Maria Abi Gail Santos
30 seconds ago • 🔒 Only Me#STORYTELLING #peronakaONLYME #LastNaToAnak #MovingOnNaSiMommy #NoMoreXavi2016
I was invited by my ex's brothers to celebrate New Year with their family as a part of our yearly tradition.
Ilang buwan pa lang naman kaming hiwalay ni Xavi. Wala rin naman kaming new partners parehas. Siguro mahirap din humanap ng iba kasi hindi mapapantayan yung pitong taon naming pinagsamahan. Isa pa, hindi sa nagpaplano akong humanap ng iba, kawawala lang din ni Uno. Nawala sa amin ang panganay naming si Uno.
Entering the Zamorra's home, funny though, I feel at home. I still feel at home. Whenever I am in their house, I never felt like I was not welcomed. One thing that caught my attention was the new set of melawares on the dining table. The rugs, the curtains and mantles. Hindi ako nakatiis, tinanong ko si Manang, "anong nangyari sa bahay?". Sagot niya, si Christine kasi, yung gerlpren ni Xavi.
Wait? Girlfriend? Bakit ako in-invite ng mga Zamorra kung may girlfriend si Xavi? Gusto ko na umalis, medyo napahiya ako doon, pero bumalik si Manang. "ay ay abbi sorry ikaw nga pala yan wag ka maingay ha? may nagpupunta kasi babae dito, lagi kami inaaway at inuutusan kasi katulong lang naman daw kami nila Xavi. kaya sabi nung mga bata, kapag may nagtanong na patungkol sa babae sa bahay, lagi naming sasabihin si Tyn Tyn ang bagong gerlpren."
Ah, oo nga. Yung hindi naman fiancée. Hindi ko na nilinaw kay Manang ang lahat dahil dumating na ang mga Zamorra... pero yung gusto ko makita, wala pa rin.
Malapit na mag-alas dose, nakisuyo si Kuya Xy sa akin na puntahan ko si Xavi sa kwarto. Natigilan ako. KUYA BAKET? Pero natawa lang siya. Sige. Akala mo ba kuya Xy takot ako? Sabi ni Kuya Xy, groggy daw si Xavi dahil side effect yun sa antibiotic ni Xavi habang nagte-therapy dahil may allergies. Abbi, gusto mo lang siya makita, wag mo na intindihin yung mga di mo maintindihan.
Malapit na ko sa kwarto ni Xavi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan akong hindi ko maintindihan. Ano bang meron? Xavi, anong tinatago mo sa akin?
Si Bianca. Yung best friend ko. Hinahalikan yung boyfriend ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Naririnig ko ang pag-ungol ni Bianca. Nakikita ko ang paggalaw ng balakang niya. Hindi ko makalimutan ang pagyugyog niya sa ibabaw ni Xavi. Ang mga hampas ng buhok niya sa likuran niya habang nakatalikod siya sa akin.
"Xavi magaling na ba ko? Pwede ko na bang palitan si Abbi sa buhay mo?" TANGINA MO BIANCA. Pinagkatiwalaan kita. Naniwala akong concern ka sa akin pero sa nakita ko, ikaw ang dahilan ng paghihiwalay namin.
Namanhid ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung paano kong nakaalis sa bahay ng mga Zamorra. Hindi ko alam kung nakausap ko sila Yael bago ko umalis. Ang alam ko lang, nasasaktan ako. Sobrang nasasaktan ako.
Love, ayaw ko na. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sayo. Tama na siguro ang pitong taon para sa kwento nating dalawa. Masakit sa akin to. Sobrang sakit.
Nasaktan ako ng maghiwalay tayo. Mas nasaktan ako ng namatay si Uno. Pero mas masakit yata itong huli. Ikaw at ang best friend ko, naghahalikan sa kama habang nanonood ako.
Sana sapat ng kabayaran ang sakit na nararamdaman ko sa nagawa ko sayo. Sana sapat na ang pagkawala ng anak ko para mapatawad mo ko. Maraming salamat sa pitong taon, Zamorra.
Magkalimutan na tayo, pinapalaya na rin kita. Hangad ko na maging masaya ka. Sana di na kita makita kahit kailan. Salamat kay Uno. Salamat sa anak ko.