PART 1

67 2 0
                                    


"I KNOW you don't believe me...yet." Mahinang sabi nito. "But please hear me out first."

Kitang-kita niya ang pagsusumamo sa mga mata nito. Pero nag-aalangan pa rin siya kung paniniwalaan ba ito o hindi. Kilala naman niya ito. Mabait at kahit kailan, kahit noong magkasama pa sila, ay hindi siya nito pinagsinungalingan. She trusted him. With all her heart. But what he did years ago, made her forget all the things she liked about him.

She wanted to believe him. She does. And she can't stop it. Hindi na nga niya napigilan at bumalik na ang nararamdaman para rito. Na matagal lang palang naisantabi at naitago. Pero hindi pa rin niya maiwasang maging cautious at mainis
na pagbawalan ang sarili na paniwalaan agad ito.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang itaas nito ang bukas na palad upang anyayahan siyang tanggapin at ipaloob ang kamay doon.

"You will keep on thinking negative and false things if you keep on avoiding this conversation, Louisa. I just want to explain everything to you once and for all. So please. Please, let me."

She let out a heavy sigh. Doon na siya nagpaubaya at inilahad na ang kamay dito. Saka siya muling pinaupo sa tabi nito. At muling higpit na hinawakan ang kanyang kamay.

"I know naguguluhan ka kung bakit sinabi kong mahal kita pero hindi ko sinuklian ang mga sinabi at nararamdaman mo noon."

Napatango lang siya. But still averts her eyes from him. Iniyuko ang ulo sapagkat hindi siya makatingin ng diretso rito.

Pero hindi naman nagtagal iyon dahil itinaas lang din nito ang kanyang mukha upang magtagpo ang kanilang mga paningin. "Don't. Please. Don't turn away from me."

She thinks she's starting to hate those pleading eyes of his.

"Remember the girl I was with after you confessed your feelings to me?"

Tango lang ulit. Paano ba naman niya makakalimutan ang babaeng iyon? Ito ang dahilan kung bakit hindi sila nakapag usap noon ng mabuti at kung bakit hindi na niya muling nakita pa ang binata.

"She was one of the most important persons in my life."

Nahigit niya ang hininga. Nasaktan pa rin siya sa sinabi nito. Though she kept her façade unreadable. At hindi nakaligtas sa kanya ang ginamit nitong salita sa sinabi nito. Was?

Mukhang nabasa naman nito ang iniisip niya.

"Lane died last November 2011." (Author's Note: Last 2012 ko kasi nagawa yung plot. Isipin niyo na lang na last year lang yung 2011 heheheh) Lumungkot ang mga mata nito. "She died because of leukemia. She's been battling that disease for almost eight years until her body cannot take it anymore."

Hindi siya nakapag-salita. Oo, isa ang babae sa kinamuhian niya. Kaya hindi niya napigilang ma-guilty nang malaman ang dinanas nito habang siya naman ay nagagalit dito.

Kung ganoon, ang Lane na iyon ang dahilan kung bakit ito umalis noon? Na mas importante sa kanya?

"Is... is she your...?" Mahinang tinig na sabi niya. Hindi magawang ituloy ang gustong itanong.

Nakita niyang nanlaki ang mga mata nito nang maintindihan ang gusto niyang ipahiwatig.

"No." Mabilis na iling nito. "Lane is my cousin."

Kahit papaano ay napagaan ng sagot nito ang pakiramdam niya.

Pero hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan sa isip niya. Kailangan pa niya ng karagdagang eksplanasyon.

"Then why did you turn me down? Bakit hindi ka nagpaalam noon? Bakit hindi ka man lang nag text o tumawag? Nag e-mail? Sumulat?" Sunod-sunod na tanong niya rito.

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon