PART 2

50 1 0
                                    


IT'S THEIR second and last day in Ilocos Norte that's why they're making the most out of it. Napuntahan na nila kahapon ang mga tourist spot na pwedeng puntahan doon gaya ng Paoay Church, Malacanang of the North, Museo Ilocos Norte at iba pa.

Kanina ay nag 4x4 ride at sand boarding naman sila sa La Paz and Paoay Sand Dunes na sobra nilang na-enjoy. At ngayon ay naroon sila sa Bangui Windmills. Iyon ang pinakagusto ni Louisa kaya iyon ang huli nilang pinuntahan.

Kahit hapon na at sobrang araw ay hindi mararamdaman ang init dahil sa sobrang mahangin sa lugar na iyon dahil sa marami at naglalakihang mga windmills na nakatayo roon. The windmills are not just a tourist attraction there, but it also gives enough electricity to support the power supply in Ilocos Norte.

"Did you enjoy yourself?" Tanong ni Tommy sa kanya.

"I did. Thank you so much for planning this." Saka kinuha ang dalawang kamay nito para mas mapahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya mula sa likuran. Naroon sila ngayon sa isang gilid ng beach kung saan kitang-kita nila ang hilera ng mga windmills.

Kanina pa sila nakaupo sa nilatag nitong kumot sa buhanginan at nagre-relax lang. Sa dalawang araw nilang iyon ay nakalimutan niyang nasa hometown lang sila ng kinalakhang mga magulang, na ayaw muna niyang balikan. Tinupad nito ang pangako na hindi sila pupunta kung nasaan ang mga ito. Kaya kahit naroon ay panatag ang kalooban niya at masayang nakakapag-relax.

She looked back at him when she heard him sighed.

"I don't want to go back yet. Nabibitin ako." Nanghihinayang na sabi nito. Mamaya kasing ala sais ay aalis na sila pa-Maynila kaya maaga na rin silang maghahapunan.

Even she, felt unhappy with the idea. "But we can still come back here, diba?"

Then she saw his wide smile. "Yes! You'll still come with me, right?"

"Of course."

"Thank you." He whispered before kissing her on the cheeks and carefully buries his face on her neck.

Bilang sagot dito ay niyakap lang niya ang mga braso nitong nakapulupot sa kanya.

"I love you."

Napangiti siya nang maramdaman na natigilan ito. Nakikinita na niyang ganoon ang magiging reaksyon nito.

Then she heard him nervously clears his throat.

"May s-sinabi ka ba?"

Natatawang hinarap na niya ito ng tuluyan, ikinulong ang mukha sa kanyang mga palad at inulit ang,

"I love you, Mmy."

Napahingal pa ito sa sinabi niya. Nagulat pa siya nang may tumulong luha sa mga mata nito.

"Tommy..."

"Did I hear it right?"

"Yeah."

"You l-love me."

"I still love you."

"Oh my...oh my- I never thought I'll hear that from you again. I-I mean I did! I-I just I never thought to hear it from you sooner. I know I've hurt you before-"

"Ssh." Natatawa at naluluha na ring pigil niya rito. Sa sobrang saya, di pagkapaniwala at pagka gulat ay nagkanda utal-utal na ito.

"I know. But you just did what you think the right thing is at that time, Tommy." Umpisa niya. "I've been thinking about it ever since you've told me the whole story. I perfectly understand it right now. And I'm proud of you. Lane needs you the most at that time. Because you love her. At mas importante ang pamilya. Don't worry."

Please, Love Me Too [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon