Happy Easter everyone! 🐣🐣🐣
Stay safe!
==================❤️❤️❤️"KUYA."
Ang kuya Luke niya ang nadatnan niyang naroon. Nakatayo habang nakapamulsang naghihintay sa kanya.
Marami ang nagbago rito. Halos lumaki na ang katawan na sa tingin niya ay sa kaka-ehersisyo. Nagmukha rin itong mas mature dahil sa stubbles na hinayaan nitong tumubo, na bumagay naman sa itsura nito. At ang clean cut nitong buhok noon ay humaba na at umabot na sa batok at tainga nito. Miss na miss niya ito.
Sinimulan na niyang ihakbang ang mga paa para sana yakapin ito nang biglang matigilan.
Nahihiya siya. Apat na taon din ang lumipas na hindi sila nagkasama. Kakatwang isipin na mula pagkabata ay sobrang lapit nila sa isat-isa. Ngunit ngayon ay nangangapa na siya rito. Ano kaya ang sadya nito? Paano siya nito nahanap? Papayag kaya ito kung yayakapin niya ito?
Ngunit nawala ang mga agam-agam niyang iyon at lalong napaluha nang ito na mismo ang lumapit sa kanya at unang yumakap. Agad naman siyang gumanti rito.
"K-kuya."
Humigpit ang yakap nito sa kanya. "I miss you, Ading."
Napangiti siya sa sinabi nito. She missed him too. She missed him calling her that. Kahit hindi naman sila totoong magkapatid ay tinawag pa rin siya nitong bunso.
Nang humiwalay ito ay mabilis na ginulo nito ang buhok niya gaya ng ginagawa nito rati. Natatawa namang pinunasan niya ang mga luha. Kita rin sa mga mata nito ang pamamasa at kasiyahan na makita siya."You hesitated." Nanunudyong sabi nito. "Nahihiya ka na sa akin?"
Umakyat ata lahat ng dugo sa kanyang mukha. "Kuya naman eh!" Napapadyak na sabi niya.
Humagalpak naman ito ng tawa. Alam nitong nahuli siya nito. Napangiti na rin siya. Kay tagal niyang hindi narinig ang tawang iyon. She's happy that she's hearing it again.
Nang mahimasmasan ay sumeryoso ito. Para bang may naalala. She tilted her head in question.
"We need to talk."
Binuksan niya ang pinto at pinatuloy ito.
"You lived here for four years?" Tanong nito habang inililibot ang mata sa bawat sulok ng apartment niya.
"Uhhmm. It's not much, but it's been my home."
Then he whispered something like, 'He denied you of your wealth'
"Pardon?"
Pero hindi nito sinagot iyon at iginiya siya paupo sa sofa.
"You're not answering my calls."
Natahimik lang siya at napayuko. Hindi magawang sabihin ang dahilan kung bakit hindi niya sinasagot ang mga iyon.
Then she heard him sighed.
"Hindi ko na gustong magpaliguy-ligoy pa, Ading." Ngiting-ngiti ito. "You need to know this right away. This may shock you. But... You're my real sister."
Matagal na nakatingin lang siya rito. Luh. Ano na naman 'to?
Muli ay napabuntong hininga ito. "It's hard to believe, I know. Even what we found out years ago, that you're not my real sister, is really hard to believe. But we've been fooled. We just found out weeks ago, na ikaw talaga ang totoong anak nila Mama at Papa. Ikaw ang tunay kong kapatid at hindi si Margareth!"
"Oh, Ading." Mabining hinaplos nito ang buhok niya dahil nakatitig lang talaga siya sa kapatid.
Hindi na alam kung ano ang unang mararamdaman sa mga sinasabi nito. Masaya siya sa naririnig ngunit naroon naman ang pagtataka, pagkalito, at sa isang parte ay ayaw maniwala sa mga naririnig. Na baka nag-iimahinasyon lang siya. Dahil gusto niya talagang bumalik ang dati. Na sila talaga ang buong pamilya.
"I understand that you're having a hard time to digest these things that I'm saying to you right now, pero ito na talaga ang totoo, Ading."
"H-how?"
"Margareth told us everything. Iyong ginawa ng nagpanggap na uncle mo. All the wicked things he planned for our family. Yung mga hiningi niyang kapalit sa pag-aalaga sa pinalabas nilang bunsong anak nila Mama katulad ng pera at iba pa. Sinabi niya lahat. Inamin niya lahat."
"Pero... Why did he do that?"
"Money. All for the money. Tapos ganito lang ang binibigay niya sa iyo." He motioned the place she's living. "When you have the right to have a luxurious life!"
"Wait." Biglang nanlaki ang mga mata nito. "Hindi ka naman niya sinaktan, hindi ba? Tell me. May ginawa ba siya sayo?"
Hindi pa man tapos ito ay umiiling na siya. "No. No. He didn't do anything."
Masungit ito sa kanya pero nagbibigay naman ng sapat na sustento. Hindi nga sila gaanong nagkikita ng nagpanggap na tiyuhin.
Iyon ang ipinagtataka niya. That's true. Possible namang pabayaan siya nito. May tendency din at possible nga siyang saktan nito. Pero walang nangyaring ganoon.
"Don't worry now, Louisa. Pinaghahanap na siya ng mga awtoridad. Our parents are doing their best. That man will surely pay for what he did."
He smiled again. "Speaking of Mama and Papa. They're waiting for you now. Dadalhin na kita sa kanila. Tiyak kong hindi na mapakali sa hotel ang dalawang iyon."
"They're here?!" Gulat na tanong niya.
"We've been here for a month na, Ading. Ever since we've found out the truth, lumuwas na kami agad para hanapin ka at ang lalaking iyon." Lumungkot ang anyo nito. "Sad to say, nakatakas na siya bago pa man namin siya usisain kung nasaan ka."
"How did you find me then?"
"Si Papa talaga ang nakahanap sayo. He saw you in the newspaper! That's where we found out where your school is. Sadly, they didn't give me your address even when I told them that I am your brother. Thankfully, Tommy comes into the picture and told me where you live."
Ooh... Alam na kaya nila na may pagkakaintindihan na kami ni Tommy?
"Wait. Newspaper?"
"You don't know?"
"No idea." Hindi naman kasi siya palabasa ng dyaryo.
"Another reason why we should go now. Sila Papa na ang magpapakita sa iyo."
"Owkay." Nahihiwagaan na sabi niya. Saka kinuha na ang bag na dala niya rin kanina.
"Sandali lang, Ading." Pigil nito sa kanya nang palabas sa sila ng kanyang apartment. "I saw a basket full of flowers outside your door. May boyfriend ka na?"8
==================
Ano na Louisa? Sagot! Hahaha XD
==================🐣🐣🐣
Posted: April 4, 2020 11:45 pm
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Too [COMPLETED]
RomanceLouisa has everything in life with her. Everything. She could not ask for more. Pero sabi nga, "you cannot have everything you want." For what she has was suddenly taken away from her. First is her best friend. Nasa murang edad pa lamang si Louisa a...