PART 3

57 2 0
                                    


SUDDENLY, something in the atmosphere change. Kinabahan siya sa biglang naisip at nanindig ang mga balahibo. Hindi niya alam ngunit iyon ang unang pumasok sa isipan niya. Unang bagay na maaaring gawin nito.

Sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit humigpit lang iyon at pinagdaop ang kanilang mga palad. Hindi pa rin niya tinitingnan ito.

He sighed. "I know ayaw mo pa itong pagusapan. But I don't want this day to end without talking about it."

Ito na nga ba ang sinasabi ko. I should have known better. I shouldn't have come with him.

Nag-isip agad siya ng idadahilan rito para umalis na roon. Sana lang ay may masaky-

"You can't keep running away from it, Lo-bi. We have to talk about this." Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang tumingin na ito sa kanya. "I want to fix this. We can't move forward with this kung hindi natin aayusin ang nakaraan. Dahil alam kong nasa isip mo pa rin ang mga nangyari noon."

No! Ayoko. Ayoko pa!

Sa isang iglap ay nag-uumpisa na niyang habulin ang kanyang hininga. She thinks she's having panic attacks. Memories came all over her. Sa tingin niya ay mangyayari ulit ang mga nangyari. Ayaw pa niyang balikan iyon.

Tila ito man ay nabahala sa nakitang nangyayari sa kanya. Tuluyan na itong humarap sa kanya ay hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Louisa?" He caresses her cheeks. "Louisa?

With her gaze getting fuzzy, she still saw how his brows crease with confusion.

"Lo-Bi, breathe!"

Then the confusion was replaced by a clear realization, serious and resolve expression before she saw it slowly inching carefully until his lips is just a breath to hers.

Sa ginawa nito - na dahan-dahang bumababa ang mukha nito sa kanya at mula sa papapikit na niyang anyo - ay parang nagising na lang siya at naging heightened ang kanyang pakiramdam. Pero hindi naman siya makagalaw at nanlalaki lang ang mga matang nakatingin dito. Hindi makapaniwala sa ginagawa nito.

Until she felt his soft and warm lips on hers.

He is kissing her! Tommy is kissing her!

Kitang-kita niya kung paanong dahan-dahang pumikit ang mga mata nito before his lips starts to move and brushes her lips.

Banayad lang ang ginagawa nito ngunit iba pa rin ang epekto niyon sa kanya.

He kept on kissing her until she felt the need of air. She puts her hand to his chest and push. Letting him know she needed to breathe.

Nang lumayo ito ay nanlalaki pa rin ang mga matang nakatingala siya rito. Habol-habol ang hininga at ramdam ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Totoo bang nangyari iyon?

"I've been dying to do that since you told me you love me."

What?!

Nagdikit ang dalawang kilay niya. Naguluhan siya sa sinabi nito. Totoo ba ang narinig niya? O nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya?

Minsa'y pinangarap niya na mapagsaluhan ang ganoong tagpo kasama ang binata, ngunit lahat ng naging magagandang pangarap niya kasama ito ay nawala mula nang balewalain nito ang damdamin niya at hindi iyon suklian.

"Ay-ayaten ka, Louisa."

Sa sinabi nito ay napatayo na siya at lumayo rito. Hindi siya makapaniwala. Hindi ba at sinabi nito noon na hindi siya mahal? Bakit ngayon ay sinasabi nito ang mga salitang iyon? Niloloko lang ba siya nito? Nanikip ang kanyang dibdib. Mabilis na itinaas niya ang kanang palad at inihimas sa parte ng kanyang puso.

"B-bakit mo ginagawa ito?" Aniya. Nag-uumpisa nang bumalong ang kanyang mga luha. Umaasa ang puso niya ngunit sa isang banda ay hindi siya makapaniwala. Kung mahal siya nito ay bakit hindi nito sinuklian iyon noon? He broke her heart into pieces in just a blink of an eye. Ni hindi nagpakita o nagpaalam man lang bago umalis. Na pinagsawalang bahala lang nito ang pinagsamahan nila. Pero bakit ngayon...



5



==================❤️❤️❤️

Gusto ko pong i-dedicate ang Part na ito sa mga walang sawang sumuporta po simula sa una kong published na story. Sa inyo pong mga nag-Follow, nag-Vote, nag-Comment, at nag-Add po ng stories ko sa kani-kanilang mga Reading List, Maraming Salamat po!!

@sadalaoamara @Sweet09774 @mhaeyang0528 @blanketprecious @DucoRachelle @RunageLavador @joyluna28 @nica_232829 @viorenda @129_HILARIA_ZEGAR @RowenaCabais @Elgea13 @SheilaBarot @crisha_eixsha @riceladiwang @elsie8blu @dave111219 @AnamarieNieva5 @camilleexoI1485 @kearaduco @AnnePulma @cocogemmz33 @JenelynnJennyBarrios @mafebengilrafols @clippyheady @gennamae20 @SharmaineSeguismar @mhaeyang002 @nerill2283

Thank you po!

[continuation on next chapter,
part 1 (^_^) ]

==================❤️❤️❤️

Posted: Christmas day of 2020 7:00 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon