58

148 15 1
                                    

Maria Abi Gail Santos

04:02 AM

Antok na, love?

Seen. 04:04 am

Maria Abi Gail: Hindi pa naman

Maria Abi Gail: Di na tayo nakapag usap

Sobrang importante ba?

Maria Abi Gail: Oo

Maria Abi Gail: Naubos na ang naipon kong lakas ng loob

Maria Abi Gail: Hindi ko alam kung paano ko na sasabihin sayo lahat

Basta maging ikaw ka lang. Yung Abbi na kilala ko. Maging normal ka lang love

Wag mo isiping kinakabahan ka o ano.

Isipin mo na lang yung importansya ng sasabihin mo. Doon naman siya nagsimula di ba?

Maria Abi Gail: Xavi, sana kapag nalaman mo na yung totoo, mapatawad mo pa ko.

Love

Maria Abi Gail: Samahan mo ko bukas may pupuntahan tayo

Seen. 04:36 am

~~~

FMHQ

04:37 AM

May pupuntahan daw kami ni Abbi bukas.

Bigla akong kinabahan.

Hans: Yan na yung hinihintay mo

Sabi niya sana mapatawad ko pa rin siya.

Iba pakiramdam ko eh.

Bakit parang natatakot ako?

Gray: Mag-focus ka muna sa ngayon, paps.

Sean: Tama. Mas maganda kung kausapin mo muna si Abbi. Kung ano nangyari nung nagkahiwalay kayo. Malay mo makuha mo na yung sagot sa tanong mo tungkol sa nararamdaman mo.

Arrow: Kaya mo bang magpatawad?

Oo naman.

Mahal na mahal ko si Abbi.

Sigurado na ako sa kanya. Mula noon hanggang ngayon, siya lang, wala ng iba.

Zeke: Kahit may ibang lalaki sa buhay niya?

Anong ibig mong sabihin?

Apol: Sagutin mo na lang.

Bakit kasi ganyan tanong?

Zeke: Baka kasi closure lang ang kailangan ni Abbi. Kailangan niya lang na maka-usap ka para makapag-simula siya ulit.

Apol: Gago talaga to.

Zeke: Expect the worst, para di masyadong masakit.

Oo

Okay na, kahit para sa closure na lang.

Kung ito na ang huling pagkakataon ko para makausap at makasama ang mahal ko, tatanggapin ko.

Hindi ko sasayangin ang pagkakataon para makasama siya. Kahit last na to. Lalasapin ko to para wala akong pagsisihan sa huli.

Gagawin ko lahat ng kaya ko para kahit di kami magkaayos, alam kong nagawa ko lahat para isalba relasyon namin.

Dax: Handa ka na. Good luck, paps! Dito lang kami para sayo.

Seen by everyone except Oliver Morris Quintaña

~~~

Aeiou Xtyn Velasco

04:58 AM

Love, sasabihin na yata ni Abbi kay Xavi yung tungkol kay Uno.

Seen. 04:59 am

Aeiou Xtyn: Thanks, Niko! Sabihan ko si Kuya Xy.

Aeiou Xtyn: Alalayan niyo si Xavi, kami na bahala kay Abbi.

Seen. 05:03 am

Fixed By XaviTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon