21

143 10 3
                                    

ZAMORRA BRODS

03:34 PM

Yael: Kuya Xavi ano na?

Yael: Bakit mo pinatatawagan si Tyn?

Magpapatulong ako kay Xtyn.

Sabihin mo sa bahay na siya matulog mamaya. May aayusin kamo kami.

Xyrus: Xavi, kinausap daw ni Abbi si Mama. Anong meron?

Ha? Ewan ko.

Ano ba tinanong kay Mama?

Xyrus: Tungkol kay Tyn daw

Yael: Ano meron kay Tyn Tyn?

Tinanong ni Abbi kung kilala ko si Tyn. Sinagot ko siya na crush ko si Tyn.

Xyrus: Gago hahahahaha

Yael: Lagot ka kay Tyn Tyn kapag nalaman yan

Syempre wag mo sabihin

Gusto mo gilitan ako ng leeg nun?

Xyrus: Ano sabi ni Abbi?

Saan?

Xyrus: nung sinabi mong crush mo si Tyn

Wala naman

Tinanong niya ko bakit kailangan ko magkacrush sa iba kung gf ko na siya

Yael: Kawawa na naman si Tyn sayo

Yael: Kita mong nasugod na Yun ng fangirls mo noon eh

Xyrus: Kawawa rin si Abbi, kinukwestyon pa ngayon ang relasyon nila dahil sa gagong kapatid mo Yael.

Yael: Kapatid mo yan kuya

Yael: Di ko kapatid yan masyadong pogi

Mga gago kayo

Mas itinatakwil ko kayong dalawa.

Mga animal!

Yael: HAHAHAHAHAHA

Xyrus: Hahahahaha

Yael: Bakit kasi di mo na lang sabihin kay Abbi yung totoo?

Xyrus: Hindi naman kasi kailangan itago si Tyn

Hindi ko naman tinatago si Tyn.

Ayaw ko lang ma-misinterpret kami ni Abbi.

Yael: Pero sa ginagawa mo, mas lalo kang paghihinalaan ni ate Abbi.

Para kayong tanga

Kita niyong wala si Tyn dito, paano ko masasabi kay Abbi yung sa amin ni Tyn?

Tsaka kapag nalaman ni Tyn yung tungkol sa nararamdaman ni Abbi, magagalit na naman yun. Sasabihin nun ginamit ko na naman siya.

Xyrus: Hindi ba?

Hindi no, kuya.

Wala namang meron sa amin ni Tyn.

Tsaka nitong kailan lang siya bumalik, di ko rin alam kung bakit siya nabanggit ni Abbi.

Yael: Ayusin mo yan kuya

Yael: Tandaan mo dalawa aaway sayo.

Xyrus: Kung sa bahay mag-stay si Tyn, sabihin mo rin kay Abbi para di ka na pag-isipan ng masama.

Xyrus: In the first place, matagal na kayo ni Abbi. Dapat umpisa pa lang sinabi mo na yung tungkol kay Tyn Tyn.

Yael: Para kasing abnormal, laging iniipit si Tyn. Kaya kayo nag-aaway eh.

Ang sarap kasi asarin madaling mapikon.

Xyrus: Masarap din maging single, gusto mong maranasan ulit?

Yael: HAHAHAHAHAHAHAHA

Tangina niyo

Mga walang kwentang kapatid!

Kaya nga kay Tyn ako hihingi ng tulong kasi bwisit kayong dalawa.

Wala kayong ambag. Walang maiaambag at walang ambag sa lipunan. Puro kasalutan ang alam niyo.

Yael: Bakit ka galit?

Yael: Kung magalit ka, akala magpo-propose ka na kay ate Abbi ah.

Seen by everyone

Yael: Tangina kuya magpo-propose ka na nga kay ate Abbi?

Seen by everyone

Xyrus: Wag mo na asarin

Yael: Kuya tumawag si Tyn Tyn, magpapatulong daw si Xavi para sa proposal niya.

Xyrus: Alam na nga natin di ba?

Xyrus: Tigilan mo na si Xavi at ayusin mo na yung kwarto ni Tyn para pagdating niya mamaya.

Yael: Uy uunahan pa si kuya Xy.

Xyrus: Gusto mo mawalan ng allowance?

Yael: Tangina naman kuya maglilinis na nga ako ng kwarto ang daldal mo masyado

Seen by everyone except Xavier Ybarra Zamorra

Fixed By XaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon