PART 1

63 4 0
                                    


HINDI alam ni Louisa kung ilang oras na siya sa kinauupuang sofa. Namomroblema siya habang ang binata naman ay himbing na himbing na sa pagtulog.

Arrgh! Bakit kasi pinatulog-tulog ko pa sa kama, saan ako matutulog ngayong gabi?

Dapat ata pinabayaan ko na lang dito sa sofa.

Nabuburyong pa rin siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Indikasyon na kailangan na ulit nitong uminom ng gamot. Nag-set kasi siya ng alarm para masubaybayan niya ang oras ng pag-inom ng gamot ni Tommy.

Kumuha siya ng tubig at paracetamol saka lumapit dito.

"Tommy, you need to wake up." Kagaya kanina ay umungol lang din ito nang yugyugin niya. "Kailangan mong uminom ulit ng gamot."

Niyugyog niya ulit ito. Nang sa wakas ay maalimpungatan ito ay tinulungan niya itong makaupo at saka pinainom ng gamot. Matapos iyon ay agad namang bumalik ito sa pagtulog.

"Teka, doon ka muna sa sofa. Bumalik ka roon. Wala akong tutulugan, eh." Tinapik-tapik pa niya ito sa pisngi. Pero lumayo lang ito at isinuksok ang mukha sa unan.

Mabilis na humiga siya sa espasyong iniwan nito at sinimulang itulak ito. Lalagyan na lamang niya ng mga unan ang pagitan nila.

Pero parang dingding lang ito na hindi gumalaw kahit anong tulak niya. Kuntodo effort pa siya.

"Stop pushing me..." He whined in a throaty voice.

Patuloy pa rin siya sa pagtulak nang biglang humarap ito. At niyakap siya. Huli na para ma-realize niya na mali ang desisyong ginawa.

Mabilis na nagpumiglas siya.

"Tommy! Bitiwan mo nga ako!" Hindi siya makatayo dahil yakap pa rin siya ng kaliwang braso nito.

Gusto niyang paluin muli ito ngunit pinigilan na niya ang sarili.

Naramdaman niyang humigpit ang yakap nito.

Nagtutulug-tulugan lang ba ito?

Nang tingnan naman niya itong maigi ay mukhang tulog talaga ito at walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Ugh! Tommy!"

"Hmm... you're too loud." Ungol nito.

"Mmy naman eh!" She whined.

Nagpupumiglas pa rin siya nang maramdaman ang mainit na hangin na umiihip sa kanyang mukha. Noon niya napagtanto kung gaano na kalapit ang mukha nila sa isat-isa. Dahilan para mapasinghap siya at matigilan.

Then all of a sudden, everything around her stop. Her AC softly blowing cool air, the hum of the television she forgot to switch off a while ago, she cannot even hear any honks of every car passing by outside her apartment. Her mind just shuts down. Even her breathing stopped.

All she can hear now is how her heart beating rapidly. And feeling how its just like to get out of her ribcage.

Suddenly, she can't breathe properly.

Alam niya ang nararamdamang iyon. At familiar iyon sa kanya. And it's not just because of the way how close they are.

Hindi niya alam kung nawala ba talaga iyon sa tinagal ng panahon o naisantabi lamang niya at nandoon lang sa sulok kung saan itinago lamang niya at ilalabas lang ulit kung kailan muling makita ang binata. Tila mas lalo pa ngang lumakas iyon.

She promised herself not to do it again and guard her heart already. But maybe, when it comes, you really can't stop it. You really can't control it. You can't deny it.

Because for the second time, she felt it again.

Falling all over again with the guy whose hugging her right now. Falling all over again with whom she loves with the young heart she once had.

Sa reyalisasyong iyon ay lalong bumilis ang tibok ng puso niya. Kung possible man iyon sa isang taong wala namang sakit sa puso.

I think I need a drink. Sinubukan niyang tumayo ngunit lalo lamang humigpit ang mga yakap nito.

Bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Oh, how she missed those embraces. Lalo na noong mga panahong kailangang-kailangan niya ito. Pero wala naman ito sa kanyang tabi.

Ngayon ay nararamdaman na niyang muli iyon. Ang init na nagmumula sa katawan nito. Na laging nagpapanatag sa kanya.

Dahan-dahan siyang gumanti ng yakap dito at isinuksok ang mukha sa dibdib nito at mariing pumikit. Dumagdag ang amoy ng pabango nito sa kapanatagang iyon.

Then, as she can't fight the sleep anymore, she finally let it take over her...

That she didn't hear the soft whisper saying...



Mahal kita...



==================❤️❤️❤️

Posted: November 11, 2020 10:10 pm

11.11 Salamat Shopee hahaha 😅😅

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon