Fix Me Series: 4/9 😭
Natapos ka rin, Xavi'by. TANGINA MO KA!
Sobrang natagalan ako kay Xavi. Grabe gusto ko talagang iyakan 'to kasi nababagalan ako sa sarili ko. Ganon pala 'yon. Sobrang bilis ko kasi natapos nung tatlo kaya frustrate na frustrate ako kasi hindi ko siya matapos agad. Sa totoo lang, pinaka-late ko na due date sa FBX, first week ng January. Pota! Now on its third week. 😃
Hindi sa sinisisi ko 'to kay Ate Abby pero siya talaga may kasalanan bakit natagalan ako dito. Charaught wan point payb! 🤣 Sa lahat ng pokies, kay Xavi lang ako hindi nakaramdam ng support. Charot ulit! HAHAHAHA. May support naman... ayaw lang talaga ni Abby kasi nga X. Sino ka ba kasi X, ano ginawa mo kay Marie Abigail?☺️☺️☺️
Pero ang totoo talaga, si ate Abby nag-suggest ng lock. AHAHAHAHA! Ang pinag-uusapan talaga namin PO ng nendo tsaka Bridgerton tapos anak naman talaga ng pusang gala, gusto niya daw ng lock and roll mala-John Lloyd at Shaina. Tapos sinakyan ko trip niya sabi ko magpapadala siya sa ospital tapos ang sagot ba naman sa akin “SINO BA DOCTOR SI NESSY O SI AWWOW AHAHAHAHAH” 😂😂😂 potacca kapag naaalala ko talaga usapan natin natatawa ko. Sana aus ka lang, ma.
Tapos isa pa 'to si Nessie... (naririnig ko boses niya sinasabi “bastos talaga 'tong batang 'to” kasi hindi ko na naman siya ginagalang. AHAHAHAHA) gusto rin ng lock and roll. Punyemas talaga! Alam niyo ba feeling ko kaya hindi ko tinuloy pagsusulat noon kasi ayaw ko ng narration tapos 'tong mga pokienginang 'to puro narration ang nais. Que horror! Challenging talaga maging parte ng pagkakaibigang 'to. Ang hirap ng walang ambag.
Kaya... nais kong humingi ng paumanhin sa aking meannakhalifa, dahil sa iyo ko ipinangako 'yong mga BS na 'to pero hindi sa 'yo napunta. But!!! Ngunit, subalit, datapwat - may maganda siyang naidulot kasi intact ang iyong puri. ehe! 🥰🥰🥰 Lumabas talaga kung sino ang may-ari ng trono sa atin kasi sa kanila napunta. Oo, Marie Abigail at Nessie — WALANG INOSENTE SA PAGKATAO NIYO.
Resibo. For reference 💙💙💙 HAHAHAHAHAHA! Pota kasi baka sabihin mo gumagawa akong kwento. ehe labyu 😘😘😘
Thank you, Ate Abby! Simula noon, kahit hindi natin sineryoso 'yong pustahan nating tatapos ng MS, hanggang ngayon ramdam na ramdam ko 'yong suporta mo. Kinikilig talaga ako every time na sinasabi mo sa amin na proud ka sa naa-achieve namin. Wish ko lang, sana totoo na 'yong Buying Ban. Hayerp! Parang tuwing may ilalabas na nendo GSC, naka-PM ka agad eh. Tamang tipid muna tayo. May self-pub pa. AHAHAHAHAHA!
May special chapters pa 'to!!! HAHAHAHA. Sa susunod na book ko ipo-post, sa Fix Me, Apolinario Bayani. HAHAHAHAHAHA! Yes MM, you're next. 🤪🤪🤪
Ay, wait~! 'Yong achiever, sobrang talino, mabait, masipag at mapagmahal na jowa traits ni Xavi ay totoong tao ulit. HAHA! Minus the "almost-incest" part which is Xavi's only flaw for me. Xavi's inspo is my cousin. Habang iniisipan ko ng character si Xavi, naisip ko 'yong pinsan ko, kaya mag-pinsan si Xavi at Tyn. 🙃 Hindi dahil pinsan ko siya, pero sobrang bait at sobrang pogi talaga ni Kuya. 100 ang grade niya sa Values. (Giving away this info is like announcing who you are, Kuya, I know.) Pero legit po yan. 100 grade niya sa card talaga at crush siya ng bayan. HAHAHAHA! Anyways, sobrang nasira ang ka-inosentahan ko sa mga narration ko sa librong 'to. My gawd! Tainted na 'yong image ko. Feeling ko may kasunod pang sisira sa pagkatao ko. ROLD SEND HELP 🥺🥺🥺
Thank you so much for reading my stories! Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya sa nararamdaman kong pagmamahal at suporta. Sana po wag kayo magsawa. Malapit na ko matapos. Konting tiis na lang! 🤭🤭🤭
Shout-out nga po pala sa boyfriend ko! HAHAHAHA. uwu~ Salamat sa pag-check ng narrations ko, teacher. LOL! Alam ko, Love, proud ka sa'kin 😭😭😭 chareng. Gihigugma taka, Buang! Ikaw ang kabuuan ng FM Boys ko. DAYe's kNIGHT ü ehe
XABBIE LANG SAKALAM!
daye 💚