PART 1

229 5 0
                                    


MABILIS na nagtago siya sa likod ng malaking puno para ipahinga ang mga binti. Kanina pa kasi siya takbo ng takbo. Hindi alam kung saan patungo. Ni hindi niya nga alam kung saan siya dadalhin ng tinatahak niyang daan sa kagubatang iyon.

Nanghihinang isinandal niya ang katawan sa punong iyon at pinuno ng hangin ang kanyang baga.

But her rest didn't last long.

Napatayo siya ng tuwid nang makarinig siya ng tunog ng natapakang mga tuyong dahon. Her heartbeat immediately became erratic again.

Dahan-dahan ay umalis siya sa kinatataguan at nag-umpisa na muling lumakad upang makalayo na roon. Ingat na hindi makagawa ng ingay upang hindi matunton kung nasaan siya.

Then she shivered when she heard an angry growl behind her. Right there and then, she ran as fast as she can. Not sure where to go. Basta diretso lang siyang tumatakbo.

Halos nagkandatalisod na nga siya dahil sa bilis ng takbo niya kahit madilim ang paligid niya. Ni ang buwan na dapat ay nagsisilbing liwanag sa kagubatan ay walang nagawa dahil sa nababalutan ng nagkakapalang mga ulap.

Kahit pinangangapusan na ng hininga ay hindi pa rin siya tumigil o kahit bumagal man lang sa pagtakbo.

Ni ayaw lingunin kung malayo na ba o nasa likod pa rin ang humahabol sa kanya. Sa isip kasi ay kung lilingunin pa niya ito ay baka maabutan pa siya.

But her efforts had been wasted, for she was knocked down by someone with... fur? Ngunit unti-unting nawala iyon at napalitan ng hubad na katawan ng isang lalaki. Napangiwi siya dahil naramdaman niya agad ang hapdi ng mga sugat na natamo niya dahil sa nangyari. Pero wala pa pala ang hapding iyon sa sakit nang maramdaman ang mga ipin na bumaon sa pagitan ng leeg at balikat niya, dahilan para siya'y mapa sigaw-



Mabilis na pinatay ni Louisa ang TV bago pa man umalingawngaw ang sigaw ng babaeng nakagat ng werewolve na humahabol dito.

Marahas na ipinilig niya ang ulo para gisingin ang inaantok pa ring diwa. Hindi niya akalaing makakatulugan niya ang pinapanood na "Bewitching The Alpha" na gawa ni Caiden_Louise. Libro iyon tungkol sa isang sorceress o enchantress at isang alpha wolf, na ngayon ay ginawa ng movie.

Napakamot na lang siya sa ulo. Naiinis na pati ang ginagawang schoolwork na malapit ng ipasa ay nakatulugan din niya. Ginagawa niya kasi iyon habang nanonood ng nasabing pelikula.

At naiwan ngang nakabukas ang TV. Sayang ang kuryente. Tiyak na dadagdag iyon sa bayarin niya sa katapusan. She'd been trying to use frugally all the water and electricity at her apartment to save some of the expenses every month.

Kahit naman sa Tito Eldo niya ang apartment at ito ang nagbibigay lahat ng pangangailangan niya ay hindi naman niya iyon tini-take advantage para manirahan ng marangya. Hangga't kaya ay tinitipid niya lahat ng ibinibigay nito. She doesn't want to take his help for granted.

Napabuntong-hininga na lang siya. Ayaw niyang iyon ang maging dahilan ng ikasisira ng kanyang araw. Inayos na lang niya ang mga paperwork na nasa kanyang working table at itinuloy na ang paggawa niyon.

Ginagawa niya iyon kaninang matapos sa pananghalian. Kagabi pa niya iyon inumpisahan kaya marahil ay nakatulog siya.

She's almost done with it when her phone rang on her bedside table. Sasagutin na niya sana iyon nang makita niya ang pangalan ng caller na naka register sa screen.

Kuya



==================❤️❤️❤️



Author's Note:

Oh diba?! Naipasok ko pa yung Werewolf story ko! Ha ha ha! ^_^

Pero totoo po 'yan. Gumagawa na po ako ng story about an Alpha and an Enchantress titled, "Bewitching The Alpha", to be posted or publish soon.

Though BIG CHALLENGE ko po ito sa sarili ko kasi, isusulat ko po siya in English he he he ^_^

Also, I'll be taking my time in making this story. Gusto ko kasi siyang maging perfect kahit impossible dahil wala naman talagang perpekto. But I will do my very best para mairaos ito. Ha ha ha!

Gusto ko kasing makagawa talaga ng Werewolf story.

Abangan niyo po ah! ^_^



==================❤️❤️❤️



HINDI na niya naituloy ang kanyang ginagawa kaya niyaya na lamang niyang lumabas ang kanyang best friend na si Katherine at tumambay sa paborito nilang cafe.

Nagku-kwento ito tungkol sa tinatapos nitong mga deadlines para sa clearance nito na kailangan bago mag-graduation. Siya naman ay ang ginagawa na lang na schoolwork ang tinatapos kaya makukuha na rin niya ang clearance niya once na maipasa na niya ang mga iyon.

Pareho silang graduating student ni Katherine sa iisang college na nasa loob lang ng university belt. Siya ay hotel and restaurant management ang kinukuha habang ito naman ay communication research ang kurso.

Habang sumisimsim sa paborito niyang milkshake ay muling naalala niya ang pagtawag ng kuya niya kanina. Bakit kaya ito tumawag? Ano kaya ang sasabihin nito sa kanya? Kailan nga ba ng huli itong tumawag? At nalaman na kaya nito kung nasaan siya? Sunod-sunod na tanong niya sa isip.

Iniisip pa rin niya kung ano ang maaaring sabihin nito nang mapansin niyang huminto na sa pagsasalita si Katherine. Nang tingnan niya ito ay nakatingin lang din ito sa kanya. Ang isusubo na tinidor na may tusok na cake ay nabitin din sa ere.

"Sis, okay ka lang?" Tanong nito.

Napansin marahil nito na malalim ang iniisip niya. Napabuntong-hininga siya. Saka sinabi ang gumugulo sa isip niya. "Tumawag si Kuya kanina."

Mataman siyang pinagmasdan nito. "Ooh... Anong sabi?"

Simula nang lumuwas siya ng Maynila, manirahan at mag-aral doon ay si Katherine na ang naging pamilya niya. Nakilala niya ito nang makasabay niya ito sa entrance exam sa pagpasok sa kolehiyo. Akala pa nga niya noon ay brusko ito dahil sa suot na long sleeve at pormal ang ekspresyon. Ngunit nagkamali siya, dahil nang umupo ito sa tabi niya sa loob ng examination room ay nagulat siya nang bigla itong maglitanya kung gaano raw ito kanerbiyos sa pagkuha ng entrance exam na iyon. At kapag hindi raw ito nakapasa sa napili ng ama nito na eskwelahan ay baka tuluyan na raw itong itakwil bilang anak.

Simula niyon ay naging matalik na silang magkaibigan. Sa lahat ng nakilala niya sa Maynila sa loob ng apat na taon ay ito lang ang napagsabihan niya ng mga kwento tungkol sa kanyang pamilya. Pati na rin ang dahilan ng pagluwas niya roon.

Unknowingly stirring her milkshake, she said, "Hindi ko sinagot."

Alam niya sa sarili na kahit papaano ay gusto niya iyong sagutin. Gusto niyang sagutin ang telepono lalo na kung ang kuya niya ang tumatawag. Miss na miss na niya ito. Miss na miss na rin niya ang mga magulang niya.

Pero sa isang bahagi ng isip niya ay mas mabuti na siguro na hindi na siya magkaroon pa ng komunikasyon sa mga ito. Dahil wala na siyang karapatan. Wala ng dapat pag-usapan pa. Ngunit kahit gusto niyang magpalit na ng numero ay hindi niya magawa. Sa isang banda kasi ay umaasa pa rin siya. Umaasang bumalik ang lahat sa dati.

Hindi niya tuloy maiwasang bumalik sa nakaraan...


==================

Posted: October 1, 2020 6:00 pm

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon