Special Chapter

95 3 3
                                    

2 years later...

"Zamorra!!!"

"Yes, love?" pinahid ko ang dalawang kamay sa shorts ko. Kasalukuyan akong naglalaba ng mga lampin at damit ng mga bata. Ang hirap pala maging househusband. Partida, ngayon lang 'to kasi kakapanganak pa lang ni Abbi sa mga anak namin.

Parang kailan lang, nalulungkot pa si Abbi dahil kung kailan handa na kaming bumuo ng sarili naming pamilya ay tsaka pa kami hindi magkaanak. Alam kong napakahirap noon para sa kanya dahil minsan na kaming nawalan ng anak. Mula ng magkaayos kami ay sinusubukan namin dahil sabi ng mga doctor, baka mahirapan siyang magkaanak ulit dahil mababa ang bahay-bata niya.

Nang magpakasal kami, habang binibisita namin ang panganay naming si Uno, humihiling kami na sana ay tulungan niya kaming makabuo ng magiging kapatid niya. Kasabay ng mga dasal ang regular na pagpapa-konsulta naming mag-asawa para malaman namin kung malusog kami at handa para sa susunod na yugto ng buhay namin. Ang hindi namin alam, iyon pala ang mas lalong magpaparamdam ng sakit sa amin. Ang malaman na malakas ang pangangatawan namin ay isang napakagandang balita, ngunit bakit hindi pa rin kami makabuo? Nasasaktan ako tuwing magigising ako sa gitna ng gabi para hanapin ang asawa kong nagtatago dahil ayaw niyang marinig ko ang mga iyak niya. Alam ko, alam kong nasasaktan siya sa nangyayari at kahit anong gawin ko ay hindi ko maiibsan ang sakit na dulot noon sa kanya.

Matapos ang isang taon mula ng ikasal kami ay sa wakas... nabiyayaan rin kami! Hindi lang isa, hindi lang dalawa. Hindi lang tatlo, kung hindi apat! Apat na gwapong lalaki. Maliban sa pagdadala ng apat na bata ng sabay-sabay sa sinapupunan niya ay naging maselan rin ang pagbubuntis ni Abbi kaya naman mas lalo kaming nahirapan. Awa ng Diyos, naging maayos naman ang pagbubuntis at panganganak niya. Ngayon, nandito na kami sa bahay namin kasama ang apat na anak namin.

Si Xarrich Alexander, ang panganay. Xarrick Alexandrei naman ang sumunod, Xarriel Alexandro at ang bunso ay si Xammiel Alexandrio.

Kung buhay lang sana si Uno, kung buhay lang sana ang panganay namin ay limang nagga-gwapuhan at nagkikisigang lalaki sana ang anak namin.

"Ybarra, bilisan mo. Magba-banyo ako."

"Nandito na ko, love." nakita ko si Abbi na nakasalampak ng upo habang hawak hawak ang dalawang bata. "Ako na dyan. Sige na magbanyo ka muna."

Mabilis na ipinasa niya sa akin ang dalawang bata. Hindi man lang nagsabi kung anong gagawin ko sa mga anak namin. Tinignan ko kung sino ang hawak ko. Pilit kong inaalala ang pangalan ng mga anak ko ng marinig ko na naman ang sigaw ni Abbi. Ngayon, mula na ito sa banyo sa loob rin ng kwarto namin.

"Bakit, love? Anong nangyari sa 'yo?"

"Hindi ako makapag-breastfeed!"

"Ah. May mga bote naman dyan, love. Kunin ko sa kitchen. Nahugasan ko na naman 'yong mga 'yon."

"Ano ba, Zamorra! Ilang araw pa lang nakakalabas mga anak mo, gusto mo na agad sanayin sa bote. Kailangan ko silang i-breastfeed." nakasimangot nitong sabi sa akin bago inabot ang isang bata. "X1, pagsabihan mo nga 'yang tatay mo. Sayang ang talino. Hindi ginagamit ang utak."

"Love naman. Teka, anong X1?"

"Rich." nagtatanong ang mga mata kong naghihintay ng susunod niyang paliwanag. "Xarrich Alexander, X1. Ano ba 'yan, Xavi? Naglaba ka lang, nawala na utak mo? Pinangkusot mo ba?"

"Bakit kasi X1?" tanong ko sa kanya. "Tsaka paano mo nalaman na si Alexander 'yan?"

"Rich nga kasi! Xarrich. Rich ang pangalan niya." masungit na sagot nito. "Tignan mo si X1, may nunal siya sa ilalim ng kaliwang kilay. Kaya siya X1 kasi siya 'yong unang lumabas. Siya ang panganay."

Fixed By XaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon