IYON na ata ang pinaka dreadful na byahe na naranasan ni Louisa sa buong buhay niya dahil hindi siya kinakausap ni Tommy.Sakay sila ng kotse ng mga magulang niya at papunta sa lugar sa Antipolo kung saan siya dinala nito noon.
He's just sitting there at the other side of the car, and watching the view outside the window. Napakatahimik. Kahit ang driver ay wala man lang ingay na nagagawa habang nagmamaneho.
Kaninang pagdating nila sa mosoleyo ay naroon nga ang lalaki. Halatang kausap nito kung sino man ang naroon. Ni hindi sila namalayan. Nagulat pa ito nang makitang naroon siya at magkasama sila ni Margareth.
It was Lane, iyon ang pangalang nakita niya kanina na naka-engrave roon, ang pinsan ni Tommy. Ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit nagpa-iwan si Margareth doon.
Nakarating na sila at naupo na ngunit wala pa ring kibuan sa kanilang dalawa. Even the beautiful view of the place and the clear and cold breeze of the air didn't help to ease or lessen the apprehension she's feeling.
Napabuntong-hininga siya. Gusto niyang kausapin ito ngunit hindi naman niya alam kung paano uumpisahan at natatakot siya na baka ito naman ang hindi makinig sa kanya.
Kaya sinabi na lamang niya ang alam at gustong sabihin dito.
"S-sorry." Hinintay niya ang sasabihin nito.
Ngunit nagdaan ang ilang saglit ay wala pa rin itong kibo.
Lalo siyang kinabahan. Hindi tuloy siya makatingin ng diretso rito.
Ibinuka niyang muli ang bibig upang magsalita nang marinig niya ang boses nito. How she missed his voice. Nabuhayan siya nang magsalita ito. Bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata. Akala niya ay hindi na siya kakausapin nito.
"I met Margareth because of Lane. Lagi ko kasi silang nakikitang nakikipag-chat sa isa't-isa simula nang ako ang magbantay kay Lane. They're best friends since childhood."
Kung ganoon ay magkaibigan pala ang dalawa. Kaya pala nagpaiwan si Margareth.
"Like us." Mahinang sabi niya.
Tumango lang ito bilang sagot.
"At that time, I didn't know that she was the girl na nagpanggap na totoong anak nila Tita Jenna. I've only met her pag-uwi ko rito sa Pilipinas. We talked and that's when I've found out the truth. That's also the time she found out about my feelings for you, and that I was looking for you."
Mula sa mahinahon nitong anyo ay bumalot ang sakit doon. "There's nothing going on between the two of us, Louisa."
Hindi pa man tapos ito ay sunod-sunod na siyang tumatango. Nasabi na ni Margareth ang totoo at nagsisisi siya na mas pinaniwalaan pa niya ang nabuong haka-haka sa isip kaysa pakinggan ang mga ito.
"Don't you trust me, Louisa?"
Nanikip ang dibdib niya sa narinig. Masakit sa kanya na marinig ang sakit na kalakip sa boses nito.
"Cause if you still don't, I'll do everything for you to trust me. Because I don't want to lose you again anymore, Lo-Bi."
Tuluyan na siyang napa-iyak nang makita niya ang pagbagsak ng mga luha nito.
"Shh." Even in a blurry sight because of her own tears, she tenderly wipes his tears using her thumbs. She felt relieved that he's not mad at her. That it's the other way around.
Sa isang banda ng kalooban niya ay gusto niyang magalit ito sa kanya. Na ipamukha nito ang pagkakamali niya. Na parusahan siya dahil sa pag-iisip ng mali rito.
But he didn't. She doesn't deserve this kind of treatment. She doesn't deserve him.
"I'm so s-sorry. I acted on impulse. At that time, hindi pa ako nalinawan sa kung ano ang totoo. You already knew about my p-past. She'd taken all that I have. It scared the hell out of me na pati ikaw ay makukuha rin niya sa akin. Then I assumed the worst. That... that-"
"That we have a relationship."
"Yes." Bulong niya. "That she had taken you away from me, too. Just like my family."
"It's my fault too. I didn't tell you that I already know everything between you and Margareth. Sa tingin ko kasi ay hindi ko naman karapatan para sabihin sa iyo iyon. Also, you're not that really ready to talk about it. So I decided not to push it."
Nakakaintinding tumango siya sa pagsang-ayon dito.
"I'm a big jerk. I didn't let you explain your side first. I let myself believe in a lie that I've cause. Nagpaniwala ako sa mga doubts at insecurities ko. At dahil doon, nasaktan kita at maging ang sarili ko. I've cause so much damage between the two of us. I missed you so much, Mmy."
He affectionately wraps his hands around her.
"Kanina nang madatnan mo ako sa harap ng puntod ni Lane, believe it or not, kausap ko siya ng masinsinan. Siya kasi ang lagi kong kakwentuhan noon tungkol sayo. Kaya siguro hinahanap-hanap ko ang presence niya kapag nami-miss kita. Ganon kasi ang nararamdaman ko noong nasa Canada kami. Siya lang ang napaglalabasan ko ng hinaing ko tungkol sayo. I missed you too, my Lo-Bi. Please don't ever do that again. I can't bear to lose you again."
"I won't. I'm sorry."
Ikinulong nito sa mga palad ang kanyang mukha. "Enough for apologies. I promise you also that I will not keep anything from you ever again." Napangiti ito. "Kahit hindi ka pa ready."
Natawa naman siya sa huling sinabi nito.
Pagkatapos ay tiningnan niya ito ng may punong pagmamahal.
"I love you." Madamdaming sabi niya.
Wala ng luha sa mga mata nito. Pero sa sinabi niya ay parang nagkislapan ang mga iyon. Saka nito sinelyuhan ng matamis na halik ang kanilang pagmamahalan.
"I love you more."
WAKAS
10
==================❤️❤️❤️
Here it is. Thank you so much po!
==================❤️❤️❤️
Posted: May 31, 2020 10:12 pm
Happy 1st to me!
BINABASA MO ANG
Please, Love Me Too [COMPLETED]
RomanceLouisa has everything in life with her. Everything. She could not ask for more. Pero sabi nga, "you cannot have everything you want." For what she has was suddenly taken away from her. First is her best friend. Nasa murang edad pa lamang si Louisa a...