa atin."

"Si Xammie baby namin kasi siya lagi namin nakakasama." sabi naman ni Bella na hawak ang scarf niyang regalo ni Xammie. "Thank you, Xammie. Kapag may gusto ka sabihin mo lang sa akin, ibibili kita."

"Thank you, Ate Bella!"

"At syempre, hindi magpapatalo si Ate Deville, magsabi ka lang din sa akin akong bahala sa gusto mo."

"Gnyweith!" sita ni Gian sa kapatid. Pormal lang ang mukha nito. Walang karea-reaksyon pero manginginig ka sa takot kapag nakita mo siya. Malakas ang dating. Parang may dark aura na nakapaikot sa kanya lalo na kapag tumingin ka sa kasama niya. Si Via. "Mapapagalitan ka ni Ninong Xavi kapag ibinili mo si Xammie ng kung ano-ano na naman. Pati si Xammie dinadamay mo sa kalokohan mo."

Ano kayang mayroon kay Kuya Gian at Ate Via? napatanong si Alex sa isip niya. Ang alam kasi nila, magka-edad sina Via at Deville. Ang pinagtatakhan lang nilang magkakapatid ay parang mas mahigpit si Gian kay Via kumpara kay Deville. Hindi naman ito ganoon sa iba nilang kinakapatid.

"Epal ka na naman, Kuya. Itali mo nga 'yang pet mo, Via. Kulang na naman sa atensyon!"

"X1, anak?" napatingin silang lahat sa tumawag na si Abbi. Simula pagkabata ay ganoon na ang tawag nito sa kanilang magkakapatid. X1 kay Alex, X2 kay Andrei, X3 si Xandro at X4 naman kay Xammie. Hindi naman nalilito sa kanila ang ina. Mas gusto lang nitong tawagin sila ng may bilang. "Halika muna dito. Pakitulungan mo kami ng Ninang mo dito."

"Ako na lang, Kuya." pigil ni Xandro sa kapatid na nagbabasa bago mabilis na tumayo palapit sa mommy nila. "Ma, ako na lang. May binabasa si Kuya."

"Lex, bakit hindi ka lumapit kay Ninang Abbi?" napalingon si Alex sa katabing si Pauline, ang anak ng Ninong Apol at Ninang Gabby niya. "Kanina pa ko nandito sa tabi mo pero hindi ka naman nagsasalita."

"I'm okay." mahinang sagot nito sa dalaga.

"Ano bang problema? Kanina ka pa hindi umiimik dyan. Galit ka ba sa akin?"

"Why would I? Did you do something wrong?"

"Xarrich Alexander, 'wag mo kong inisin. Katabi ko lang si Kuya Gian. Isang sumbong ko lang, mapapagalitan ka nila Ninang." kitang-kita ni Alex ang pagtiim ng bagang ni Pau. Mukhang napipikon na nga ito sa pananahimik niya.

"As you please, Czarina."

"Kuya Gian," nagtinginan sa gawi nila ang mga ito. Imbes na masindak ay patuloy lamang si Alex sa binabasa niya. Wala naman siyang naiintindihan. Nagkukunwari lamang siyang may pinagkakaabalahan para walang kumausap sa kanya. "Pwede mo ba kong samahan doon kanila daddy?"

"Sure, let's go." binitawan ni Gian ang kamay ni Via.

Wait, hawak ni Kuya Gian 'yong kamay ni Ate Via? Anong—

"Alex?" pumitik si Gian sa harap niya. Wala sa sariling nag-angat siya ng tingin dito. "Are you okay?"

"Medyo masakit lang ulo ko, Kuya."

"Ihihingi kita ng paracetamol kay dad. Matulog ka na lang sa biyahe mamaya. Baka mas mahilo ka kapag hindi mo itutulog 'yan." tumango na lang siya rito at tumingin kay Pauline bago yumuko ulit sa binabasa niya.

Halos kaaalis lang ng mga ito ng tumabi ng upo si Xammie sa kapatid. "Nagseselos ka, Kuya."

"What?" tumaas ang kilay niya.

"Ate Pau and I are just friends."

"Shut up, Xammie!"

"Magka-holding hands sila ni Kuya Gian, hindi ka naman nagrereklamo dyan. Kapag nagbigay ako ng regalo, kahit lahat naman binigyan ko, nagagalit ka sa akin? You're being irrational, Kuya."

"Masakit ulo ko, Xammie. Sila Andrei na lang ang guluhin mo."

"Don't worry, Kuya. I won't hold grudges. Hindi naman kami gumagawa ng masama ni Ate Pau." gusto nang sapakin ni Alex ang kapatid. Naiinis siya sa mapanuksong tingin nito sa kanya. Ganoon ba siya ka-obvious? "Seloso ka pala."

"Xammie, isa."

"Correction, I'm fourth. Ikaw kaya ang una." pinatunog niya ang daliri. Aamba na sana siya ng suntok dito ng maramdaman niya ang paghawak ni Gian aa balikat niya.

"Take this." sabay abot ng bote ng mineral water. "Itigil mo muna 'yang binabasa mo. I-pahinga mo muna ang mata mo. Pagdating sa Batanes, tsaka mo na lang basahin 'yan ulit."

Ngingiti-ngiti si Xammie sa kanya. Hindi ito nasindak sa sama ng tingin niya dito. Mas lalo tuloy siyang naiinis sa kapatid ngayon.

"Hindi mo ba narinig si Kuya Gian? Rest! Inumin mo na 'yang gamot. Bilis!" inagaw ni Pau ang bote ng tubig na hawak niya at binuksan 'yon para sa kanya. "'Wag mo kong inisin, Alex. Inom!"

Humanda ka mamaya sa akin, Xammie.

Fixed By XaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon