ZAMORRA BRODS
03:59 PM
Yael: Kuya, di ba nag-propose ka na kay Ate Abbi last year?
Oo, bakit?
Yael: Last year pa yun bakit di pa kayo nagpapakasal?
Xyrus: Wala kang pakialam sa kanila Ximone Yael.
Yael: Wag ka nga dito kuya di mo naman kasal ang pinag-uusapan dito
Xyrus: Aba ang bastos nito
HAHAHAHAHAHA
Ayaw pa ni Abbi eh.
Yael: Pero engaged naman kayo?
Hindi ako sigurado.
Xyrus: Ano?
Yael: La, bakit di sigurado?
Nung nag-propose ako kinuha niya lang singsing pero di daw muna siya sasagot.
Yael: Tanga mo naman kuya! 2020 na wala ka pa ring utak.
Tangina ka ha?
Kuya Xy, pagsabihan mo nga yang kapatid mo. Ang baho ng bunganga.
Xyrus: HAHAHAHAHAHA
Yael: Tanga mo kasi bakit di ka magtanong?
Sa hindi namin mapag-usapan eh.
Pakialam mo ba sa amin? Bakit parang mas excited ka pa sa amin?
Yael: Kuya magtu-twelve years na naming kilala si Ate Abbi.
Yael: Kilala bilang girlfriend, syempre di counted yung pagiging kababata. Pero counted yung nagka hiwalay kayo
Yael: May proposal na pero wala pa ring kasal? Wala ba kayong pampa-kasal?
Yael: Gusto mo utang ka muna kay Kuya
Gago!
Xyrus: Gago!
Xyrus: Kung ipangungutang niya pang-kasal niya, tama lang na di muna siya pakasal.
Yael: Ano naman masama doon?
Xyrus: Kung di kaya, wag pilitin. Basic.
Tama!
Hindi basta basta pagpapakasal.
Aba kung sarili mong kasal wala kang panggastos, paano mo bubuhayin pamilya mo?
Yael: Edi joke nga lang na umutang ka
Xyrus: Nasaan yung singsing?
Suot ni Abbi
Yael: Suot naman pala eh. Matik na yun kuya
Yael: Tanga naman talaga
Kanina ka pa, Yael.
Yael: Teka di talaga yan itatanong ko
Yael: Kung engaged na kayo ni ate Abbi, bakit nabasa ko comment niyo sa post ni Kuya Gray yata, yung sa pagsalo ng bouquet.
O ano naman?
Pati comment namin in-issue mo?
Yael: Para kayong magkagalit kung magsagutan kayo sa comment eh.
Yael: Napapansin ko rin lagi kayo nagpaparinigan sa mga post niyo.
Wala ka nga pake, Yael.
Xyrus: Yael ang tsismoso mo
Yael: Ang weird kasi kuya parang di sila malalandi nung high school at college
Xyrus: Hindi ba pwedeng mag-mature?
Tama!
Gusto mo ba lagi na lang kami naghaharutan?
Yael: Sus di niyo nga naisip yan nung grumaduate kayo ng college. Napakalandi niyo maghalikan sa harap ng maraming tao, with honors pa kayo nun pareho ha?
Hay naku!
Ikaw na bahala dyan sa kapatid mo kuya. Hirap kausap nyan
Xyrus: Kapatid ko ba yan? Akala ko kapatid mo?
Yael: Ge ganyan kayo
Yael: Mga walang kwentang kapatid
Sent
Yael: Ang babastos di na ko sineen
Yael: Kuya pakasal ka na ha? Alak na alak na ko
Sent