PART 3

52 1 0
                                    


NAPUTOL ang pagbabalik niya sa nakaraan nang makitang tumayo si Margareth, halatang paalis na roon.

Napasinghap siya nang makitang hinalikan nito si Tommy malapit sa labi ng huli. Nakaramdam siya ng galit at matinding pagseselos.

Pagbaling nito sa pinto ay nakita siya ni Margareth at nanlaki ang mga mata nito. Nagtaka pa siya dahil naging mapagpahingi ng paumanhin at pagpapakumbaba ang itsura nito.

Knowing Margareth, she knows it's fake. Ganon naman lagi ang ginagawa nito. Mas gustong ito ang panigan kaya nagpapaawa.

Mabilis na pinuntahan niya ang mga ito. Nasa babae lang ang pansin.

"Pati ba naman ang boyfriend ko, ha Margareth?! Don't you know how much damage you've done in my life? First my family, and now my boyfriend?!"

Nag-umpisang umiyak ito. She grunted. Ha! Ito na naman po tayo.

Nagkandaduling pa siya nang biglang pumagitna si Tommy sa kanila. "Louisa, it's not what you-

"At pinapanigan mo siya?!"

Kumunot ang noo nito. "It's not like tha-"

Mas lalo siyang nagalit nang hindi deritsahan ang sagot nito. Nasaktan siya dahil doon.

Alam niyang nagpapaliwanag si Tommy pero parang wala na siyang naririnig.

Isang tanong lang ang nabuo sa isip niya sa nangyayari ngayon. Kaya deritso siyang tumingin kay Tommy.

"Tell me. Answer me. Ito lang, ng diretso. Magkakilala na ba kayo ni Margareth bago tayo nagkita ulit?"

Pigil ang hininga na hinintay niya ang sagot nito.

Dahan-dahang tumango ito. "Yes. But-"

Kung ganoon ay matagal na nitong alam ang totoo?

Pero bakit hindi man lang nito iyon nabanggit sa kanya?

Bakit sinaktan na naman siya nito?

Naghihinakit na tiningnan niya ang dalawa.

"Magsama kayo!"

At walang lingong likod na umalis na roon.




==================




NANLALATA mula sa pag-iyak na tinitigan lang ni Louisa ang tumutunog na cellphone na nasa side table niya. Kanina pa iyon tumutunog at pare-pareho lang niya iyong hindi sinasagot hanggang sa mapunta ang mga tawag sa voicemail. Alam niya kasing si Tommy ang tumatawag.

Kanina ay galing na rin ito sa hotel na tinutuluyan niya pero hindi rin niya ito nilabas. Ayaw niya muna itong makita at maka-usap. Ayaw pa niyang lumabas sa kwarto o sa hotel na iyon.

Recently lang niya nalaman na pagmamay-ari pala ng kuya niya ang hotel na iyon. Talagang nagiging matagumpay na ito sa larangan ng business. Sinabi pa nito na pagkatapos daw ng kanyang graduation ay tuturuan siya nitong magpatakbo ng naturang establisyamento dahil na rin sa kinuha niyang kurso.

Pahigang niyakap niya ang sarili at itinaas ang mga tuhod. She curled up like a baby. Sobrang sakit ng nararamdaman niya at napapagod na siya sa kakaiyak dahil sa nangyari. Pero hindi naman niya mapigilan.

Tiyak na alam na ng pamilya niya ang nangyari. At tiyak na kakagalitan ng kanyang kuya si Tommy. Pero wala na siyang pakialam sa ngayon.

Nagpatuloy lang siya sa pagmumukmok sa kamiserablihan niya.

"Anak..."

Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang mga magulang na nakatunghay sa kanya. Hindi niya napansing nakapasok na pala ang mga ito. Kitang-kita sa mga mata ng mga ito ang pag-aalala sa kanya.

"I don't want to t-talk about it yet."

Napaurong siya nang parehong mahiga ito sa magkabilang gilid ng kama at tabihan siya at yakapin. Muli ay nanikip ang dibdib niya. Masarap at nakakataba ng puso na may nag-aaruga sa kanya sa oras ng kamiserablihan niya. Thanking God that they are both with her.

She cries harder as she felt the melancholy emotion she's going through right now.

"Hush now, Anak. Mama's here. You'll get through this. You've been so tough with what we've been through. Malalampasan mo rin ito."

"You're a very strong lady, Louisa. We're here for you. And always pray, hija. It always works."

Hindi niya alam kung matagal ba siyang nakatulog o naidlip lang ngunit pagmulat niya ay nasa ganoong posisyon pa rin sila.

Nang mahimasmasan ay tinanong ang una niyang naisip.

"Bakit po pala hindi niyo na kasama si Margareth?" Hindi niya nagawang itanong iyon noong reunion nilang pamilya.

Ang papa niya ang sumagot. "Ever since sinabi niya ang totoo, umalis na siya ng mansyon at naghanap na ng ibang matitirhan."

She just nodded to that and goes back to sleep.



9


==================

...continuation

Thank you po:

@lei_pineda @wagslanag @ijjang @shadowstriker1974 @MarlynRitual @PamuGeografo @metet10 @janeleslyorina07 @JojiOliverio @CristyMueca @YasminKaye15 @goldsalas @M_J_25 @esmedia24 @NannetteVicedo @PrincessMiranda369 @arutla @Jeviepretty @nylefoj_23 @DonqueLudivina @MaShore @orencescuatrizgareza @GraceVelara @requebeth

==================❤️❤️❤️

Posted: May 29, 2021  8:42 pm

Supposedly kahapon ko ipoPost ang dalawang Parts na ito because of the special occasion. Yun lang, nakatulog ako hehehe

Happy Birthday to you! :* (5-28-2021)

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon